Kabanata 23

165K 2K 79

Dedicated kay @unending_pain napahagalpak kasi ang tawa ko sa comment niya. Peace na tayo h'wag ka nang mabanas XD <3 pero seryoso, thank you! :">

Kabanata 23

 

DRAKE’S P.O.V

 

 

Tahimik kaming pumasok ng unit niya, nagdadalawang isip ako kung susundin ko ba yung gusto niyang mangyari. Umupo kaming dalawa sa couch at para akong timang na napapitlag nang hawakan niya ang kamay ko, ang lakas talaga ng tama ko sa isang ito. “You need to talk to her, para malaman mo talaga kung anong nararamdaman mo ngayon.” Bulong niya, napansin kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya naman hinila ko siya at pinaupo sa lap ko saka niyakap mula sa likod niya, ipinatong ko ang baba ko sa kaliwang balikat niya, damn this woman... I’m so addicted to her scent.

“Pero ikaw na ang mahal ko ngayon Kei Marie..” Bulong ko sa tenga niya, inihilig niya ang ulo niya sa ulo ko. “Nararamdaman ko naman yun Drake, pero ngayon alam ko na kung bakit natatakot akong mahalin ka. May nakabara pa diyan sa puso mo, may naiwan na galit.” Paninigurado niya, huminga ako ng malalim.. Alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon galit pa rin ako sa ginawa ni Misha.

“Pagkatapos ko ba siyang makausap mamahalin mo na ako?” Bulong ko at mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya, naramdaman ko ang pagkapit niya sa braso ko. Darn! Hindi ko alam kung paano ko napipigilan ang sarili ko sa karisma niya, simpleng galaw lang niya sobrang lakas na ng epekto saakin.

Dahan dahan niyang inilayo ang ulo niya saakin at pinagtagpo ang mata naming dalawa, napalunok ako ng makita ko sa mga mata niya na talagang may pag asa ako sakanya..

“I’m getting there Drake..konting konti nalang magpapasalo na ako sayo.” Aniya, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at kaagad ko na siyang siniil ng isang malalim na halik, darn! Ang sarap niyang halikan, ayoko ng paghiwalayin ang labi naming dalawa pero naramdaman ko ang marahan niyang pagtulak saakin. “Puntahan mo na siya, tinext ko na siya.” Bulong niya, tumayo siya at kinuha sa bag niya ang cellphone ko saka inabot saakin yon. Napangiti nalang ako, hindi ko kasi pinapahawak sa iba ang cellphone ko kahit noon pa, sakanya lang.

“Sinabi kong pupuntahan mo siya sa bahay niya. She’s waiting for you..” Nakangiting sabi niya, tumayo ako at kinuha ko ang cellphone ko sakanya, hinila ko siya palapit saakin at niyakap. “Hindi ko na kailangang tanungin sa sarili ko kung bakit ganito nalang yung pagmamahal ko para sayo.. Dahil naiintindihan ko na ngayon, mahal kita hindi lang dahil sa ganda at halik mo. Kundi dahil diyan sa puso mo.” Bulong ko sakanya, kung sa panlabas na kaanyuan niya mukha siyang babaeng walang kinatatakutan, para saakin you have to find the right key para makapasok sa buhay niya at mas makilala pa siya ng lubos. She really deserves to be treated as a Princess, hindi yung sasaktan siya. Siguro nga sobrang daming kapintasan sa panlabas na anyo at ugali niya, pero hindi sapat na dahilan yon para saktan siya ng kung sino man.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!