Chapter 3: Deadly Deal

Magsimula sa umpisa

"Yup. Siya si Ariela Davis." Iniwasan ko ang nakamamatay na tingin ng babaeng nagyeyelo ang mga palad. Itinuon ko na lamang ang pansin kina Snow.

"Ariela, I'm Layla Song. I have the charm of special hearing. I can hear anything from a ten mile radius." paliwanag ng babae. Muntik akong masamid considering wala akong iniinom. Hearing power? Ang cool naman nun!

"Ako si Lily Song." sabi ng isa pang babae sa left side ko. "I cooked." Sandali kasali ba sa powers ang pagluluto?

"Hwag kang maniwala dyan. Hindi ordinaryong pagkain ang niluluto niya. May mga side effects ang mga yun."

Lily frowned at her twin sister. "Ako dapat magsasabi nun." she muttered. Napangiti ako. Kambal with super powers.

"Ikaw Ariela? Anong charm mo?"

Nagdalawang isip akong sagutin ang tanong nila. Binalaan ako ni Snow na hangat maaari hwag ko munang ipaalam na wala akong charm. Baka maging target ako ng mga bullies.

"Dali! Anong charm mo?"

"Um, ano kasi—" Nakahinga ako ng maluwag nang biglang bumukas ang pinto. Muntik na. Pumasok si Mr. Chase Miller at nakangiting binati ang buong klase.

"Good morning, charmers." Nagsibalikan sa respective seats ang mga classmates ko. "Good morning, Sir!" bati ng buong klase.

Isa pala sa magiging teache ko si Sir Chase. Tinawag ko si Snow.

"Snow." Hindi siya sumasagot. "Hey, Snow." Lumingon siya sa akin with a dreamy sigh. "Ang gwapo niya ano?"

My eyebrows automatically furrowed. "Si Sir Chase ba ang tinutukoy mo?"

"Sino pa ba? Ang gwapo niya kaya." Seriously?

Kinuha ni Sir Chase ang ilang files sa table. "I believe we have a new student in this class. Miss Davis, will you kindly introduce yourself?"

Napatayo ako ng marinig ang pangalan ko. Never pa akong kinabahan ng ganito. Pakiramdam ko naririnig ng lahat ang tibok ng puso ko.

"Hi, I'm Ariela Davis. Please take care of me." Please take care of me, really? I'M SUCH A DORK.

"I bet they would. Very well then, let's start the discussion."

I heard a few groans of complain. According to Snow normal subjects are the worst subjects. Walang thrill. Paupo na sana ako nang may biglang magtaas ng kamay sa likod.

"Yes, Freya, any question?" tanong ni Sir Chase.

"Sir, anong charm meron siya?" Ako bang tinutukoy niya?

"What do you think? What charm does she have?" tanong din ni Sir habang nakangiti.

This is really awkward. Kung mag usap sila parang wala ako dito. Hello. Nandito kaya ako sa gitna niyo.

"Lame one. Like technical type." She smiled. Bakit pakiramdam ko may sama ng loob si Freya sa akin?

"We will see about that Miss Rnovia. Both of you sit down." Muling natahimik ang klase. Nagsimulang magdiscuss si Sir Chase.

"Hayaan mo na si Freya. Ganyan lang talaga siya. May pagkamaldita." Bulong ni Snow.

"Naiintindihan ko. Iiwas nalang ako sa kanya." sagot ko.

Lumipas ang oras. Nakatingin lang ako sa labas buong klase at pinagmamasdan ang malawak na school campus mula sa bintana. Everything seems so calm and lazy. Parang isang ordinaryong araw sa isang ordinaryong paaralan.

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!