Chapter 29

2.9K 66 0

Ly! Okay na ba tong suot ko? Tanong ko kay alyssa na nakahiga nag lalaro yata sa Phone.

Tumingin sya sakin.

Kahit ano naman suotin mo, You're always Perfect ;) bwiseeeet! Kumindat pa nalaglag yata panty ko hahahaha! Anyway. Ang ganda mo dyan sa red Dress mo. :) sabi nya.

Ngayon kasi yung Dinner daw ng Caymo. Kinakabahan nga ako eh :(

Ikaw din, Gwapo mo dyan ;) kindat ko rin sakanya.

Aysh! Wag ka nga kumindat baka mamaya mag bago isip ko na pumunta dun. Para kasing mas okay kung dito nalang tayo dalawa :) sabi niya pa. Kumagat labi pa.

Ms. Caymo alam ko yang iniisip mo! Wag ngayon. Tara na aya ko sakanya.

Kala ko ba kinakabahan ka? Pwede naman tayo wag nalang pumunta dun e. Sabi niya hinawakan bewang ko. Jeez! Mukang may mangyayari pa yata samin.

Alyssa!

Fine. Di na po. Pero kiss muna. Sabi niya tapos ngumuso.

*tsup*

Bilis naman :( pag mamaktol nya. Hahaha! Mas okay yung alyssa ngayon :) Ang cute ng side nya parang isip bata.

Mamaya nalang pag uwi :) sabi ko sakanya, Trying to seduce her. Haha mukang effective dahil napalunok sya.

Hahaha! Ang cute nya. Parang natatae na ewan.

Stop teasing me Mrs. CAYMO eka nya. Waaaah Mrs Caymo daw :">

Okay Chill sabi ko na sign pa na stop. Lumabas na kami ng Condo tapos nag drive na sya.

Kinakabahan ako Ly, paano kung di nila ko Gusto? :(

Ano kaba, Hindi ka mahirap mahalin Dennise. Napaka buti mong tao. Hm masungit lang sometimes pero Aray! Babe naman nag da-Drive po ko. Binatukan ko kasi sya. Pero tinawag nya akong babe :"> kanina pako pinakikilig nito ha.

Wag ka kasing ano dyan. Kung di kalang naman loko loko dyan di kita susungitan!

Opo na, Sorry na po. Sabi nya Cute talaga. Hahaha

Kiniss ko nalang sya sa Pisngi aba ang loko ngingiti ngiti hahaha!

Yie Chansing si Denisse

Kunwari kapa, Gusto mo naman. :D

Mas okay kung sa Lips moko ikikiss :D

Kitams, mag chansing ka pa nga sakin haha!

Nag aasaran lang kami ni alyssa, Pero pag hinto namin sa Mansion nila bigla akong kinabahan.

Bumaba na si Alyssa ng Kotse pinag buksan ako.

Meet the parents agad? Di pa nga ako handa eh :3

Wag kang kabahan ako bahala sayo :) Hindi kita pababayaan okay? Sabi ni alyssa. Na naging sanhi para mapanatag ang kalooban ko.

Hindi na rin masyado kaba ko :)

Ate Ly! Tawag sakanya ng mga bata. Ang kuKyut :)

Aaron, Marcus, Andrei. Kamusta kayo? Laki nyo na ha? Sabi ni alyssa, Oo nga pala 4 na taon sya nawala.

Im Great Ate ^_^

Me too!

Me also ^_^

Sabi ng mga bata. Cute!

Nga pala  kids, I want you to meet my Wife, denisse. But you guys Can call her Ate Den :) sabi ni alyssa, pinakilala niya akong asawa? :"> OhMy!

Hi ate Den! ^_^ sabi ng mga bata Kumaway pa sakin..

Hello ^_^ bati ko naman sakanila.

Sige ha? Punta muna kami kay mommy :) paalam ni alyssa hinawakan niya ulit kamay ko nag lakad kami papasok.

Mukang mga kagalang galang yung na sa sala nila.

My, sabi ni alyssa tapos lumapit sa mama nya humalik sya sa Pisngi nito pati sa lalaki na katabi nya. Siguro tatay ni alyssa.

Good Evening Guys ^_^ Meet my Wife. Denisse. Pakilala nya sakin. Seryoso?! Agad agad? Di manlang ako pinahinga.

Go- Good Evening po. Sabi ko nag Bow pako.

Seryoso? Anong gayuma ginamit mo sakanya alyssa? Napatingin ako sa nag salita. Isang lalake na mukang kaedaran ama ni alyssa

Tito Mark naman. :3 Love po tawag dun di ko sya ginayuma. Diba den? Baling nya sakin. Pinisil pa kamay ko.

Opo. Eka ko nalang jusmeo kinakabahan ako, pwede na yata akong Himatayin dito.

Mukang kinakabahan ang asawa mo apo. Sabi ng matanda na nasa kanan ko.. nakaupo

Ah opo Lo, pasensya na po ha?

Wag kang kabahan Hija :) Di kami nangangain. Sabi ng matandang lalake. Osya, Tutal nandito naman na ang apo ko tara na kumain. Tumayo na ang matandang lalake.

Sumunod na yung iba. Kaya sumunod na rin kami ni alyssa

Napunta kami sa Garden. At yung pag kain.

Woah! Masaya to! Sabi ng isa pang lalake. Ang pagkain kasi nasa mahabang lamesa puro mga street Foods, Lechon. Itlog na maalat mga pagkain na simple lang.

Pinag hila ako ng upuan ni alyssa. Ay wait pala, Mag hugas muna tayo. Sabi ni alyssa hinila nya ako papasok tapos hinugasan nya kamay ko. Yan okay na ^_^ sabi nya pa.

Kay bumalik na kami kung nasaan sila..

Lucky To Have YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!