Chapter 2: The Fire Ball

1.7M 39.4K 8K

Chapter 2: The Fire Ball

Nakita kong nakatayo na ang butler na si Mr. Harolds sa harap ng isang pintuan sa hallway kaya binilisan ko ang paglalakad. Nandito kami ngayon sa dormitory ng school.

"Ito po ang magiging kwarto niyo, Miss Davis," he said.

Napakaganda ng dormitory nila dito. Para siyang lumang kastilyo. Malawak ang mga hallway, matataas ang mga kisame, at luma pero magagara ang mga gamit. Kumatok si Mr. Harolds sa pinto. Bumukas ito at binati kami ng isang nakangiting babae.

"Hello, Mr. Harolds." Bumaling ang tingin niya sa akin. "Oh, hi!"

Nakasuot siya ng oversize shirt at cream colored shorts. She has a shoulder length hair, very fair complexion, and a pair of deep blue eyes.

"Miss Snow, siya ang magiging bago niyong roommate, si Miss Ariela Davis."

Snow. What a weird name.

"Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi niya. "Don't worry, Mr. Harolds, ako na ang bahala sa kanya."

Kinuha ko ang mga gamit ko mula kay Mr. Harolds bago siya nagpaalam. Hinila ako ni Snow papasok sa kwarto.

"You're so pretty. How old are you? Are we in the same section? What charm do you have?" She immediately fired me with questions the moment I entered the room.

Pumunta ako sa left side ng kwarto kung saan wala pang masyadong gamit at inilapag ang mga gamit ko doon. This room is huge. Para akong nasa isang lumang bahay with poster bed, old cabinet, and everything.

"I'm seventeen. Hindi ko pa alam kung anong section ko. And I don't have a charm," sagot ko sa mga tanong niya. Nawala ang perfect toothpaste commercial smile niya. Tiningnan niya akong mabuti habang nakaupo sa kama sa tapat ko.

"Really? Then how did you get here?"

I shrugged. "Dahil dating nagtuturo dito ang Lola ko?"

Napaisip siya sa sinabi ko. "Pwede ba yun? Maybe. I don't know."

Binuksan ko ang maleta ko at nagsimulang mag ayos ng gamit. "Ikaw, anong charm meron ka?" I asked.

"I belong to the technical type. I'm a modern day witch. You know, spells and stuff."

Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. She said it like it's the most natural thing to say! Snow giggled nang mapansin ang reaction ko.

"I got that reaction a lot. Hwag kang mag alala. We can't use charms during ordinary circumstances. That's one of the rules."

"Rules?" I asked with a hint of relief in my voice.

"Yes, madaming rules dito sa Academy. Malalaman mo din niyan." Napatango ako.

"Hey, do you want to grab some snack in the Dining Hall? Masarap ang pagkain nila dito."

"Sige. I'll just take a shower. Susunod ako," nakangiting sagot ko.

Wrong move.

Saka ko lang na realized na mali ang ginawa ko when I came out of the shower. Dapat pinaghintay ko nalang siya. Hindi ko alam kung nasaan ang Dining Hall. I don't even remember how I got in this room in the first place. Masyadong malawak ang lugar na ito at napakahina ko pagdating sa directions!

Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako at sinubukang hanapin si Snow. Though hindi ko alam kung saan talaga pupunta. Wala akong matandaan sa mga dinaanan namin ni Mr. Harolds kanina. Lumiko ba kami? Saan kami umakyat? Left ba or right?

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!