Kabanata 22

169K 2.1K 60

Dedicated kay @chayaaaaaaa simula TLHS palang nagbabasa na daw siya ng  mga stories ko. *O* thank you! :)

Kabanata 22

 

 

Kahit ang sama sama ng loob ko ngayong araw na ‘to dumiretso pa rin ako sa company namin para magreport sana kay Mr.Go tungkol sa anak niyang demonyo, kaso nga lang masyado pang maaga. Lahat nang madadaanan ko binabangga ko dahil inis na inis talaga ako.

“Girl! Ang aga mo naman!” Salubong saakin ni Mateo pagkapasok na pagkapasok ko ng opisina namin, marahan ko siyang itinulak dahil nakaharang siya sa dadaanan ko! “Ay, ang sungit.” Natatawang sabi niya, hindi ko siya pinansin at umupo na ako sa swivel chair ko, sumunod naman siya saakin at umupo sa harapan ng table ko.

“Anyare teh? Bat ang init ng ulo mo?” Natatawang tanong niya, hinilot ko sandali ang sintido ko bago ko siya sinagot. “Masakit sa ulo yang pinapagawa mo saakin ha!” Reklamo ko sakanya, narinig ko namang ngumisi siya dahilan para mas lalo akong mainis sakanya! Nakikita na nga niyang bwisit na bwisit ako dito nagagawa pa rin niya akong tawanan, anong klaseng kaibigan ba siya?!

“I told you girl, kung si Rica nga hindi umubra dun ikaw pa kaya.” Pang aasar niya, tinignan ko siya nang masama pero kasabay non ang pagngiti ko. “Anong akala mo saakin mahina? FYI bukas na bukas din papasok na yon dito sa company natin. Kung hindi nga lang dahil sa ipinangakong sweldo ni Mr.Go, hindi ko  siya kakausapin eh. Napaka-yabang at matapobre.” Naiiritang sabi  ko,

“Gwapo  naman, mayaman pa, yummy din.” Aniya, hinampas ko siya ng log book sa mesa ko. “Aray naman girl, totoo naman yung mga sinabi ko.” Maarteng sabi niya. “Hoy bading, napakalandi mo talaga.” Naiiritang sabi ko sakanya, paano ba naman may dala dala din siyang picture ni Tom Andres kagabi kasama nung mga address nito, at lahat  yon inarbor niya, ididikit daw niya sa kwarto niya, kadiri lang talaga.

“Kung makapagsalita ‘to akala mo hindi malandi.” Natatawang sabi niya, “Well, kaya nga tayo magkasundo diba?” Ewan ko bigla nalang gumaan yung pakiramdam ko ngayong kausap ko na itong bakla na ‘to, sabi ko naman sa inyo tunay na kaibigan talaga yan.

“I know right, o paano? Ipapasa ko na ba itong contract kay Mr.Go?” Tanong niya, “Yes, pakipasa na. Ikaw nalang din ang magreport sakanya, wala pa ako sa mood na pag usapan yung anak niyang gago, saka pakisabi bukas na bukas dadating na dito yon.” Utos ko sakanya, tumango tango naman siya at lumabas na, mukha yatang nandiyan na si Mr.Go.

Naging busy na rin ako buong araw dahil madaming ipinaasikasong papeles saakin si Mr.Go, wala daw kasing kwenta yung secretary niya, kung hindi niya lang daw iyon pamangkin eh matagal na daw niyang tinanggal yon sa trabaho.

“Girl, let’s take a break.” Humihikab hikab na sabi ni Mateo saakin, “Mauna ka na ang dami ko pang tinatapos.” Sabi ko sakanya nang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop. “Teh please? Alam mo bang ang tagal ko nang walang kasabay kumain simula nang umalis ka.” Pangungunsensya niya, wala na rin kasi dito sila Cheska, saktong pag alis ko daw eh umalis na rin ang mga yon.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!