[18] Start of Something new?

Magsimula sa umpisa
                                    

Tapos umakyat siya. Tingnan mo yun. Ang moody! Ano bang problema noon?! Nagcocomment lang eh!

Pumunta ako sa table. Wooooow! Ang sarap naman ng pagkain! Inorder niya siguro to! :O

Sa gitna may box.. Pagbukas ko..

Bracelet.

Hmmm. Birthday ko ba? Pagtingin ko may card..

'Sorry sa pagiging moody ko. At sa palaging pagsusungit sayo. --Patrick.'

So.. Magsosorry pala talaga siya kaya niya ginawa to. Nagtampuhan nga pala kami kanina.

*Teach me how to Dougie*

Ate Ising Calling

Oh. Bakit natawag ito?! Tapos na siya sa date niya?

"Hello?"

"ELLLLLEEEEEE!"

"Aray! Wag mo naman ako sigawan!"

"Kinikilig kasi ako."

"Mukha nga! Alam ko ang dahilan!"

"Talaga?! Ang saya no? Biruin mong may mga bagay na hindi ka ineexpect tapos mangyayari!!"

"Oo nga. Hindi ko rin talaga alam na pwede yun mngyari sayo. I mean.. Not now."

"Oo nga eh biruin mong ang sweet ni--OHWEYTAMINEYTKAPENGDECAFINATED!!!! Anong sabi mo?! Mangyari sa akin?! Ano?!"

Aray! Sumisigaw na naman siya. Bakit naman daw?! Eh hindi naman talaga obvious na magkakaboylet siya eh!

"Oo! Biruin mong may boylet ka! Sabi ni Nanay Chabz wala ka raw kanina. May kasama ka daw na gwapo."

"....."

"Huy! Teh!"

"....."

"Ay ewan ko sayo! Wala ako marinig! Ibababa ko na ito."

"Teka lang!! Huweeeyt!! Hahaha!! Loka loka ka talaga!! Ung imagination mo sobrang taas ng lipad! Lagpas troposphere teeeeh!"

"Huh?! So wala kang boylet??"

"WALA.. Pa! Sa ngayon."

"Eh may kasama ka daw na gwapo??"

"Sino pa ba? E di si Papa.. Patrick!!!!"

Si Patrick? Kasama niya? Baka kaya nagcut si Patrick? :/ Ey weird.

"Oh eh ano? Kamusta? Chika!"

"Chika saan?"

"Anong nangyari?! Paguwi mo! May nangyari ba?"

-__-+ So siya pala ang kasabwat ni Dylan.

"So Elle? Ano na?"

"Wala. Ibababa ko na ito. -___-+"

"Ayan ka na naman! Ang sungit mo na naman!"

"-___-+ Hindi. Matulog ka na."

Ibababa ko na sana kaso narinig ko siya magsalita. Kausap ata sarili niya. Medyo mahina kasi. Akala ata binaba ko na.

"Hay naku. Hindi ba naging okay?! Sayang naman! Nageffort pa naman kami ni Patrick para sa pagsosorry niya!! Kawawa pa naman yun. Paso paso na yung kamay niya kasi nahirapan siya magluto. Loko naman yun. Sabi ko ako na magluluto sabi niya siya na lang! Ayan puro paso kamay niya.. Pero sabi niya magigitara pa din siya. Bakit kaya hindi naging ok--Hmmm? Hindi pa pala nakaoff."


*toot toot*

O_____O

Nagulat ako sa mga narinig ko. Ga--Ganun nageffort si Dylan para lang magsorry sa akin? Bakit naman? Amg weird naman niya. :/

[Published Book] Three Words, Eight Letters, If I say it, Will I be yours?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon