T E A S E R

20.4K 419 10
                                    

LOVE ME FOR WHAT I AM
By: ELLAH MARIE

Isang madilim na kahapon ang pilit tinatakasan ni Phoebe Madriaga ang dalagang,sa murang edad ay itinakwil ng magulang at natutong mabuhay mag-isa. Isang karanasan na hindi nya malilimutan ang nagbigay ng sobrang pilat at sakit sa kanyang puso at isipan. Paano nya matatakasan ang pangyayaring iyon kung sa bawat pagmulat ng kanyang mata ay nakikita nya ang dulot ng mapait kahapon. Malilimutan ba nya ang pait ng kahapon kung muli nyang makaharap ang taong nagdulot nito sa kanya?

Nick Salvador, after 10years ay napagpasyahan bumalik ng Pilipinas kasama ang fiance' na si Bianca para doon magpakasal. Paano kung sa pag-apak nyang muli sa Pilipinas ay maalala ang dahilan ng pag-alis nya 10 taon ang nakakaraan,matanggap kaya nya ang isang nakaraan na biglang sumingit sa kanyang kasalukuyan? Paano nya mapaninidigan ang kasintahan kung makita nyang muli ang babaeng kailanman ay hindi nawala sa kanyang puso at isipan.? Mahalin pa kaya niya ito sa kabila ng nakaraan nito?

Pusong uhaw sa pagmamahal...

Pusong umasa....

Pusong nagsusumigaw.....

Saan nga ba at alin ang tama sa larangan ng pag-ibig sa isang mapagbirong tadhana.....

Abangan....

Love Me For What I Am (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon