Season 2 | D |>> #MeAndMyJealousy

75.3K 1K 244
                                    


~~

Season 2 | D |>> #MeAndMyJealousy

" You can be the moon and still be jealous of the stars."

Belle's POV

Woah. What the fck happened?

Hinalikan niya ako?

Wait a second. Did he---Kendrick Aldrich Juliart Wong Adriano- actually kissed me? Did he actually made the first move?

Woah.

Ang alam ko kasi busy ako sa presentation namin sa auditorium then all of a sudden, Kendrick just appeared out of nowhere demanding my presence and then...boom! All hell broke loose.

Why did he kiss me?

I mentally rolled my eyes at myself. Syempre, given na, na irresistible ako. I'm Belle Silva after all, pero ang hindi ko lang magets ay kung bakit? At mukha pa siyang galit nang maabutan ko siyang nakasandal sa ding-ding at nakapikit na parang may malalim na iniisip.

Ako ang unang kumawala sa kanya. Gumagaling na siya sa paghalik, yes. Pero, hindi ko parin maintidihan kung bakit biglaan. Knowing him, sa ilang buwan naming magkasama, palaging may rason ang lahat ng ginagawa niya. Kalkulado ang lahat ng mga galaw niya, kaya pakiramdam ko ay may something sa kanya ngayon dahil sobrang out of character ang ginawa niyang iyon.

"Why?"

Kahit na huminto na siya sa paghalik sa akin, idinikit niya ang noo niya sa noo ko at mahigpit pa din siyang nakahawak sa pisngi at braso ko.

"Why?" pag uulit ko. Nakapikit pa din siya at malalim ang mga hininga. Sa bawat mainit na hininga niya na dumadampi sa pisngi ko, ay pakiramdam ko na nalulusaw na ang lapag at lalamunin ako ng wala sa oras. Umiinit ang pisngi ko at madaming insekto sa tiyan ko ang nagsisiliparan. Sa bawat paghinga niya, ay para akong nalulusaw. Sa bawat paghinga niya ay para akong nahuhulog sa kawalan.

Masama ito. Masamang masama ito.

Nang minulat niya ang mga mata niya, 'yung puso ko ay parang humiwalay sa dib-dib ko.

Masyadong pumipintig. Masayadong kumakabog. Masyado nang nahuhulog.

Pinagmasdan ko ang mga mata niya na nakatingin sa akin na parang hindi niya alam ang ginawa niya. Nakakunot ang ulo niya na parang nalilito.

"I'm...confused,"

Kahit na huminto na siya sa paghalik sa akin, ay nararamdaman ko pa din ang init ng labi niya nang lumapat ito sa akin. Ramdam ko pa din ang bawat galaw ng dila niya na pilit na pinapasuko ang sa akin. Ang bawat daan ng mga kamay niya sa leeg ko upang mas lumalim ang mga halik niya ay parang multong nararamdaman ko... ang bawat himas ng mga kamay niya sa likod ko ay hinahanap hanap ko...

Hindi lang siya ang nalilito...

Lumunok ako. No it can't be. Hindi ako pwedeng malito. Nang huling nalito ako sa isang tao, madaming nangyari na hindi ko gusto.

"Saan, Ken?"

Hindi niya pa din tinatanggal ang pagkakadikit ng mga noo namin. Lahat ng balahibo ko ay nagsitaasan nang ibuka niya nang kaunti ang mga labi niya, na parang may sasabihin siya.

What the fck is happening with me?

"I kissed a stranger earlier. I did what you asked me to do, Belle. Kaso...wala akong naramdaman. It felt like, I'm kissing a stone. But...but when I'm kissing you..." Nakangiti siya habang pinapaliwanag ang nararamdaman niya.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon