Kabanata 20

186K 2.2K 128

Dedicated kay @cutiediba96, silent reader daw siya pero lumalabas siya kapag inaapi ang isang character! Hahaha. Salamat po! :">



Kabanata 20




Katatapos lang namin kumain ng dinner. Nandito na kami ngayon sa sala nila Drake. "Four years ang gap niyong dalawa? Buti nagkakasundo kayo." Natatawang sabi ng Papa niya, ngumisi naman si Drake na ngayon ay nakapulupot ang kanang braso sa bewang ko habang nakaupo kami sa mahabang sofa nila.




"Wala naman sa edad yon Pa." Sagot niya, "Mas mabuti na rin yan para hindi ka maging isip bata." Natatawang sabi ng Mama niya, napalunok naman ako, para kasi saakin mas matured mag isip itong si Drake.




"Edi nagtatrabaho ka na hija?" Nakangiting tanong saakin ng Papa niya, kanina ko lang nalaman na kalaban ng dati kong pinapasukan na Company ang Company nila Drake, mga perfume din ang iminamarket nila, pero mas malaki nga lang yung sakanila dahil sila rin ang may hawak ng Shampoo and Soap na talaga namang ginagamit ng karamihan. "Dati po akong empleyado ng Go De Perfumé." Sagot ko na naging dahilan nang pagtaas ng kilay ni Tito Nathan.




"For how many years hija?" Usisa nito saakin, "Two years po." Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Drake sa bewang ko.




"At bakit ka naman umalis sakanila?" Tanong pa ulit ng Papa niya, nakita ko ang pagkabahala sa mata ng Mama ni Drake. "Nathan ano ka ba?" Suway ni Tita Aira, nagkibit balikat si Tito Nathan bago uminom ng kape niya.



"Nagtatanong lang naman ako. Malay mo makatulong siya sa company natin since two years din siya sa kabila.." Paliwanag nito, "Bibigyan kita ng trabaho hija, yun ay kung tatanggapin mo." Alok nito saakin, humilig si Drake saakin at binulungan ako. "H'wag mong tatanggapin." Tinignan ko siya at sobrang seryoso ng itsura niya ngayon.




"H'wag mo siyang turuan son, hindi ikaw ang magdedesisyon.." Maawtoridad na sabi nito, humugot ng malalim na hininga si Drake tsaka tumayo, hinila niya rin ako patayo at hinawakan ang kamay ko.



"It's kinda late. Ihahatid ko na siya." Mariin na sabi niya, "Mabuti pa nga anak, Kei Marie bumalik ka dito kapag may oras ka ha?" Nakangiting sabi saakin ng Mama niya, tumango naman ako bilang sagot.



"Ate! Magshopping tayo minsan ha? Alam mo na pareho tayo ng taste pagdating sa fashion!" Masayang sabi ni Yesha.




"Tito alis na po kami.. Thank you po." Paalam ko, "Alright hija, mag ingat.. Kung sakaling magbago ang isip mo pumunta ka lang sa office ko." Tumango nalang ako, lumabas na kami ni Drake nang hindi manlang siya nagpapaalam sa parents niya, mukhang badtrip na nga siya eh. Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse ko at maingat na pinasakay, umikot naman siya.




Naging maayos naman ang dinner namin kasama ang parents niya kahit na medyo nakaramdam ako ng takot dahil sa pag aakalang napanood nila ang video ko na kasama ang hayop kong ex, napahawak ako sa seat belt nang mabilis na pinaharurot ni Drake ang kotse niya. "Drake! Pwede ba dahan dahan!" Sigaw ko sakanya, nakita kong huminga siya ng malalim. "I'm sorry sweetheart.." Aniya tsaka nagdahan dahan na pagmamaneho.




Tahimik lang siya at kitang kita ko ang pagkuyom ng panga niya dahil sa inis. Napapitlag ako nang hawakan niya ang kaliwang kamay at marahan na pinisil.



"Pagpasensyahan mo na si Papa, masyado lang kasing obsess sa trabaho yon." Pahayag niya, tinignan ko siya na ngayon ay seryosong seryoso sa pagmamaneho.




"Ano bang masama sa sinabi ng Papa mo? Hindi ba inaalok niya lang ako ng trabaho?" Tanong ko sakanya, hindi ko talaga maintindihan kung bakit asar na asar siya sa Papa niya nang banggitin nito ang trabaho. "Ayoko lang na tanggapin mo iyon dahil alam kong uutus utusan ka lang niya." Aniya.



"Ano naman ngayon? Drake, kaya nga nagtatrabaho diba?" Giit ko.




"Basta ayoko sweetheart, hindi mo kilala si Papa, simpleng pagkakamali lang sa trabaho magagalit na yon. Saka hindi mo ba nakita yung itsura niya nung malaman niyang galing ka sa Go." Kalmadong sabi niya, nakita ko naman na mukhang hindi okay sa Papa niya na galing ako dun, eh ano namang masama dun hindi ba? Natural lang yon dahil kalaban nila ang company nila Rica.




Hindi ko nalang siya sinagot, hanggang sa makarating kami sa tower ng condo ko hawak hawak niya pa rin ang kamay ko at tahimik lang kami. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto dahil nagmadali na akong bumaba, nauna akong naglakad sakanya at naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang braso ko at inakbayan ako. "Sorry na, alam ko naaasar ka sa way nang pakikipagtalo ko pagdating kay Papa, ayoko lang magtrabaho ka dun lalo na kung wala ako." Paliwanag niya.



"Okay." Matipid at walang ganang sagot ko, narinig kong huminga siya ng malalim.. Pagkasakay namin ng elevator mabuti nalang at wala kaming kasabay dahil baka hindi ko nanaman matantiya ang mga nanunusok na tingin nila saakin.




Naramdaman kong pinadulas niya ang kamay niya sa bewang ko, mainit ang palad at katawan niya kaya hindi ko maiwasan na mapapikit. Nakakalasing din yung mabangong amoy niya. "Sorry na sweetheart, h'wag ka ng magalit.." Pakiusap niya, tinanguan ko lang siya.



"Galit ka pa rin eh.." Bulong niya.



"Hindi ako galit Drake.." Sagot ko.



"You sure?" At nagulat nalang ako nang isandal niya ako sa gilid ng elevator at kinorner. "Drake lumayo ka saakin." Matigas na sabi ko sakanya, pero ngumisi lang siya.



"Galit ka pa rin eh." Sabi niya ng may halong pang aasar, "Drake baka may sumakay na iba!" Sigaw ko sakanya!



"No sweetheart..ayokong maghiwalay tayo ngayong gabi na galit ka saakin." Malambing na sabi niya at napapikit nalang ako nang maramdaman kong nakadampi na ang mainit niyang labi sa labi ko! Hinampas ko ang dibdib niya pero hinawakan niya lang iyon at marahan na pinisil kasabay ng pag galaw ng labi niya, nanginig ang tuhod ko sa mabagal pero malalim na halik na ibinibigay niya saakin, mukha namang naramdaman niya ang panghihina ko kaya hinawakan niya ako sa likod at halos mahibang ako nang maramdaman ko ang katawan niya saakin. Parang may kung anong nagwawala sa loob ng tiyan ko, at parang may kumikiliti sa loob ng dibdib ko.




Narinig ko ang pagsinghap niya nang maramdaman niya ang pagtugon ko sa mainit niyang halik. Nakakabaliw siyang humalik ang init init ng labi niya maging ang dila niyang tumatama sa dila ko. Naitulak ko siya nang marinig ko ang pagtunog ng elevator! Hinihingal ako at hindi ako makatingin sa mga mata niya, marahan ko siyang itinulak at nagmadali akong lumabas.




Narinig ko ang mga yabag niya na sumusunod saakin. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang ihakbang ang mga paa ko gayong hinang hina ang tuhod ko sa paghalik niya saakin, natigilan ako nang maramdaman ko nanaman ang kamay niyang dumulas sa braso ko pababa sa kamay ko. Ihinarap niya ako sakanya, at nakita ko ang pangangailangan sa mga mata niya pero kasabay non ang paghanga sa mga titig niya.



"Ghad..not here Drake.." Habol hiningang sabi ko. "Relax sweetheart." Doon ko lang napansin ang mabibigat na paghugot niya ng hininga.



Hindi ko napigilan ang sarili ko at napaupo nalang ako, ghad ganun kalala ang halik niya para manghina ako ng ganito? Parang buong lakas ko hinugot niya.. Napapitlag ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at maingat akong itinayo, inakbayan niya ako at inalalayang maglakad, naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko kaya medyo napaatras ako sakanya pero niyakap niya pa rin ako patagilid.




Narinig ko na ang pagbukas niya ng pinto ko at pagkapasok na pagkapasok naming dalawa ay bigla nalang niya akong inikot at isinandal sa likod ng pintuan. Napasinghap ako nang lamunin niya ng halik ang labi ko, malalim.mainit. at nakakahibang na halik. Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya, inilagay naman niya ang kamay niya sa bewang ko at mas ipinagdiinan niya ang sarili niya saakin. Halos magkasabay kaming humugot ng malalim na hininga nang parehong mapaawang ang bibig namin, dahan dahan siyang naglakad, napaawang ang bibig ko nang itaas niyang pareho ang binti ko at ipinulupot yon sa bewang niya napapitlag ako nang maramdaman ko yung kanya mula sa gitna ko, ibinagsak niya ang buong katawan niya sa couch.




Mabagal pero madiin ang bawat pag galaw ng labi niya sa labi ko, naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko na naging dahilan para mapasinghap nanaman ako.. "K-Kei Marie..." He whisper between our kisses, dammit! Nakakahibang yung paglabas ng init ng hangin mula sa bibig niya.. Ang sarap niyang humalik.



"Drake.." Bulong ko nang maramdaman kong pumasok sa ilalim ng dress ko ang kamay niya at halos mapapitlag ako nang humaplos ang kamay niya sa tiyan ko.. "Ahh, dammit.." Mura niya kasabay non ang paghuli niya sa dila ko, pero natigilan kaming pareho nang makarinig kami ng malakas na sigaw.



"AHHHH!!" Halos mapalundag ako sa ibabaw ni Drake sa lakas ng sigaw!



Napalingon ako at lumuwa ang mata ko nang makita ko si Mateo na nakatayo sa tapat ng kwarto ko! Nakakagat labi siya habang suot suot ang gulat na gulat na mukha niya! Narinig kong tumawa ng mahina si Drake kasabay non ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko, pasimple niyang hinila pababa ang dress ko dahil nakataas na ito kanina. Napakagat ako ng labi ko at naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko! Nakakahiya!



"Oh my ghad!! Gusto niyo bang magkasunog dito?!! Shet..." Reklamo ni Mateo at tumakbo siya papuntang kitchen ko at narinig kong kumuha siya ng tubig. Natauhan ako nang hawakan niya ang baba ko at iniharap niya ang mukha ko sakanya para magtagpo ang mata naming dalawa, napanganga ako dahil kumikinang yung mga mata niya sa saya. Aalis na sana ako sa ibabaw niya pero hinila niya ako.




"Let's talk sweetheart.." Nakangiting sabi niya at napapikit ako nang halikan niya ang tungki ng ilong ko. Mag uusap kami?! Sa ganitong position?!



"A-ano--" Nagkabuhol buhol ang dila ko dahil sa sobrang kahihiyan at kaba. Ghad, nadala nanaman ako ng mga halik niya. Naramdaman ko ang pagtaas baba ng kamay niya sa likod ko.



"Ang sarap mong humalik." Nakangiting sabi niya, kulang nalang siguro sumabog na ako dito sa kahihiyan! "Drake.." Nahihiyang tawag ko sakanya.



"Do you like me?" Diretsong tanong niya, napakagat ako sa labi ko at tumungo ako. Geez ano bang nangyayari saakin?! Mariin kong ipinikit ang mata ko, narinig kong ngumisi siya at napamulat ang mata ko when he give me a peck on my lips.



"The answer is yes." Magiliw na sabi niya, "Ang ganda mo. Para kang kamatis, namumula ka." Pang aasar niya, hinampas ko ang labi niya at tumayo na ako.




Tumayo na rin siya at niyakap ako.



"Nagawa ko lahat ng gusto ko ngayong araw na 'to.. Nakita kita, nahalikan kita, at nayakap kita.. At masasabi ko ulit na mahal kita." Bulong niya sa tenga ko bago siya humiwalay saakin.




"Iiwan ko na yung susi ng kotse mo. Magtataxi nalang ako." Nakangiting sabi niya saka inilagay sa kamay ko ang susi.




Hinila na niya ako palapit sa may pinto. "Thea! Aalis na ako!" Paalam niya kay bading, "Gorabels na! Masyado ng mainit dine!!" Hiyaw ni Mateo!




Humalakhak naman si Drake, "Hindi pa, wrong timing ka eh." Natatawang sagot niya kay Mateo na naging dahilan ng pamumula ko! Binuksan na niya ang pinto at tinignan ulit ako.



"I love you sweetheart.." Nakangiting sabi niya, at halos lamunin nanaman ako ng mga titig niya saakin. "Uwi na..m-may pasok ka pa bukas.." Bulong ko, halos manuyo na ang lalamunan ko. "Good night, I'll see you tomorrow after my class.. Let's have a date, I love you my Ms.Universe." Aniya saka kinindatan ako, hindi ko na namalayan na nakalabas na pala siya ng unit ko! Nakatulala pa rin ako sa kawalan, sinampal sampal ko nanaman ang sarili ko, this is not me! Bakit sobrang lambot ko na pagdating sakanya?



"Ehem.." Natauhan ako nang sumulpot sa likod ko si Mateo, "Umali na siya, baka gusto mo pang habulin ng nagbabagang halik?" Pang aasar niya! Hinampas ko siya ng malakas saka itinalpak ko ang pinto ko!



"Makahampas lang teh?!" Sigaw niya! Naglakad ako papunta sa couch at doon naupo.



"Mateo, sampalin mo nga ako." At halos mayanig ang mundo ko sa malakas na sampal na ibinigay niya! Pinanlakihan ko siya ng mata at binato ko siya ng unan!



"Bakit mo ako sinampal?!!!" Sigaw ko sakanya, tumawa naman siya!



"Sabi mo sampalin kita?! Sinunod ko lang teh! Oh ano? Gising ka na ba?" Pang aasar niya, hinimas ko yung pisngi kong sinampal niya! Ang sakit ha! Kung hindi ko lang kaibigan 'to iisipin ko may galit saakin 'to eh!



"Teh..bakit parang panaginip. Hindi naman ako ganito." Bulong ko, "Anong panaginip? Kulang nalang masunog kayong dalawa sa sobrang init niyo kanina tapos sasabihin mo panaginip?" Natatawang hiyaw niya saakin!



"Tanga hindi yon, teh natatakot ako.."



"Natatakot saan?" Kunot noong tanong niya.. "I think..I..just fall inlove again.." Halos mabulol ako sa pagbulong ko.



"Tarrray! Kanta lang?! Haha! Pero seryoso teh, ayaw mo non, inlove ka na ulit!" Para siyang kinikiliti sa pagsigaw sigaw.




"Pero bakit pakiramdam ko mali.." Malungkot na bulong ko. "Teh, walang mali sa pagmamahal as long as wala kang natatapakan na tao, kaya lang pakiramdam mong mali yan dahil natatakot kang masaktan ulit kagaya ng ginawa ng hayop mong ex." Paliwanag niya! That's the point, paano nga kung masaktan nanaman ako..at paano kung mas dobleng sakit ang maranasan ko ngayon? Dahil pakiramdam ko, ibang pagmamahal ang nararamdaman ko ngayon. Parang mas matindi 'to kesa sa hayop kong ex.



"Ayoko nito Mateo..nakakatakot, ayoko nang maging tanga ulit." Bulong ko, pinagtaasan niya ako ng kilay. "Matagal ka ng tanga teh! Ayan na nga oh! Hinahainan ka na ng ulam! Tatanggihan mo pa ba?"



"Aray ha? Nakakadaming tanga ka na!" Sigaw ko sakanya, "Tanggapin mo nalang, it's an honor na tanga ka sa pag ibig dahil isa lang ang ibig sabihin non, tapat kang magmahal!" Ngiting ngiting sabi niya, hinampas ko naman siya.



"Pero teh, masarap ba humalik si Mr.Pandy?" Bumubulong na tanong niya habang ngiting ngiti, nag init ang mukha ko at namula nanaman ako.



"Ay winner! Mukhang masarap nga!" Hiyaw niya! Kung tatanungin niyo ako kung masarap siyang humalik.....



Tinatanong pa ba yan?! Halimaw humalik si Drake to the point na mauubos ang lakas mo!




"Maiba tayo girl," Biglang sabi ni Mateo at may kinuha siyang papel mula sa bag niya.



"Ano yan?" Pagtataka ko.



"Contract. Matagal ka nang pinapahanap ni Mr.Go saakin, ano ba teh ikaw pa rin ang the best para sakanya.." Masayang balita niya, nanlaki ang mata ko at hinila ko sakanya iyon! Ngiting ngiti ko iyon na binasa.



"Ano teh? Babalik ka na ba? Namimiss na kitang kasama sa mga seminars.." Aniya, sa totoo lang gusto ko na talagang bumalik sa trabaho ko dahil nawawalan na ako ng pera! Haha, at isa pa namimiss ko na rin magtrabaho kasama 'tong si Mateo.



"Pero teh may kundisyon si Mr.Go.." Aniya..



"Ano yon teh?" Tanong ko.



"Kailangan mo daw mapilit ang anak niya sa labas na maging CEO ng company niya, tutal naman daw doon ka magaling, sa pakikipag usap." Paliwanag niya, kumunot ang noo ko.




"M-may anak siya sa labas?" Hindi makapaniwalang tanong ko, tumango tango siya. "Yes, nag iisang lalaki lang siya, si Rica babes kasi ayaw tanggapin yung offer ng Daddy niya, kaya pinahanap sakanya yung kapatid niya..yun nga lang matigas daw ang mukha nitong anak sa labas dahil may sariling trabaho at may iba pang business." Paliwanag nito.



Napataas ang kilay ko. "Eh sino bang anak niya sa labas?" Usisa ko.



"Si Tom Andres Santos."

***

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!