Chapter 9: An Overprice Problem

415 3 0
                                    

*Present Day*

Nararamadaman ko ng papalit siya. Para tuloy may multong papalapit sa akin, nakakakilabot, nakakakaba. Good thins sinara ko na ang facebook ko, saka ko nalang itatanong kung bakit niya ba ako inadd.

"Wad Dup!" binati niya ako sabay gulo na naman ng buhok ko. Umupo siya sandali at binuksan ang computer, parang wala lang.

"Hey, ano ba?" asar na naman ang boses ko.

"Na miss mo ba ako?" pero may pagkapilyo yung sabi niya. Nakakasuka.

"oo namiss na kita!" Oops. pero syempre hindi ko pwedeng sabihin yun, parang nag beg na din ako na pakasalan niya ako if ever na sabihin ko yun kaya ang ginawa ko nalang, I rolled my eyes and ang abbreviation ng College of Human Ecology na lang ang sinabi ko.

"Sungit naman nito" sabay tawa.

"Teka, maiba tayo, yung salamin ko nga pala"

Ay, oonga pala! Mababawasan pa tuloy yung baon ko, sana may matira pa pambili ng charger, Siguro naman mura lang yung eyeglasses niya,  Nabudget ko na yung pera ko for this month, at kung mahal yung eyeglasses niya, tiyak na ma shoshort ako, next pa naman ako mapapadalahan ng pera. 

"Hindi ko naman tinatakasan ang responsibility ko"  I said that without looking him. Para naman may pagka suplada effect ako.

Pero nilingon ko siya, naawa naman kaagad ako dahil ukhan hindi talaga siya sanay na walang salamin. halos iduldol na niya yung mukhan niya sa screen. Kahit na inaasar niya ako,  nanaig pa din sa akin yung pagka awa sa isang tao. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero yuun ang lumabas sa bibig ko

"Tumayo ka na nga diyan, I'm gonna buy you na!"

Tumingin siya sa harapan ko at pangisi ngisi, sabay sigaw sa kuyang nagbabantay

"Kuya out na pala!" sabe niya and bumulong pa sa akin. "May gagawin pa pala kame"

Hya nako, bakit ko pa ba sinabi yun, mapapupurnada pa tuloy itong allowance ko, for what? for his pair of eyeglasses na sa tingen ko naman ay kaya niyang bilhin.

30 minutes later, nandoon na kame sa bibilhan niya ng eyeglasses. Ang arte, at sa talagang optalmologist pa talaga siya nagpunta.

Pinag intay pa ako sa labas kasi si Patrick lang ang kailangan sa loob.Mukhan mamahalin dito, pag nasa loob ka kase ay parang nasa outer space ka, black and whit lang ang motif tapos de tiles pa. Sosyalen talaga ang clinic na yun.

Dahil matagal siya, nagbasa mun ako ng magazines, hanggang sa nabasa ko na lahat ng naka pile dun dahil sa sobrang tagal nila. After a couple of hours, gawa na ata ang salamin niya, tinawag na kasi niya ako.

"Yo, Bayad mo"

Woa, medyo nagmukha ng tao si Patrick ngayon, mas maganda na kasi at bagy na bagy yung eyeglasses niya, hindi na siya yung una kong nakita na mukhan prof na nag dodoctorate na. Ibang iba siya ngayon, parang kung may ano.

Bago pa ako mapanganga eh itinanong ko na sa assitant nung doktor kung magkano ang babayaran.

"Ate, magkano po?"

"P 6,500"

TEKA WAIT WHAT, tama ba ang narinig ko? 6,500? Shoot, paano na yan

"Ho?"

"P6500" nga, 

Paano ba yan, if ever na bayaran ko yung 6500, 2 weeks nalang marahil ang buhay ko dito, naka bufget na kasi ang pera ko. O.A naman kase, paclinic clinic pa.

"Hindi mo ba kaya?" sagot ni Patrick.

Dahil dati naman ay mayaman kame, syempre papatalo ba ang pride ko? 

"Kaya ko yan no! Nagkataon lang talagang 3,000 lang ang dala ko!"

"So sinong magbabayad ng another 3500?"

"Bayaran mo muna, kukunin ko lang sa dorm ko yung 3500 mo!"

Okay, so ninayaran nga ni Patrick yung natira na hindi ko talaga kayang bayaran. Overprice naman kasi talaga yung salamin niya e, parang walang justice. Basta ganun ganoon nalang.

Pero ang laki ng problema ko, may utang pa akong 3500! grabe, gusto ko pang mabuhay, anong gagawin ko? T.T

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon