23rd Hate: The Ultimate Event

Magsimula sa umpisa
                                    

As if on cue naman ay nakita ko na sa kalayuan si Calleja kasama ang may nasa sampung taong halos lahat ay naka glasses. May lalaki, may babae. May ibang ang dala ay laptop at meron din naming DLSR camera ang dala.

Isang lalaking may suot na pakpak sa likod at nag gglow na ilaw sa ibabaw ng kanyang ulo ang itsura ni Calleja. Sa pustura ng buhok nyang mukhang bagong styled sa paningin ko, sa suot nyang formal suit and tie at mga signature nyang ngisi na nagbibigay ng kanyang natural na identity. Para syang naglalakad sa red carpet at isang Hollywood hero celebrity kung maka chin up sa pagiging proud.

"Ang gwapo noh, Ganyan ba talaga pag nabrbroken hearted?" malokong bulong sa akin ni Mikaela.

Gwapo? Psh. Presko kamo. Lakas naming makaeksena sa ulanan tapos ano? Anong karapatan nyang bumalik na para syang Hollywood celebrity na bagong salta sa industriya.

"Ipwesto nyo yung mga bloggers sa pwesto ng reporters. Papasukin nyo na ang mga estudyante. Let's start in 10 minutes." Sagot ko kay Mikaela saka ako tumalikod agad papunta ng backstage.

Ayoko syang kausapin. Hindi muna ngayon na kailangan kong mairaos ng bongga ang naghihingalong event na to.

*

Number one trending ngayon sa twitter ang hashtag #PinkPlanetCampusShow. Natawa ako ng makitang ang pumapangalawa at pangatlong trending hashtag naman ay ang pangalan ng dalawang machong model na nakuha namin para dito sa event. At bigyan na ng credit, kahit papaano ay nag ttrend ng pang apat ang hashtag #VanillaPopGrandLaunching ng Lollipop.

Gusto ko sanang makita ang itsura ni Octavio sa mga oras na to dahil sigurado akong gusto na akong patayin ng demonyitang yon. Siguradong nag uusok na yon ngayon sa galit.

Narinig ko mula dito sa backstage ang pagtawag ng MC sa pangalan ko. Hudyat para sa pag akyat ko sa stage at pagpapakilala bilang ang editor-in-chief ng Pink Planet. The great editor-in-chief ng Pink Planet.

Suot ang aking black tube heart dress with red polka dots design, at pusturang pusturang nagpa hair and make up sa backstage habang rumarampa ang mga modelo kanina, proud na proud akong ngumiti at nagpakita sa stage. Sa akin nakatapat ang spotlight at tumayo ang lahat ng lumabas ako.

Marahan lang akong ngumiti, konting simpleng kaway na para bang kandedata sa binibining pilipinas, saka rumampa para pumunta sa dulo ng aisle stage na aming sinet up at saka sinalubong ng MC.

"As editor-in-chief ng Pink Planet Ms. Jessica, anong masasabi mo na ngayon ay matagumpay ng natapos ang ating event?" tanong ng MC.

"First of all, gusto kong pasalamatan ang lahat ng mga estudyanteng pumunta ngayon dito at sumuporta sa aming campus event." Naghiyawan ang mga estudyante sa aking unang pananalita. "Second, I would like to thank the people behind this event. My associates and the people that work hard in doing their roles for the event so extravagantly, dahil sa inyo ay naubos ang stress na akala ko ay mararamdaman ko ngayong araw." Nagtawanan ang lahat. "I would also like to thank the bloggers that we have as guests, covering our event for today. And, to top it all off, I would like to call the attention of our CEO, Mr. Anthony Silva." Ngumiti at tumayo si Anthony mula sa kanyang upuan. "Without him, Pink Planet would not have the courage to stand up after the situation we experienced. And to the international associates that he have along on the sides, thank you for coming Sir and Ma'am." Pagbibigay atensyon ko din sa mga international guests namin. "This event would not be possible without each and everyone of you. Kaya Maraming Salamat. Maraming Salamat sa pagdalo at paniniwala na ang Pink Planet ay isang kumpanyang respetado at dapat pagkatiwalaan. Again, this is your editor-in-chief Jessica Misteryo. Thank you." Nagbow ako ng kaunti saka ngumiti habang nagpapalakpakan silang lahat.

*

"I will be anticipating the article." Marahan kong pinat ang balikat ni Amelia, ang huling blogger na kinausap ko.

"Sure Ms. Jessica. Great show by the way." Tugon naman nya sa akin saka na sya tumalikod at umalis.

"Ako, hindi mo ba ako kakausapin?" rinig kong pananalita ni Asher sa kanyang pamilyar na mapanlarong boses.

Shit. Hindi ba pwedeng ibang araw nalang ulit ang encounter namin? Ngayon na talaga? Hindi padin ako handang makausap sya.

"Natatakot ka bang kausap ako? Tatakbo ka na naman ba?" mapang asar nyang tanong.

Gago to ah. Lakas mang asar. Agad akong humarap sa kanya.

"Sinong natatakot at tumatakbo? Hoy! Napaka story maker mo ah." Pabulyaw kong sagot sa kanya pero sa hindi malakas na boses dahil ayokong maging eskandalosa.

Mahina syang natawa. "Hello Jessie, sa tono mo, mukhang namiss mo ko ah." Proud nyang pananalita.

Ang hangin nya talaga. "As if. Never kitang hinanap o inisip nung wala ka." Sarkastikong tawa kong sagot sa kanya.

"Ouch!" bigla syang umarte at hinawakan ang parte ng dibdib nyang katapat ng kanyang puso. "Ang sakit naman na hindi mo ako namiss. Kasi ikaw, sobrang namiss kita." Sobrang tamis nyang pananalita sabay kindat.

What the hell. Kasama ba ng pagkawala nya ay ang pagkasira ng utak nya? Parang lalong lumala ang pagiging assumero nya.

Sasagot pa sana ako sa kanya ng isang boses ang tumawag sa pangalan ko.

"Jessica?" pareho kaming napalingon ni Asher ng may tumawag sa akin. Isang babaeng nasa pagitan ng edad late 40s to early 50s ang aming nakita.

Namumukaan ko sya bilang isa sa mga international executives na kasama ni Anthony.

"Yes Ma'am? Anything I can do for you?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Pero hindi sya ngumiti. May tila ba pag aalalang nakapinta sa kanyang mukha.

"Jessica, hindi mo ba ako maalala?" tanong nya sa akin ng may mga nangungusap na mga mata.

Napakunot noo ako sa tanong nya. Tiningnan ko syang mabuti muli. Pero, walang pangalan o ala alang sumasagi para maalala ko ang babaeng nasa harapan ko.

"Do I know you personally? Kasi I don't think magkakilala tayo." Sagot ko sa kanya.

Tumango sya sa aking pananalita. Saka sya marahang ngumiti matapos ang ilang segundo. "Let's talk." Turing nya sa akin.

**

Hello Man Haters!

Isang update para sa inyong lahat on an early Friday! Magbunyi dahil nakapag update ako agad. Mabuti nalang at mas nagamit kong mabuti ang free time ko this past week.

Ash the savior is back. Buti nalang at dumating sya with bloggers kung hindi, nasabotahe na naman si Jessie. Mabilis at konti lang ang appearance ni Ash pero chume-cheesy na naman sya. Ano kayang nangyari sa kanya noh? Curious din ako.

At sino ang babaeng kumausap kay Jessica? Abangan sa susunod na update kung sino sya.

Again, Maraming Salamat sa pagbabasa. Sa mga memessage sa akin sa aking message board, maraming salamat. You guys cheer me up especially on very depressing days. Kaya maraming salamat!

See you next update! Thank you again, Love you Man Haters. <3

MsRedMonster,

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon