Kabanata 19

187K 2.3K 139


Dedicated sakanya, ang adik niya lang magbasa ng mga stories ko. Hahaha! Salamat @Jack_Frost18! ;)

---



Kabanata 19




DRAKE'S P.O.V




Pagkadating ko sa bahay ngiting ngiti pa ako, sobrang lambot lang ng labi niya.. Siya lang talaga yung tipo ng babaeng kapag nahalikan mo talagang mawawala ka sa sarili mo, seryoso ako sa sinabi kong kailangan kong magpalamig. May masama ba sa sinabi ko? Wala naman diba. Haha.




Pagkaparada ko ng kotse ko sa tapat ng bahay namin bumaba na kaagad ako. Nakaabang na si kumander sa may pintuan.




"Hi Ma!" Bati ko saka hinalikan ko siya sa pisngi pero isang kutos ang inabot ko sakanya! Tsk, kahit kailan talaga parang tibo 'tong si Mama. "Saan ka galing?! Hindi ba't Sunday ngayon?!" Suway niya saakin, gusto kasi nila Mama na every Sunday magkakasama kami, tumawa ako at niyakap ko siya.



"Ma may pinuntahan lang akong importante."



"Mas importante kesa saamin?!" Sigaw niya, "Ma, pareho kayong importante.."



"Sus, simula nang bumalik tayo dito sa Pinas kinalimutan mo na kami.." Pagtatampo niya, napangiti nalang ako.




"Dalhin mo na kasi siya dito sa bahay, para makilala nanamin siya ng Papa mo.." Sabi niya, humiwalay ako sa pagkakayakap.




"Hindi pa nga ako sinasagot Ma eh." Sabi ko habang nagkakamot ng ulo.




"Mahina ka. Basta dalhin mo dito, alam mo kaming mga babae gusto namin makilala yung mga importante din sa buhay niyo.." Paliwanag niya, napakunot ang noo ko, "Babae ka pala Ma?" Pang aasar ko! Kaagad akong kinurot ni Mama sa tagiliran.




"Sira ulo kang bata ka. Maligo ka na nga, para kang basang sisiw.." Aniya, "Haha! Sige Ma, mamaya dadalhin ko siya dito.. Mabait yun.." Ngumiti si Mama saakin, dapat nung kasal ni Kyle ipapakilala ko na siya kela Mama kaya lang biglang may asungot na lalaki na bumuntot sakanya kaya hindi ko na siya naipakilala pa.




"Sige, dito na kayo magdinner..Siya yata ang kauna unahang babaeng dadalhin mo dito ah?" tumawa lang ako at inakbayan ko na siya papasok ng bahay, wala pa nga akong dinadalang babae dito, si Kei Marie palang mamaya. Napangiti ako nang isipin ko iyon pero nawala ang ngiti ko ng makita kong may bisita pala kami.




"Oo Ate Misha! Grabe talaga.." Tuwang tuwang nakikipag kwentuhan si Yesha kay Misha.




"Kuya?!!" Sigaw ng kapatid ko saka lumapit saakin, sumenyas ako na h'wag akong yakapin dahil medyo basa pa ako.




"Iww, Kuya nagpaulan ka?" Mapang asar na sabi niya. "Bawal na ba mabasa ng ulan?" Tanong ko sakanya, tumawa lang siya saka umiling. Nalipat ang tingin ko kay Misha nang tumayo siya para maharap ako. "Hi.." Bati niya saakin, tinanguan ko lang siya.




"Maliligo lang ako." Paalam ko sakanila saka umakyat na ako sa taas. Anong ginagawa niya dito? Alam kong malapit silang dalawa ni Yesha, pero hindi siya basta basta pumupunta dito kung wala namang kailangan.




Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na kaagad ako, nandun pa rin siya sa sala. "Kuya dito ka muna! Maya maya daw ready na yung lunch.." Sabi ni Yesha, tumango ako saka umupo dun sa single couch na kaharap silang dalawa. Hindi siya makatingin saakin na para bang talagang iniiwasan ang mata ko, pumunta punta siya dito tapos gaganyan ganyan siya? Psh.




"Oo Ate, si Sungjae ang gwapo gwapo talaga niya.." Napakunot ang noo ko, mahilig kasi sa koreano 'tong kapatid ko, kulang na nga lang sambahin niya yung mga yon. Psh, mas gwapo naman ako sa mga yon. Pero nagtataka ako dahil wala namang hilig sa mga koreano 'tong si Misha, alam ko yung isang kapatid niya lang ang adik din sa mga koreano.




"Talaga?" Natatawang tanong niya, "Mahilig ka na rin pala sa koreano?" Untag ko sakanya, napalingon siya saakin. Nakangiti pa rin siya na akala mo nakakaloko.




"Hindi. Nakikinig lang ako sakanya." Sabi niya, napatango nalang ako.




"Ikaw Kuya? Ayaw mo sa 2ne1? Sa Girls Generation?" Sunod sunod na tanong ni Yesha saakin, umiling lang ako. Si Sandara Park lang ang kilala ko dun eh.




"Yesha anak! Tulungan mo akong maghain!" Sigaw ni Mama mula sa kusina. "Sandali lang Ate Misha ha." Paalam ni Yesha sakanya.




Tinignan ko siya na ngayon ay kinakalikot ang cellphone niya.



"Anong ginagawa mo dito?" Untag ko sakanya, kaagad siyang napatingin saakin.




"Pinahatid kasi saakin ni Daddy yung hinihiram na cd ng Mama mo.. Tapos pina-stay na muna ako ni Tita Aira dito hanggang dinner.." Aniya..




Sandali namaman siyang natahimik bago nagsalita ulit. "Drake." Napatiim ang panga ko ng tawagin niya ako. "A-ano.. Galit ka ba saakin?" Tanong niya, napakunot ang noo ko, pero kaagad akong natawa, tangna tinatanong kung galit ako.




"Tinatanong pa ba yan? Syempre...hindi. Bakit ako magagalit sayo?" Natatawang sabi ko, mariin ko siyang tinitigan, napanganga siya dahil sa sinabi ko, malinaw na siguro sakanya kung anong totoong sagot ko.



"Drake, move on.." Aniya, "Matagal na akong nakamove on sayo Misha. Kung iniisip mo na mahal parin kita, nagkakamali ka." Sabi ko sakanya, walang halong gaguhan, hindi ko na siya mahal. Hindi dahil siya ang first love ko eh siya na hanggang huli.




"Seriously? Hindi ko tinatanong kung mahal mo pa ba ako Drake, ang saakin lang alisin mo na yang galit mo saakin.. Let's be friends.." Paliwanag niya, nanliit ang mata ko, takte.




"Lakas ng loob mo dude." Walang ganang sagot ko sakanya.




"Fine. Parang pinatunayan mo na rin na hindi ka pa nakakamove on.." Giit niya, hindi siya makatingin sa mga mata ko.



"Tignan mo ako sa mata Misha.. Look at me," Mariin kong sabi sakanya, dahan dahan niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa.




"Punong puno ng galit 'to.." Itinuro ko ang kaliwang bahagi ng dibdib ko. "Pero hindi ibig sabihin non may natitira pa ring pagmamahal para sayo.." Mariin na sabi ko sakanya, nanginginig ang mga mata niya at alam kong kahit anong oras babagsak na ang luha doon. Pero wala akong pakialam.




"P-patawarin mo na ako Drake.." Bulong niya nang hindi inaalis ang titig sa mata ko, "Unti unti kitang pinapatawad Misha. H'wag kang mag alala, hindi ako nagtatanim ng galit sa kapwa. Lalo na sa dating kaibigan ko." Sabi ko sakanya saka tumayo na ako, pero napatigil ako ng magsalita siya. "I-I love you Drake..ikaw pa rin." Bulong niya, napangisi ako, humarap ako sakanya at ngayon umiiyak na siya. Napakunot ang noo ko.




"Alam ko mahirap paniwalaan, pero Drake..ikaw pa rin." Umiiyak na bulong niya, "Psh, h'wag mo akong iyakan Misha. Hindi ba sinabi ko na noon sayo, kahit ubusin mo pa yang pera niyo hinding hindi mo ako makukuha." Lumapit ako sa center table at kinuha ko ang tissue dun saka ibinato ko sakanya. "Punasan mo yang luha mo, baka makita ka nila Mama, makarating pa sa Kuya at Daddy mo na nagkaboyfriend ka na, kahit lokohan lang." Sabi ko sakanya saka tinalikuran ko na siya.




Ganun nga siguro talaga ang buhay, kung dati magigising ka na mahal na mahal mo ang isang tao darating at darating pa rin ang araw na kapag nasaktan ka niya magigising ka nalang din na nawala na lahat ng pagmamahal mo para sakanya, at hindi mo namamalayan na napapalitan na pala siya ng iba.



--



MARIE'S P.O.V




Katatapos ko lang maglinis nang biglang may nag door bell, napatingin ako sa wall clock, alas tres na ng hapon siguro si Mateo na yan, itinext ko kasi sakanya ang address ko. Kaagad ko siyang pinagbuksan ng pinto.




"Girl!!!" Hiyaw niya saka yumakap saakin, "I'm sorry hindi kita nadamayan kagabi. Huhuhu, nagpunta ako sa bahay niyo pero sabi ng Mama mo every thursday ka lang umuuwi dun." Litanya niya, humiwalay siya sa pagkakayakap saakin at hinila na ako papunta sa couch, oh diba feel at home kaagad siya.




"So ano na girl, hayop talaga yang ex mo.. Napanood ko yung video, sorry girl.. Pero promise hindi ko siya tinapos." Kwento niya, hinampas ko ang braso niya, sinungaling talaga 'tong baklang 'to!




"Tinapos mo yon noh?!" Sigaw ko sakanya! "Iwww, teh hindi promise. Hindi ko keri na ikaw yung nasa video.. Naiiyak ako nung nakita ko." Aniya.




"Anong gagawin mo? Sasampahan mo ba siya ng kaso?" Tanong niya saakin, umiling ako. "Bakit ba ang tanga tanga mo teh?!" Sigaw niya saakin, ayan nanaman siya kung tangahin ako akala mo ako talaga yung pinaka tanga sa balat ng lupa.




"Bahala na si Lord sakanya.." Bulong ko, ayokong sampahan siya ng kaso, dahil alam kong ako pa rin ang matatalo bandang huli, mayaman si Leo at alam kong maraming koneksyon yon. Naniniwala naman ako na mapaparusahan din siya, hindi lang ngayon. "Wow teh..napakabait mo naman." Natatawang sabi niya.




"Pero teh hindi nakaligtas saakin ang nangyari sa bar, balita ko naging best actress ka daw.." Pang aasar niya, ganyan lang siya hilig niya akong asarin tuwing pagkatapos kong umiyak. "Gaga ka!" Sigaw ko sakanya. "Tapos bigla daw may lumapit na boylet sayo, hinalikan ka daw sa harap ng maraming tao.. Sino siya teh?! Si Mr.Pandy ba?!" Tumitili tili pa siya habang nagtatanong.




Hindi ko alam na bigla akong napangiti nang maalala ko kung paano ako pinagtanggol ni Drake nung gabing yon.. Lahat ng tao kaaway ko nung gabi yon, pero siya lang ang nag iisang kakampi ko.




"Uhm, sa ngiti mong yan mukhang may something.." Bulong niya saakin, "Mateo..hindi ko maintindihan pero bakit ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya? Bakit parang magiging okay ang lahat kapag nandiyan siya?" Gusto kong matawa sa tono ng pananalita ko ngayon, kanina pa ako nakangiti at kulang nalang mapunit na ang mukha ko sa sobrang ngiti simula ng umalis siya kanina, naalala ko nanaman yung paghalik niya saakin kanina na parang pakiramdam ko ligtas na ligtas ako sa lahat.




Pinanlakihan ako ng mata ni Mateo. "Teh, crush mo si Mr.Pandy?!!" At saktong saktong pagsigaw niya biglang nagbukas ang pinto ng unit ko at halos mapanganga kaming pareho ni Mateo ng iluwa noon si Drake..




"Teh..may hindi ka sinasabi saakin, may susi siya? OMG.." Bulong niya at kinukurot kurot pa ako!




"Crush mo ako?" Natatawang tanong niya, nanlaki ang mata ko! Naglakad siya palapit saakin at napapitlag ako nang halikan niya ako sa pisngi. Narinig ko naman ang pagpipigil ng tili ni Mateo. "Get dress, gusto kang makilala nila Mama." Aniya.




"Ha??" Wala sa sariling tanong ko, nakakatameme. "B-bakit gusto akong pakilala?" Dagdag ko, "Haaay nako teh, natural gusto nilang makilala ang soon to be daughter in law nila." Malanding pahayag ni Mateo, nakangiti namang tumango tango si Drake sakanya.




"She's right." Nakangiting sabi niya, nye? Kailan pa naging she si Mateo? Hahaha! Magkasundo talaga itong dalawang 'to.




"Ayoko, nahihiya ako.." Sabi ko, "Come on sweetheart, dun tayo pinagdidinner nila Mama." Aniya, tumayo si Mateo at hinila ako papasok sa kwarto ko.




"Ano ka ba teh! Jackpot ka na sakanya, bukod sa tanggap niya ang past mo, ang gwapo gwapo pa niya.." Aniya pagkapasok na pagkapasok namin kwarto ko. "Pero Mateo, ano ka ba nanliligaw palang siya." Sabi ko sakanya.



"Ayaw mo non! Nililigawan ka palang pero handa ka nang iharap sa magulang niya.. Dali na magpalit ka na ng damit." Sabi niya saka binuksan ang closet ko at naghalungkat ng damit, kinuha niya ang isang dress ko dun na kulay beige.




"Eto ang isuot mo! Ang lakas maka Bea Alonzo!" Sigaw niya saka iniabot saakin ang dress, pinagtulakan naman niya ako sa cr ng kwarto ko para magbihis, humarap ako sa salamin. Dun ko lang napansin na namumula ang pisngi ko.




"Marie..crush mo talaga siya?" Nasampal sampal ko ang sarili ko, pero mahina lang! Sakit kaya nun.. "Marie, seryoso ka? May crush ka sa bata?" Huminga ako ng malalim "Crush is paghanga..dammit!! Para akong high school!!" Sigaw ko ng mapagtanto ko kung anong pinagsasasabi ko sa sarili ko, napailing nalang ako at nagpalit ng damit. Pagkatapos lumabas na din ako.




"Perfect! Magheels ka teh, ito isuot mo.. Tapos itaas mo yang hair mo, then face powder lang saka lips stick.." Aniya, pero nagsisimula na siyang lagyan ako ng face powder saka lips stick habang itinataas ko ang buhok ko.




Pagkatapos niya akong ayusan hinila na niya ako palabas ng kwarto, nadatnan namin na nakaakbay ang dalawang braso ni Drake sa mahabang couch habang hinihintay kami, kaagad siyang napatayo ng makita kami. "Ang ganda talaga." Aniya, naramdaman kong nag init ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatingin ng diretso sakanya ngayon.




"Natural na maganda yan." Sabi ni Mateo, ngumiti si Drake saka naglakad palapit saakin at inilapit ang braso saakin, "Shall we?" Tanong niya saakin, isinabit ni Mateo ang kamay ko don.. Napasinghap ako ng maamoy ko ang pabango ni Drake, lalaking lalaki talaga..




"Oh pano teh? Hintayin nalang kita dito sa condo mo, patulog na rin ako ha?" Natatawang sabi saakin ni Mateo bago kami lumabas ni Drake ng unit ko.




"Kotse mo ang gagamitin natin sweetheart, pina-car wash ko kasi yung sasakyan ko." Aniya saka itinuro saakin ang kotse ko, siguro ay dinaanan niya kanina yung kotse ko dun sa kaibigan niya. Pinagbuksan na niya ako ng pinto at maingat na pinasakay, ikinabit niya muna ang seat belt ko bago umikot sa harapan at sumakay sa driver's seat. Hindi pa rin ako makatingin sakanya, dammit Marie!



Narinig kong ngumisi siya nang sinimulan na niyang magmaneho.




"Hindi ka makatingin saakin sweetheart. Crush mo nga ako." Aniya, "Kapal ng mukha mo ha." At sa wakas nakasagot na rin ako sa kakapalan ng mukha niyang gwapo.




"Hahaha, pero sweetheart...Ang ganda mo talaga." Bulong niya habang diretso ang tingin sa kalsada. Hindi na ako umimik pa sakanya, tahimik nalang kami buong biyahe.




Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila, napansin kong nandun si Misha, kapatid ni Kyle. Pinagbuksan ako ni Drake ng pinto at inalalayan akong bumaba. Maganda ang bahay nila, kulay puti ito at napapalibutan ng magagandang halaman, may dalawang swing din doon sa may gilid ng gate nila na parang palaruan nila nung mga bata pa sila ng kapatid niyang si Yesha, kumusta na kaya iyon? Huling kita ko sakanya nung kasal nila Kyle, at masasabi kong dalaga na talaga siya. Naglakad na kami papasok sa bahay nila pero tumigil ako para batiin si Misha.




"Ahh..hello Ate Marie." Bati niya saakin, "Uuwi ka na?" Tanong ko sakanya, mukha kasing paalis na siya kanina. Tumango siya.




"Ate Misha, diba sabi ni Mama dito ka na magdinner?" Napatingin saakin si Yesha, "Oh my ghad!! Ate Marie?!!" Ngiting ngiting sigaw niya, nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.




"Gosh, ikaw pala yung dine-date ni Kuya simula nang bumalik kami dito sa Pinas! You should have told me Kuya! Para naman hindi ako nanghuhula kung sinong babae ba ang nililigawan mo!" Sigaw niya.




"Yesha, h'wag kang sumigaw, ang lapit lapit lang niya sayo." Suway ni Drake sakanya. "Sus, si Kuya alagang alaga kay Ate Marie.." Pang aasar ni Yesha kay Drake saka pabiro pa itong itinulak.




Napailing nalang si Drake sakanya, "Let's go sweetheart.." Sabi ni Drake saakin at naglakad na kami.



"Ate Misha, dito ka nalang mag dinner, magtatampo talaga ako sayo kapag umuwi ka na. Diba pumayag ka na kanina?" Narinig kong sabi pa ni Yesha.




"Kanina yun Yesha..kailangan ko na talagang umuwi.." Bakas sa boses ni Misha ang pagkabahala, nagsalita pa si Yesha pero hindi ko na narinig dahil dumiretso kami ni Drake sa kitchen nila.




"Ma, si Kei Marie.." Tawag ni Drake sa babaeng nakatalikod ngayon sa may kalan at halatang abalang abala sa pagluluto. Humarap ito, napanganga ako dahil sa ganda nito, mukha siyang haponesa dahil singkit ang mata nito at sobrang puti niya, matangos ang ilong at doon ko lang napagtanto na sakanya nakuha ni Drake ang pinkish na lips. Ngumiti ito saakin, para siyang buhay na barbie.




"G-good afternoon po.." Bati ko.



"Good afternoon hija.." Aniya at nagulat ako nang lumapit siya saakin at hinalikan ang pisngi ko.



"Ang ganda mo hija.." Bulong nito, ngumisi si Drake. "I told you so.." Pagyayabang niya.




"Sus, ipakilala mo na siya sa Papa mo, nasa study room niya siya.. Nga pala hija, kumakain ka ba ng sinigang?" Tanong niya saakin.




"Ah, opo.. Paborito ko po yon." Nakangiting sagot ko, "Pareho kayo ni Yesha.. Osige na, umakyat na kayo sa taas para makilala mo ang Papa Nathan mo.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, hinawakan ni Drake ang kamay ko at hinila na ako.




"Drake..nahihiya talaga ako.." Bulong ko.. "H'wag kang mahiya sweetheart, ang ganda ganda mo." Namula nanaman ang mukha ko dahil sakanya.




Dumaan kami sa sala nila at nakita kong kinukulit pa rin ni Yesha si Misha, sandaling tumigil si Drake.




"Yesha, h'wag mo siyang kulitin kung ayaw niyang mag dinner dito.." Pagsusungit niya, napansin kong tumungo si Misha.




"Pero Kuya, sabi ni Mama--" Pinutol ni Drake ang sasabihin nito. "Kahit pa anong sinabi ni Mama, kung ayaw niya talaga hindi mo mapipilit yan.. Hayaan mo siyang umuwi kung gusto niya." Sabi ni Drake, at maya maya lang may narinig na akong tumigil na sasakyan, ayon na yata ang sundo ni Misha, kaagad siyang tumakbo palabas ng bahay. Tinignan ko si Drake at nakita ko ang pagkairita sa mga mata niya.




"Bakit ba ang mean mo sa kapatid mo?" Suway ko sakanya, "H'wag mo nalang intindihin sweetheart, tara na.." Aniya saka hinila na ulit ako, napalingon pa ako kay Yesha na ngayon ay nakanguso na dahil sa pag alis ni Misha.




Kumatok sa isang kwarto si Drake, pumasok kami doon at nakita ko ang isang lalaking may pagkakahawig sakanya, maputi din ito. Tumingala ito mula sa pagkakatungo sa pagbabasa.




"Good afternoon po.." Bati ko sakanya, tumayo ito at ngumiti.




"So, ikaw pala ang kinalolokohan nitong binata ko." Natatawang sabi niya, napatawa ako ng bahagya.




"Pa!" Sigaw ni Drake, "Tss, nahihiya ka pa nang lagay na yan? Sa dami ng naging babae mo siya lang ang dinala mo dito." Pang aasar sakanya ng Papa niya.




"Hindi lang siya basta babae lang Pa, she's my woman.. Pakigalang nalang." Naiinis na sagot ni Drake sa Papa niya, hinampas ko siya sa braso niya!




"Drake!" Suway ko sakanya, tumawa ang Papa niya at umiling iling.



"Tinamaan ka na ng lintik son." Pang aasar nito sakanya, "Pag ibig ba yan Pa?" Napakunot ang noo ko, paiba iba ang mood nitong mag ama na 'to.




"Oo, pag ibig yan.." Natatawang sabi nito, lumipat ulit ang tingin saakin ng Papa niya, "Pagpasensyahan mo na kami hija, ganito lang talaga kami mag usap ng anak ko.. Pero teka, namumukaan kita.." Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Drake, napalingon siya saakin.




"Parang nakita na kita.." Pagtataka ng Papa niya, please hindi sana iyon.. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay ni Drake, na naging dahilan para ilipat niya ang kamay niya sa bewang ko at niyakap ako patagilid, tumaas ang kamay niya sa braso ko at hinaplos iyon..




"Pa, saan mo naman siya makikita?" Biglang tanong ni Drake at pilit akong niyayakap ng mahigpit.




"No son, nakita ko na siya.. Ah! Sa kasal ni Kyle, pero sa pagkakatanda ko bride yata iyong nakita ko." Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang masabi na niya sa wakas kung saan ako nakita.



Tumawa si Drake, pero halata sa pagtawa niya ang pagkainis.




"Kakambal niya yon Pa.."




"Ah, kaya naman pala sobrang pamilyar ka saakin hija.." Sabi nito, alam kong sobrang putla ko na ngayon at nahihilo ako dahil sa sobrang kaba.




"Excuse lang Pa.." Paalam ni Drake at hinila na ako palabas ng study room, pumasok kami sa isa pang kwarto, na sa tingin ko ay sakanya..




Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.




"Hey sweetheart, are you alright?" Tanong nito saakin, umiling iling ako dahil nakakaramdam ako ng takot, biglang tumulo yung luha ko.



"Drake...natatakot ako..p-paano kung napanood nila?" Umiiyak na bulong ko.. "Shhh, don't worry sweetheart akong bahala, hindi naman siguro nila napanood yon." Bulong niya saka pinunasan ang luha ko sa pisngi gamit ang thumb niya.




"Natatakot ako Drake.." Humigpit ang hawak ko sa damit niya..




"H'wag kang matakot sweetheart, I'm here, hindi kita iiwanan.." Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.




"Stop crying, please sweetheart.. H'wag kang matakot, dahil kakampi mo ako."


****

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!