Kabanata 18

181K 2.3K 74






Kabanata 18




Pagkarating ko sa condo ko, hindi ko alam kung bakit nagtititigan lang kaming dalawa ngayon. Nakatayo pa rin ako sa tapat ng pintuan, habang siya naman ay nakatayo rin sa may sala.




Halos mabali na ang daliri ko dahil hinihila hila ko ito sa sobrang kabang nararamdaman ko. Ewan ko, hindi ko malaman kung bakit kinakabahan ako. Lalo na nang magsimula na siyang humakbang palapit saakin. I closed my eyes when he lowered his head and claimed my lips.



Para akong nabato, nakapatong lang ang labi niya sa labi ko at hindi iyon gumagalaw. Dahan dahan siyang lumayo saakin at tinitigan ako sa mata. "Good morning sweetheart." Bati niya, parang biglang nag init ang mukha ko dahil narinig ko nanaman ang sexing boses niya.




Marahan ko siyang itinulak palayo saakin at naglakad ako papuntang kusina para kumuha ng tubig. Kaagad kong nilaklak iyon at humugot ako ng napakalalim na hininga.




"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya nang makabalik na ako sa sala.



"May pasok na ako bukas, labas tayo." Anyaya niya, napakunot ang noo ko. "Ha? B-bakit tayo lalabas?"




Napansin kong ngumiti siya, sandali ko siyang pinasadahan ng tingin bago ako umupo sa couch, umupo rin siya sa tabi ko at hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan nanaman ako! O baka dahil nahihiya lang ako sakanya dahil nakita niya kagabi ang kahinaan ko.




"Nga pala, tinatanong ni Thea kung saan ka na nakatira, hindi mo ba sinabi sakanya?" Biglang tanong niya.



"S-sinong Thea?"



"Si Mateo." Aniya, aish! Si Mateong bading! "Uhm, hindi ko pa sinasabi sakanya." Sagot ko, pero alam kong isa rin siya sa mga nagtext saakin kagabi pero hindi ko pa nababasa.




Binuksan ko yung tv at tahimik nalang na nanood. "Saan ka pala galing?" Usisa niya, parang may namamagitan saaming dalawa dahil alam kong nagkakailangan kaming dalawa.



"Ah..nagsimba." Sagot ko sakanya.



"Dapat sinama mo ako,"




Napalunok ako, dammit! Bakit ba kinakabahan ako?! Nakakainis!



"Ah..ano, k-kasama ko kasi si...Tom." Bulong ko, nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin siya saakin. Hindi siya umimik.




Isang oras na siguro kaming nanonood ng tv pero wala akong naiintindihan sa pinapanood namin, sobrang tahimik niya simula nang mabanggit ko sakanya si Tom Andres. Masyado akong honest sakanya, yun ang napapansin ko simula nang bumalik na siya dito sa Pinas. Lumingon ako sakanya at napanganga ako nang makita kong nakapikit na siya.




Tinitigan ko ang pilik mata niya na sobrang haba, parang ang sarap hilahin nun. Lumipat ang tingin ko sa matangos niyang ilong hanggang sa bumaba na ang tingin ko sa pinkish niyang labi. Napakagat ako sa ibabang labi ko, ano ka ba Marie.. Biglang nag pop out sa isip ko kung paano ako halikan ng labi niyang yan, masarap..nakakalasing, nakakadala.. Basta hindi ko alam kung saan siya natutong humalik na para bang magbibigay sayo ng kabaliwan. Pero napatigil ako sa pagkagat ng labi ko nang maalala kong ako ang first kiss niya.




Halos lumuwa ang mata ko nang bigla niyang imulat ang mata niya at tumingin saakin. "Kaya pala." Nakangiting sabi niya, "Ha? Anong kaya pala?!" Hiyaw ko sakanya, ghad! Nahuli niya akong nakatingin sakanya! "Kaya pala mainit..tinutunaw ako ng mga titig mo." Bulong niya.



Napatayo ako!



"U-umalis ka na nga." Mariin kong sabi sakanya, pero tumayo rin siya saka pinatay yung tv sabay hinila ako palabas ng unit ko!




"D-Drake!! Ano ba?!!" Sigaw ko sakanya! Tumigil siya paglalakad saka hinarap ako, pero hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko.




"Sabi mo umalis ako? Ayoko namang umalis na hindi dala yung pinaka-importante saakin." Nakangiting sabi niya, napanganga nalang ako nang magets ko ang sinasabi niya. Nagpatuloy na ulit siya paglalakad papuntang elevator.





Pagkadating namin sa parking lot pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.




"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya nang makasakay na rin siya, pinaharurot niya muna ang sasakyan niya bago siya sumagot. "Diba nga niyayaya kitang lumabas." Aniya.




"Pero hindi naman ako pumayag diba?" Giit ko! "Bakit? Hinihingi ko ba ang opinyon mo?" Natatawang sabi niya.



"Damn you!!" Sigaw ko! "Shh, relax sweetheart. Namiss ko yang pagmumura mo." Natatawang sabi niya at mas lalong binilisan ang pagmamaneho!



"Drake! Dahan dahan naman!!" Sigaw ko sakanya! Hindi ko na mabilang kung ilang sasakyan ang pinag-overtake-an niya!




"Hahaha! Wala ka bang naaalala sweetheart? Ganito tayo nung una tayong nagkakilala." Natatawang sabi niya saka binagalan ang pagmamaneho, geez...sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nerbiyos!




Mga ilang oras pa bago siya huminto sa pagmamaneho, nauna siyang bumaba kaya naman sumunod ako sakanya. Napangiti ako nang maalala ko ang lugar na ito, inilibot ko ang paningin ko, nagtataasan na ang mga damo at kitang kita pa rin ang mga building sa ibaba. Lumingon siya saakin at ngumiti.



"This is our place sweetheart." Aniya, tumango naman ako sakanya. Itong lugar na 'to ang naging comfort zone naming dalawa nung nagkakilala kami.




"Remember? Dito tayo palagi, dito tayo tumatawa..dito tayo umiiyak, dito natin pinag uusapan lahat ng bagay na masasakit saatin." Aniya, hindi ko alam kung bakit biglang naging maganda sa pandinig ko ang boses niya, para bang pakiramdam ko kinocomfort niya ako ngayon. Niyakap ko ang sarili ko at naglakad ako palapit sakanya, umupo ako malapit sa bangin. Napapikit ako nang maramdaman kong umihip ang hangin.




"Nakakamiss dito." Napalingon ako sakanya, nakaupo na rin siya.




"Thank you." Bulong ko, kaagad siyang lumingon saakin, wala talagang duda ang kagwapuhan niya. Kahit na minsan nakakainis na siya sa mga pinag gagagawa niya.



"Wala ka namang dapat ipagpasalamat saakin, ayoko lang masaktan ka." Seryosong sabi niya, napakunot ang noo ko.. "Drake.." Pinat niya ang ulo ko at ngumiti.




"Kung sasabihin mo nanaman na hindi ka karapat dapat, hahalikan kita." Pang aasar niya! Hinampas ko ang dibdib niya! "Seryoso kasi Drake." Naiinis na sabi ko sakanya.




"Seryoso naman ako sayo ah." Natatawang sabi niya. "Isa!" Sigaw ko!



"Hahaha. Seriously sweetheart, mahal kita. I mean it, I swear." Mariin na pahayag niya.



"Dahil ba naaawa ka lang saakin?" Tanong ko na naging dahilan nang pagkunot ng noo niya. "No, sweetheart. Hindi awa ang nararamdaman ko sayo, sinabi ko na nga diba? Mahal kita." Sobrang seryoso ng boses niya kaya pakiramdam ko nagtaasan ang balahibo ko. Huminga ako ng malalim.




"Nakalimutan mo na ba talaga siya Drake? Hindi ba sinabi mo saakin noon na mahal na mahal mo siya.. Hindi ba siya rin ang dahilan kung bakit nagbago ka? I mean, yang itsura mo..diba para sakanya yan? Para dun sa babaeng una mong minahal." Litanya ko sakanya, titig na titig pa rin siya saakin.




"Sweetheart, two years na ang lumipas. Lahat ng tao may kakayahang mag move on, nasasayo nalang yun kung gusto mo. Itong pagbabago ko? Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi? Na ayusin ko ang sarili ko? Para saakin itong pagbabago ng itsura ko, hindi para sakanya. Saka isa pa sweetheart, marami ng nagbago, maging yung pagwawala ng puso ko iba na.. Ikaw na ang dahilan." Paliwanag niya, I looked away. Nakakailang, ewan ko hindi ko naman naramdaman dati kay Leo yung ganito, yung tipong maiilang ako sa mga sinasabi niya. Dahil siguro nagsimula kami ni Drake as best friend.




"Promise sweetheart.." Aniya, tumingin ulit ako sakanya at tinignan ng buong pagtataka, promise na ano.. "I'll promise, mahuhulog at mahuhulog ka saakin, h'wag kang mag alala, sasaluhin naman kita." Pagyayabang niya! Hinampas ko ulit siya at narinig ko nanaman ang halakhak niya!




"Nakakainis ka." Mariin na sabi ko sakanya! "Nakakainis ako to the point na kinikilig ka na." Tumatawang sabi niya!



"Badtrip ka!!" Sigaw ko sakanya saka pinaghahampas ko siya! Ang sarap lang sa pandinig yung malakas niyang tawa, para bang malayang malaya yung mga halakhak niya. Napatigil ako ng hilahin niya ang kamay ko at mabilis na niyakap ako! Ipinatong niya ang ulo ko sa dibdib niya.



"Anong naririnig mo?" Tanong niya.



"Heartbeats." Sagot ko..naramdaman kong ngumisi siya, "Pakinggan mong mabuti." Aniya..at napangiti ako ng magsalita nanaman siya.



"Sabi ng puso ko..Kei Marie.. Kei Marie.. Kei Marie.." Sinusundan ng pagsasalita niya yung pagtibok ng puso niya.



"Kei Marie.." Bulong niya, nanatili kami sa ganung pwesto.. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko at mas lalong hinigpitan ang yakap saakin, hindi ko alam kung bakit hindi ako nagrereklamo sa mga ginagawa niya. Parang ang sarap lang kasi sa pakiramdam nung yakap niya.




"Drake.." Tawag ko sakanya, "Hmm?" Sagot niya.. "Mag best friend pa rin naman tayo diba?" Tanong ko sakanya.. Narinig ko ang pilyong pag ngisi niya.




"Oo naman. Hindi mo lang ako basta manliligaw, best friend mo pa rin ako. At kapag sinagot mo na ako, hindi mo lang ako basta magiging boy friend, best friend mo pa rin ako..at kapag dumating na yung araw na kasal na tayo, I'll be the best husband para sayo, na best friend mo pa rin.. Dahil ang mag best friend hindi nag iiwanan.." Litanya niya, naramdaman kong humangin ng kaunti, hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang niyakap ng sobrang higpit. Naramdaman kong napatingin siya sa ulo ko, dahil siguro sa ginawa kong pagyakap sakanya. Sa hindi ko malamang dahilan biglang tumulo yung luha ko.




"H'wag mo akong iiwan best friend.." Bulong ko.. Hinaplos niya ang likod ko at sumagot, "I won't sweetheart."



"Promise, I won't." Patuloy niya..mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap sakanya, hindi ko alam..basta ayokong iwanan niya ako, kahit na sobrang naiinis ako sa mga ginagawa niya there was a part of me na alam kong hahanap hanapin ko iyon, kahit na madalas siyang manahimik dahil sa mga salitang binibitawan ko alam kong ayoko pa rin siyang umalis.. Ayokong umalis ang best friend ko.




Bigla kaming napabitaw sa isa't isa nang bumuhos ang malakas na ulan!



"Kei Marie!!" Sigaw niya at saka hinila ako papunta sa sasakyan niya! Mabilis niya akong pinasakay!



Sobrang basang basa na siya nang makasakay na siya.




"Yu..yung kotse mo mababasa." Nauutal na sabi ko sakanya, dahil pareho kaming tumutulo dito sa loob. "It's alright sweetheart, papalinis ko nalang." Aniya saka mabilis na pinaandar ang sasakyan niya dahil baka mahirapan pa siyang magmaneho kapag nagtagal pa kami dito, masyado ng maputik. Sobrang lamig dahil na rin basang basa ang damit naming dalawa.




Inihinto niya sandali sa gilid ng high way ang sasakyan niya at parang may kinukuha siya sa back seat. "Here, magpalit ka." Sabi niya habang inaabot saakin ang isang tshirt niya. "Ma-magpalit?" Nauutal na tanong ko. "Don't worry sweetheart, malinis yan. Palagi akong nagdadala ng extra shirt." Aniya.. Pero hindi iyon, dito ako magpapalit?!



Nanatili akong nakatingin sa tshirt na inabot niya saakin.. Mukhang naintindihan naman niya kung bakit hindi pa rin ako nagpapalit. "Ah..alright, pipikit ako." Aniya saka mabilis na ipinikit ang mata, ginamit niya pa ang dalawang kamay niya para takpan ang mata niya. "Magpalit ka na." Sabi niya, mabilis kong hinubad ang basang damit kong pang itaas at mabilis na isinuot ang tshirt niya!



"O-okay na." Sabi ko sakanya, dahan dahan niyang inalis ang takip sa mata niya, pero napansin kong namula siya. "Aish! Dammit!" Sigaw niya at nagulat ako ng hilahin niya ang basang damit ko pero sumabit pa sa kamay ko ang strap ng bra ko kaya nakaramdam ako ng pagkapahiya! "Aish, sweetheart." Tawag niya saka marahas na hinila yung basang damit ko at bra saka ibinato iyon sa back seat. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya. Narinig ko ang pagtiim ng panga niya.




Walang umiimik saaming dalawa hanggang sa makarating na kami sa condo ko. "Mag bra ka." Narinig kong bulong niya, ghad bakit ba palagi nalang niyang napapansin yon! "Hindi mo na kailangang sabihin!" Sigaw ko sakanya!




"Psh," Walang ganang sagot niya, napansin ko naman na namumutla na ang lips niya dahil siguro sa lamig. "I-ikaw? Hindi ka ba magpapalit?" Tanong ko sakanya.



"Wala akong pampalit." Aniya, napakagat ako ng labi ko. "U-umuwi ka nalang muna kaya." Sabi ko sakanya, tumango naman siya bilang sagot, pero napaatras ako ng makita kong nakatingin siya sa labi ko.



"Si-sige.." Tinalikuran ko na siya! Pero nagulat ako ng hilahin niya ang kamay ko at halikan ang labi ko. Napahawak ako sa dibdib niya, nakakapanghina ng tuhod yung halik niya pakiramdam ko matutumba na ko, napaawang ang bibig ko ng kagatin niya ang ibabang labi ko at mabilis niyang nilakbay ang pagkatao ko. "Uhm!" Hindi ko mapigilan ang pag ungol ng maramdaman kong magtama ang dila naming dalawa. Dahan dahan niya akong isinandal sa pader at halos habulin ko na ang paghinga ko dahil sa mabilis niyang paghalik na ngayon ay sinasabayan ko na rin. Napasinghap ako ng may maramdaman akong nakatusok mula sa ibaba ko! Nakakahibang yung kamay niyang nagtataas baba sa balikat at braso ko.. Dahan dahan siyang lumayo saakin at hinalikan ang tungki ng ilong ko, sobrang bilis ng paghinga niya na para bang pigil na pigil siya.



"I'm sorry sweetheart, pero kanina pa kita gustong halikan." Hinihingal na bulong niya, maging ako sobrang bilis ng paghinga ko at nanghihina pa rin ako dahil sa halik niya, nararamdaman ko rin na namumula ang mukha ko. Napapikit ako ng marahan nanaman niyang halikan ang labi ko, hindi ko malaman kung bakit tinutugon ko iyon. Tumigil siya paghalik saakin at niyakap ako!




"Sorry sweetheart.." Bulong niya, dahan dahan siyang humiwalay ng yakap saakin at hinalikan ang noo ko. At halos mapanganga ako ng magsalita nanaman siya.




"I'll be back later, magpapalamig lang ako."

****

Hello! Sali kayo sa Ate Abo Wattpad Stories na group hahaha. Gawa yan ni @ohmyANGELsss. Kung gusto niyo lang naman po. Thanks! ;) Ayun po yung link! >>> 

ATE ABO.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!