- Dennise -

"Tsaka kapag kasi tanggap mo nang buo yung sarili mo, puro yung positive side nalang yung makikita mo eh. Wala ka nang pakielam sa sasabihin ng iba."

Grabe! Parang dati lang katulad ko din yong si Doreen. Kabilang kami sa mga babaeng mas straight pa sa Ruler.

Hindi mo talaga kami mapapapayag magpaligaw sa mga Shibs. Pero siguro tama nga sila, mahirap mag salita ng tapos.

"Uy besh, saan ka galing? Kain ka na." Sabi ni Ella.

"Ah, sige Besh. Salamat."

Pagpunta ko sa Kusina, syempre sumunod din si Ella.

"Besh sino pala 'tong kasama mo sa Picture? Infairness ah ang gaganda nila. Sosyal talaga mga kaibigan mo eh noh?"

Tapos pinakita nya sa akin yung Cellphone nya. Nandoon yung picture namin nila Doreen at Justine. Inupload pala ni Doreen.

"Ah yan, grabe ka naman. Si Doreen yan. Friend ko tapos yung isa, si Justine, Girlfriend nya."

"Oh? Talaga?! Infairness ah. Ang gwapo nya din. Pero mas gwapo pa din si Baldo." Seryosong sabi nito.

"Ewan ko sayo Besh, eh ano naman kung mas pogi sa paningin mo si Ly tsaka teka nga bakit mo ba sila kinukumpara? Unang una, may GF si Justine at pangalawa magkaibigan lang kami ni Ly." Seryoso kong pagpapaliwanag.

"Hoy! Assumera to! Sinabi ko lang naman na mas pogi si Ly hindi ko naman sinabing  kayo nalang ah, kaya nagagalit sayo yung tao eh lagi mo nalang nirereject. Pero basta ako AlyDen pa din ako poreber."

"Walang poreber Besh. Sige na matulog ka na!"

"Oo na po! Eatwell besht. Good night na din." 

   
    

Tapos non umakyat na si Ella sa kwarto nila ni Mae. Ako naman eto mag-isa  sa kusina ng biglang nag-ring yung phone ko...

OTP:

"*Calling Alyssa...*"

"Hello Ly?"

"Uy kumushta na Dwen!" Parang lasing na sabi nya sa kabilang linya.

No! Di pala parang. Kasi lasing talaga sya!

"Alyssa! Lasing ka ba? Nasaan ka?"

"Uyy! Tinatanong nya pre kung nashan ako! Hahahaha!" Sabi nya niti na parang may kausap sa tabi nya. "Akala mo chalaga negke-care sha shaken! Hahahaha!" Dagdag pa nito.

Mejo nainis lang ako, syempre nagke-care ako kasi Kaibigan ko din sya. Psh.

"Alyssa isa! Nasaan ka ba?! Susunduin kita." Mejo maingay yung background ng
Sound ng tawag nya eh. Baka nasa Bar to. Tsk!

"Wag naaa! Gushto ko leng shabihin na manloloko yang Pugo mong Jowa!" Galit na galit na sabi nya.

Syempre ako nagalit din kaya naman... paano nya nasabi na manloloko yung Boyfriend ko.

"Ikaw Alyssa kung magpapapansin ka naman, wag mong idadamay at sisiraan ang Boyfriend ko ah! Hindi ka ba makaintindi na hinding hindi ako papatol sa'yo!"

"Heh (smirk) sa tingin mo ganun akong tao Den! I mean everything that i say! Alam mo yan! Never akong nanira ng tao! Lalo na't Boyfriend ng kaibigan ko." Pasigaw nitong sabi.

This time humina na yung background sound na malakas. Siguro nasa labas na sya ng Bar.

"Ly.."

Why don't you Love me?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!