Chapter 12

7.9K 123 2
                                    

Hi guys pasensya na maikli lang ang chapter na 'to pero babawi ako sa next chapter...:)


Beth Pov....


Pagkatapos naming nakuha ang bracelet ay agad kaming umalis.
Papunta na kami sa next destination namin ang 'Sinaw falls '.

Habang bumabiyahe ay panay ang silip sa 'kin ni Clark.

"Ano ba, itigil mo nga yan."
I saw him grinning from ear to ear.

"Stop what? ".


"Just focus on driving, baka mabangga pa tayo."



"Talagang mababangga tayo kasi nakatakda tayong pagsalpukin sa isa't-isa. "


Pinipigilan kong matawa sa sinabi niya dahil tunog pick up line.
Aaminin ko kahit baduy ay kinilig ako.


"Pick up line ba yun!?" Di ko mapigilan ngumiti nang tanungin ko sya. Di ko alam na bumabanat rin sya ng mga pick up lines. Hindi ko naiimagine noon na mag pipickup line ang isang Clark Villanclara.


"Bakit? Kinilig ka no?."
Ngiti lang ang sagot ko kasi sa totoo lang medyo baduy yun.


"Yuck kuya! You just threw a pick-up line??eww it was so baduy, if I were ate beth, you just lose a fifthy pogi points." Tinawanan ko lang ang sinabi ni Clarissa sa kapatid niya. Di ko alam na narinig nya yun, mukha kasi siyang engrossed na engrossed sa tablet niya na pinapakita kay Bea.


"Shut up Issa, do you realize that you just ruined my courting strategy to her?...psh panira ka talaga."wow naman talagang gumawa pa sya ng strategy para manligaw. Natuwa naman ako kasi talagang seryoso sya sa 'kin. Medyo kumunot na ang noo niya habang nagmamaneho. Talagang na badtrip siguro sa sinabi ng kapatid niya. Di ko na rin narinig na nagsalita si Clarissa dahil nang lingunin ko ay nakaconcentrate siya sa tablet at may nakapasak pang earphone sa kaliwang tenga. Mukhang nanood sila ng movie ni Bea dahil nakafocus rin ito sa tablet.


Binalingan ko uli si Clark at ganun pa rin ang itsura niya, medyo nagtagpo ang mga kilay niya. Mukhang dinibdib niya ang sinabi ni Clarissa. Medyo baduy nga kasi yun pero, infaireness ha hindi siya nanggaya ng pick up line, mukha pinag isipan niya, pero ibig sabihin na baduy ay bawas pogi sya sa 'kin, dumagdag pa nga eh.

Di na ako nakatiis at kinausap ko siya.

"Hey ok ka lang, mukhang ang lalim ng iniisip mo ha.?"hinintay kong magsalita siya pero wala akong narinig mula sa kanya.

"Sige ka, kapag di natanggal ang pagkakunot ng noo mo, ay baka mapermanent na yan." Still no responsed from him.
Hiniyaan ko sya ng ilang minuto bago nagsalita ulit.

"Nagbibiro lang naman si Clarissa ng sabihin nya yun".  Aba mukhang nakalimutan niya na may kasama siya na kahit lingunin nya ako di nya magawa.

"Huy magsalita ka naman jan " pero mukhang hangin ang kinakausap ko. Pinalipas ko uli ang ilang minuto bago magsalita. Last na talaga 'to, pag sya hindi talaga magsasalita ay ewan ko nalang.

"Kapag ang isang tao na katabi ko dyan ay hindi magsasalita ay hindi ko na rin sya kakausapin at hindi lang yun babastedin ko talaga siya."

Pagkatapos ng sinabi ko ay biglang nagpreno ang kotse. Napahawak tuloy ako sa upuan ko para di sumubsob sa dashboard.

"Kuya  what the he-"

"Shut up Issa!..agad na supalpal niya kay Clarissa at saka bumaling sa'kin..What? What did you say? Babastedin? ..Wag naman beth,... sorry na, naiinis lang nama ako sa kutong lupa kong kapatid eh... hey don't do that please?.." yun sa wakas nagsalita rin.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay at tumingin sa aking mga mata. May halong kaba at pakikiuasap yung mga mata niya. Parang nakiki-usap na huwag kong gagawin ang balak kong gawing pagbasted sa kanya.

"Hey okay lang yun, nagbibiro lang naman ako. Di kasi kita makausap eh. Masyadong malayo yung isip mo. " pag-alo ko sa kanya.."kung ang iniisip mo yung sinabi ni Clarissa ay huwag mo nang intindihin, nagbibiro lang yun sa 'yo."

"Eh yung kutong lupa kong kapatid kasi eh, panira." Sumbong niya na parang bata.

"Hay kuya I was joking, I didn't know that you took it seriously. " sabat ni Clarissa mula sa likod.

"See, kaya huwag kang mag alala hindi kita babastedin " pag aasurance ko sa kanya. Bumalik naman ang sigla yung mukha niya pero agad naman itong lumungkot uli.

"Eh yung...yung.." hinuli ko yung mga mata niya dahil nakayuko ito..

"Yung?"




"Yung..."




"Sige na sabihin mo na"








"Yung...
.
.
.
.
.
.

"yung pointskonabawasanna." Pabilis nyang sabi.

"Ano uli? Di ko maintindihan."

"Ugh forget it." Sabi niya saka dumeritso ng upo, pero syempre hindi ko papalampasin na hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin.

"Hey sige na Clark, ano ba yung sasabihin mo."

Bumaling sya sa 'ki  pero inilipat uli yung tingin sa labas ng kotse.

"Sige na sabihin mo na..Clark...sa wakas.

"Okay pero...sige na nga.....nabawasan na kasi yung points ko sa 'yo." Sa wakas at nasabi nya rin. Napangiti ako sa sarili ko dahil kahit yun ay inalala pa rin nya, na baka nabawasan na. Hindi ko alam na may side na ganito si Clark. At sa tingin ko nagustuhan ko yun.

Nginitian ko sya ng matamis.


"Huwag kang mag alala, hindi yun nabawasan, sa totoo lang nadagdagan pa nga."
Nakitang kong naging maaliwalas ang mukha niya at ngumiti ng malapad sa 'kin.


"Talaga??then that 's good." Kinuha niya nag kamay ko at hinalikan. Napangiti at namula ako sa ginawa niya. Ang sweet niya talaga.

"Hoy kuya, ano hindi pa ba tayo aalis, lets go." Muling sabad ni Clarissa.

"Oo eto na asungot." Bumalik na sa pagdidrive si Clark.


"Hmmp asungot daw, kaw nga eh.." bulong ni Clarissa pero malakas naman ang pagkakabulong. Hindi na sumagot si Clark nagconcentrate sa pagdrive.






To be continued...

Pasesnsya na po talaga dahil maikli lang. Pero babawi talaga ako sa next update at pasensya na rin po sa mga errors..please po don't forget to vote and share..byieeee :)

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon