AIR & CLOUD
“In a sane world we will be considered immoral, in a fair world we can kiss together, hold hands and go to the movies, eat at our favorite restaurant and it will be considered normal. But then again the world is not fair and we are not normal.”
*******************
(AIR) CHAPTER ONE: THE AIR WE BREATHE
Something about him touches my heart, hindi ko alam ano, pano, at bakit.
May isang bagay na hindi ko maipaliwanag na meron sa kanya. There is something about him, something about him that facinates me. Gusto ko kung paano siya tumitig, gusto ko kung paanong parang wala siyang pakialam sa mundo. Gusto ko yung pagiging moody nya, minsan masaya siya, minsan malungkot, minsan galit pero kadalasan ay tahimik. Gusto ko na malalim siya mag isip at magulong magpaliwanag. Gusto ko na hindi siya marunong humingi ng sorry pero ramdam mong nagsisisi siya. Gusto ko siya ituring na kaibigan, gusto ko siyang ituring na kapatid. Gusto ko siya.
“Maganda ba?” tanong ko sa kanya ng makita ko itong nakatayo at nakatitig sa painting na ginawa ko. Kasalukuyan nuong ginaganap ang painting exhibit ng ilang piling 4th year college fine arts student ng paaralan namin.
Sandali itong tumitig sa akin saka ito sumagot ng “Okey lang”
Medyo napangiti ako sa kanyang sagot.
“Balita ko yan daw yung nanalong painting kahapon sa competition eh” kwento ko sa kanya. Dahil mukhang freshman ang loko kung kayat minabuti kong wag munang magpakilala at wag sabihin na ako ang may gawa ng painting.
Imbes na sumagot ay tumango lang ito
“Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng painting na yan?” muli kong tanong sa kanya
Wala akong narinig na sagot mula rito
“Hi-hindi ka pala kibo no?” biro ko sa kanya
Hindi ko alam kung bingi ba tong lokong to o sadyang nagbibingibingihan lang. Mukhang tablado ako ah. Iiwan ko nalang sana siya ng biglang magsalita ito.
“Siguro malungkot nuon yung painter nung ginagawa nya to” sagot nito na kinagulat ko.
Tinitigan ko siya habang nakatingin parin ito sa painting. First time lang may nagsabi sa akin na malungkot yung painting ko na yun. Halos lahat ng nakakakita nito ay nilalarawan itong maganda, masaya, magaan sa mata, nakakaenganyo daw na tingnan pero siya, siya lang yung taong nakapag decribe ng kung anong emosyon talaga ang gusto kong ipahiwatig sa nilikha kong larawan.
