Caela/Jazze's POV


"Gandaaaa!" matinis na boses ni Peter ang sumalubong sa akin ng makatuntong ako sa field na kinaroroonan nila. Napangiti ako dahil dito pero mas lumawak yata yung ngiti sa mga labi ko ng isang nagmamadaling Dashiell ang tumambad sa aking paningin. Mas lalong gumwapo ang loko!


"Hey gorgeous! I missed you..... so much!" malambing na bulong niya sa akin na sinabayan ng isang mahigpit na yakap na agad kong sinuklian. Sobrang namiss kong yakapin ang lalaking ito. Hindi ko na nga alam kung sino ba ang kumuha ng basket sa kamay ko para mayakap ko din siya. Amoy na amoy ko yung natural niyang bango na mahigit tatlong araw ko ding hindi nasilayan.



"I missed you too baby, so..... so much!" naiiyak na sambit ko habang nakasubsob ang mukha sa matipuno niyang dibdib. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako nitong mga nakaraang araw. Alam kong ang OA dahil three days ko lang naman siyang hindi nakita, but hell, I don't care! I just really missed my baby.



"Not seeing you for three days, was like hell baby! Sabi ko naman sayo isama mo ako." ungot niya habang nakayakap pa rin sa akin. 



"Kung pwede nga lang sana, kaso hindi eh! Nandito na naman ako, aarte ka pa!" sagot ko na lang para pagtakpan ang kilig na nararamdaman ng buong sistema ko, simula pa kanina. 



"I missed hugging you like this! I missed your scent! I missed you so damn much, baby!" sunod-sunod na bulong pa rin niya. Wala akong masabi dahil nag-uumapaw din ang damdamin ko sa sobrang pagkamiss sa kanya.


"Ehemm! Ehemm! Ian paabot naman ng tubig oh. Nasamid ak-o bigla. I c-can't breath!" narinig kong ubo ni Harper na siyang nagpatinag sa akin. Agad akong humiwalay sa pagkakayakap kay Dash at awtomatikong natampal ko ang aking noo. Here we go again! Nakalimutan ko na namang may mga kasama nga pala kami at hindi lang kaming dalawa ni Dash ang tao dito sa training field. 



Siguradong namumula ang buong mukha ko ng humarap ako sa mga kaibigan namin. Nakita ko pang binatukan ni Zoey si Harper na ngingisi-ngisi habang hawak ang isang bote ng tubig. Naghahagikhikan naman sa isang tabi sina Audrey, Victoria at Beatrice. Samantalang ang mga lalaking Superiors naman ay pigil na pigil sa pagtawa.



"500 push-ups Harper! Don't stop until I told you so." malamig na ani ng lalaking katabi ko kaya muling napabaling sa kanya ang aking tingin. 


"Leader naman! Hindi ko na kasalanan na sumabay ang pagkakasamid ko sa paglalambingan niyo. Maawa ka sa akin, katatapos lang ng practice hindi pa ako nakakapagpahinga!" sagot ni Harper na hindi ko alam kung nagmamakaawa ba o nang-aasar!


"Make it a thousand Johnsen! Start now, kung ayaw mong dagdagan ko pa yan." walang buhay na dugtong niya pa. Nakita ko namang hindi magkaintindihan si Harper sa pagpwesto at mabilis na nagsimula sa pagpupush-up, napabunghalit naman ng tawa silang lahat.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!