I. Mutual - TinDrei

3.9K 43 0

TIN'S POV

"Ernestine! Gising na!" agad akong napamulat ng marinig ko ang boses ni Mayang. Umagang-umaga sigaw agad sumalubong sakin.

Me: Ano ba?! (nagtaklob ng kumot)

May: Hala sige, wag ka bumangon diyan ah? Pauwiin ko na ba yang mabuti mong kaibigan?

Me: Huh? Sino?

May: Si Caracute.

Me: Syempre actingan lang 'to, lamona. Sige wait eto na nga.

Agad-agad akong bumangon, naligo, nagsipilyo, nagbihis at kung ano-ano pang ka-artehan.

"Tin! Hindi ka manlang nahiya kay ANDREI. Kanina ka pa kasi NIYA hinihintay." Tingnan mo 'tong si ate Ara, makaasar nanaman.

"May nangangamatis..." Isa pa sa mga pang-asar si ate Mika! Pagu-umpugin ko 'tong si ate Ara at ate Mika eh.

Me: Umm, kayo talagang mga ates. (baling kay Andrei) Tara Drei! Alis na tayo.

Andrei: Wait lang Tin-tin, hintayin natin si Kianna.

Ara: Taraaay. Tin-tin? Drei? Ang shweet.

Naki-eksena nanaman 'to si ate Ars, porket 'di lang sila nagka-unawaan ni kuya Thomas kahapon, nabaliw na.

Me: Ate Ara tama na please, i-text mo nalang si kuya Thom para matikom na yang bibig mo.

Ara: Pshhhh.

Childhood friend ko si Andrei, after namin mag-migrate dito sa Philippines, nakalaro ko siya since kapitbahay namin siya noon, nung mga highschool kami lumipat sila ng bahay. Pero buti nalang parehas kami ng school na pinasukan, nagulat nga kami nung nagkita kami eh.

Kanina, tumigil kami sa 7/11 sinundo kasi namin si Isa, hindi ko nga alam na kasama pala siya eh.

Kianna: Andrei umayos ka ah, puro babae kasama mo, may kailangan lang ako bilhin kaya nakisabay na ako.

Andrei: Ouch ate Kim, ganyan na ba tingin mo sakin?

Kianna: Magtigil ka nga! (laughs) Pag may kalokohan kang ginawa makakatikim ka ng spikes ng mga taga-DLSU at UP

"Tin? Gising!" Nagising ako ng may yumuyugyog sakin. Si Isa pala.

Me: Ahh? Eto na gising na. San tayo pupunta?

Tumayo na ako habang nagkukusot ng mata. Natulog pala ako sa biyahe.

Isa: Nauna na sina Ate Kim at Andrei sa loob. Tara!

Pagkapasok namin ng mall natanaw ko si Ate Kianna at Andrei na kumakain ng ice cream.

Andrei: Tin-tin! Eto kain ka ng ice cream!

Pumunta siya sakin at bigla akong inakbayan. Ayan tuloy feeling ko namumula ako.

Me: A-ahhh sige o-okay lang..

ANDREI'S POV

Ang cute talaga neto ni Tin pag kinikilig o nahihiya. Hahaha. By the way, andito kami sa mall para bumili ng gamit para sa napaka-espesyal na araw bukas.

Aamin na kasi ako eh, medyo uusad na ako, hindi ako tutulad kay kuya Thomas na sobrang bagal kumilos kaya ngayon-ngayon lang tuloy naging sila ni ate Ara. Edi sana kung dati pa siya umamin, dati pa sila.

Sinama ko si Kianna at Isa for reinforcements, joke. Sinama ko sila para matulungan ako, ano ba alam ko dito sa mga pambabae na gamit. At tsaka para hindi rin ako masyadong mahalata.

Dapat hindi namin kasama si Tin ngayon, pero dahil hindi naman niya alam na sa kanya ako aamin. Siya nalang papapiliin ko para mas exciting.

Habang naglalakad, nakaakbay ako kay Tin habang nagc-cellphone siya, tapos si Isa naman nasa kanan ko at si ate Kianna sa kaliwa.

Me: Tin?

Tin: Po?

Me: Are you free this weekend?

Tin: Oo, since wala naman kaming trainings and tapos ko na lahat ng kailangan tapusin.

After a while iniwan kami ni Isa at ate Kianna, bibili rin kasi sila ng mga gamit in preparation bukas, at tsaka para may alone time kaming dalawa.

Tin: O? Ba't ka tumigil? Bat tayo nasa H&M? May bibilhin ka?

Me: Umm oo, kaso yung bibilhin ko kasi, kailangan ng mapags-suotan para malaman ko kung bagay at kasya sa kanya.

Tin: Huh? Sino ba bibilhan mo?

Me: Basta. Someone special. Eh halos magkaparehas nga yata kayo nun ng height at figure, kaya pwede ikaw nalang mags-sukat?

Tin: WHAT?! HALA WAG NA.

Me: Pleaaaase?

Tin: Ehh, ano ba dapat yung mga damit na kukunin?

Me: Ikaw bahala. Dapat comfortable sayo, wala naman akong alam sa mga ganyan eh.

Wala eh, hindi talaga siya makatanggi sa charms ko.

At the end, nakabili na nga kami. Binili ko yung damit na napili niya, nung sinukat niya nga na-starstruck ako kasi sobrang ganda niya talaga. Lalo na't bagay na bagay sa kanya 'to.

TIN'S POV

Nasa kotse kami ngayon nina ate Kianna pauwi. Ako na ngayon nakaupo sa front seat katabi si Andrei, nahatid na namin si Isa sa dorm at pa-biyahe na kami ngayon saamin. Knock-out na nga si ate Kianna eh.

Andrei: Tin... last question.

Me: Ano?

Andrei: What do you prefer? Necklace, bracelet, o ring?

Me: Necklace. Para syempre pag naglalaro ako, pwede ko siya suotin. 'Di katulad ng bracelet at ring, kailangan ko pa tanggalin tapos baka mawala ko pa.

Andrei: Ooohhh. Okay, thank you.

Me: Pero decision ko lang yun, mas better kung yung babaeng pagbibigyan mo talaga nun yung tanungin mo.

Ano trip neto? Bakit ang hilig magtanong sakin ng mga gantong bagay, kasama naman kanina sila Isa.

Medyo masakit lang kasi hindi naman ako pagbibigyan niya, alam ko naman yun. Parang tanggap ko nalang talaga na hanggang bestfriend lang tingin niya sakin.

We reached our dorm, nauna ng pumasok si achi sa loob kasi antok na antok na daw siya. Nang marating namin ang gate, tumigil muna ako para mag-goodbye sa kanya.

Me: Good night Drei! I had fun. (smiles)

Andrei: Good night rin Tin! Stay safe. (smiles)

I was about to go inside..... Ng biglang... Hinalikan niya ako sa pisngi ko.

"Sweet Dreams!" At bigla siyang pumasok sa kotse niya at humarurot paalis habang ako'y napako sa kinatatayuan ko.

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!