Chapter 3

172 6 0

Trending Story

"Sige na kase!" pagpupumilit ko kay Shane.

Simula noong nalaman ko na pasyente ni Shane ang kapatid ni Luke ay lagi na akong nagpupumilit na makita siya pero halos isang linggo na ang lumilipas pero kahit dulo ng buhok ni Luke ay hindi ko pa nakikita. Nakakainis!

"Hindi nga pwede, Bry. Like I said, hindi ko dapat sinabi sa iyo na nandito ang kapatid ni Luke pero dahil kaibigan kita kaya sinabi ko pa rin. Labag sa policy ng ospital iyon."

Napasimangot nalang ako.

"Nakakainis ka! Sana hindi mo nalang sinabi!" naiinis na sabi ko sa kanya at ang bwisit ay tinawanan lang ako!

"Don't worry. Magkikita rin kayo one of these days. Pero malay mo wala na pala dito si Luke kasi busy na kay Arzaylea."

Sa sobrang inis ko ay sinabunutan ko siya na ikinatawa naman ng mga nurse na nakakita. Tinadyakan ko pa ang paa niya kaya bago tumakbo palayo sa kanya dahil siguradong hahabulin ako noon para makaganti.

"Bryanne!" sigaw niya pa pero tumawa lang ako at mas tumakbo pa.

Pero agad akong napatigil sa pagtakbo ng may isang matangkad na babaeng naka-cap, skinny jeans na black, isang black na damit na halos iluwa na ang dibdib niya.

Nilampasan niya lang ako pero sinundan ko siya ng tingin. Hindi ako nakatiis at sinundan ko siya. Nagtungo siya sa isang VIP room pero ang mas ikinagulat ko nang lumabas mula doon ang isang matangkad na lalaki, blonde ang buhok at kulay asul ang mga mata.

'LUKE!' sigaw ko sa aking isip.

Napanganga nalang ako ng ipalupot ng babae ang kanya mga kamay sa leeg ni Luke at hinalikan siya ng mariin. Dahil sa paghahalikan nila at natanggal ang cap ng babae kaya naman kitang kita ko na ngayon ang mukha ng babaeng kinaiinisan ng halos lahat ng fandom ng 5SOS at kabilang na ako doon.

'Arzaylea'

"What the hell are you doing here?" tanong ni Luke sa kanya.

"I was with the lads waiting for you when you called Michael. I heard him saying that your brother got an accident and you're here in the Philippines."

Kung nakakamatay lang ang tingin sigurado akong hindi lang double dead ang babaeng ito. Pati boses niya naiinis ako! Argh!

"And how the hell did you know my exact location?"

"I ask Michael. Duh? So how's your brother? When will you come back?" tanong pa nito.

"Go home. I'll stay here until he's okay. I can't leave my Mom here alone."

Nakita ko ang pag-ikot ng mata ni Arzaylea bago pa siya kusang pumasok sa loob na sinundan naman ni Luke.

"Sabi ko sayo makikita mo rin siya e."

Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang magsalita sa likod ko. Napalingon naman ako at nakita ko si Shane na nandoon at may kasamang isang nurse.

"Tss. Nakita ko nga pero kasama naman niya ang babaeng iyon! Bwisit!"

Tinawanan niya lang ako bago muling naglakad at pinasukan ang kwarto kung nasaan ang kapatid ni Luke at siya mismo kasama ang bwisit na babae.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong binuksan ang laptop ko. Ibubuhos ko nalang sa pagsusulat ang inis ko. Wala rin naman akong mapapala kahit murahin ko pa ng murahin si Arzaylea sa isip ko.

Pagkabukas ko ng blog ko ay nagulat ako sa dami ng comments sa fanfiction na isinusulat ko. Ang dami ring mga nagshare. Kadalasan kasi ay ang mga fantasy stories na sinusulat ko ang maraming likes at comments. Habang ang mga romance stories ko naman ay hindi ganoon karami dahil bukod sa bitin, laging tragic ang ending. Ang ibang romance stories ko kasi na sigurado akong magugustuhan ng mga tao ay nakapublish na kaya naman hindi na nila ito makikita sa online.

Nagbasa lang ako ng mga comments at nakakatuwa lang ang mga ito. Halos nag-aabang sila sa updates ko. Narinig ko ang pagtunog ng phone ko tanda na may tumatawag. pagtingin ko ay ang editor ko pala sa CL.

"Hey, Charlotte, your story online is trending." Chalotte is my pen name.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Inopen ko ang facebook page ko at nakita doon na tambak din ako ng mga messages at mga post. Lahat ay sinasabing inaabangan nila ang susunod na update ko.

"What the hell? Hindi naman ganito karami ang readers ko online ah?" nasabi ko nalang kaya narinig ng editor ko.

"I know. Yes sold out lagi ang mga libro mo but it takes months bago masold-out. Base on the reaction of your readers in social media, I think it would be a great idea to publish that story you're working."

"What? Pero hindi pa tapos ang isa kong story. Akala ko ba nagustuhan mo ang plot noon?" sabi ko sa kanya. Nasa kalagitnaan na pa naman ang story na iyon.

"I know. Pero sigurado ako na mas kikita ang story mo na ito. Kaya ipasa mo sa akin."

Pinatay na niya ang tawag kaya hindi na ako nakatutol pa. Halos limang chapters palang ang nakapost sa fanfiction na iyon. Hindi ko pa nga alam kung ano ang isusulat ko na kasunod.

Patuloy lang ako sa pagbobrowse ng mga post ng biglang may mahagip ang mata ko kaya naman agad kong binalikan ang mga previous post.

"This is amazing. Bulls eye haha."

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa pangalan ng nagpost na iyon. MichaelgClifford. Pagkaclick ko ng profile ay halos malaglag ang panga ko nang makitang naka-verified ang account na iyon. Madami ding likes ang comments niya.

Fuck! Ito ba ang dahilan kaya nag-trend ang story ko? What the hell? Nagbabasa si Michael ng blog ko?!

'Assuming ka masyado, Bryanne. Sa dami ng shares sa story mo kaya siguro nakita niya,' sabi ng isang bahagi ng isipan ko.

Nakatitig lang ako sa facebook page ko at nag-iisip ng gagawin. Sa social media palang iyan, napansin na agad ni Michael. Pano pa kapag naging libro? Nandito lang si Luke sa Pilipinas kaya may posibilidad na makita niya ang gawa ko.

Sa isiping iyon ay ginanahan akong magsulat. Kaylang matapos ko ito. Kailangan mapublish ito bago matapos ang isang buwan para makita pa ni Luke. Pero shit! Hindi naman nila ito mapapublish sa loob lang ng isang buwan!

Muling tumunog ang phone ko at at editor ko nanaman ang tumatawag.

"You need to finish that story, Charlotte. This will be your big break."

Napabuntong hininga ako. Akala ko ang maging isang exclusive writer ng CL ay big break ko na pero hindi pala. Parating palang ang magpapa-boost ng career ko.

"Okay."

Close as StrangersBasahin ang storyang ito ng LIBRE!