Chapter 69

78.2K 1.4K 131
                                    

Kanina pa kami ni Jake dito sa bridge, tahimik, walang nag-sasalita pati yung mga isda hindi tumatalon sa tubig, mga puno lang na ginagalaw ng hangin ang naririnig ko.

Complete silence…

Mag-isip ka ng topic Shayne!

Mag-sasalita na sana ako ng biglang nag-ring yung phone nya, tumingin sya sakin na parang tinatanong nya kung pwede nyang sagutin syempre tumango ako alangan namang pagbawalan ko syang sagutin yung phone nya e hindi naman kami nag-uusap.

 

“Sino yun?” tanong ko nung nakabalik na sya

 

“It’s your Dad.”

Si Daddy?

 

“Bakit daw?” tanong ko

Parang may mali, bakit naman mag-c’call si Daddy kay Jake e nasa labas lang kami at nasa loob sya. Pwede namang ipatawag sa mga butlers. Oh well, baka may pag-uusapan sila in private. Businessmen

 

“Don’t know ang sabi lang nya mag-kita kami sa garden sa labas.”

 

 

“Samahan na kita.” Sabi ko tapos nag-simula na kaming mag-lakad

Habang nag-lalakad kami, nakita ko sina Cielo na nakaupo sa isang table, tinawag nila ako, lumapit ako.

 

“I’ll be back soon.” Sabi nya bago sya nag-lakad ulit, tumango na lang ako. Sina Bess naman kumaway kay Jake

 

“Hindi pa sya aalis.” Sabi ko tapos umupo

 

“Ganun ba?” tanong nila tapos tumawa kasi sabay yung pagtanong nila sa akin

Napa-facepalm na lang ako, bakit di pa ako sanay sa mga kabaliwan nila? Simpleng pagsagot lang tinatawanan nila. Haaay…

 

“Masyado atang stress si Bess ngayon ah.” Sabi ni Qim

 

“Oo nga! Look at her eyebags! Dark and circle! Hahaha.” Sabi ni Tracy tapos nag-tawanan sila ni Sofie.

I will miss them. Next week kasi aalis na kami at hindi ko silang pwedeng isiksik sa maleta ko.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon