[ 16.3 ] Kidnap

66.1K 741 70
                                    

Chapter 16.3: Kidnap

Tumigil ang mga lalaki sa harap niya. Hindi niya inaasahan ang dami ng mga lalaking iyon. Kung titingnan ay mukha nasa bente ang mga ito. Masasabi niya na sila ang mga gangster na kagaya ng inaasahan niya. Kumpara sa 11SG na may pagka-disente tingnan at may mga itsura, ang mga lalaki na nasa harap niya ay yung mga gangster na alam mong sanay sa gulo at mukhang tambay sa kalye... 'Yong mga mukha na kapag nakita mo, mapapatago ka na lang talaga ng phone mo. Karamihan man sa mga 'yon ay pangit, may ilan naman na may itsura sa kanila. Sila ang nakasanayan na mga gangster sa Pinas. Kakaiba nga naman kasi ang 11SG. Saan ka nga ba naman kasi makakakita ng mga gangster na mayaman, gwapo at disente tingnan?

Naagaw ang pansin ni Steffi nang may biglaang pumasok sa gitna ng mga lalaking 'yon. Sa lahat ng nandoon, mukhang ito ang pinakagwapo. Gwapo nga naman talaga ito at kung itatapat ito kay ZAC pagdating sa mukha ay matatalo si ZAC.

"Mukhang naligaw ka yata, miss?" tanong ng lalaking iyon sa kanya.

"Ah-eh.."

"Master, chicks oh! Ang ganda niyan, i-uwi mo na! Mukhang 'yan ang regalo sa 'tin ng 11SG, ah? Ayos!" sabi ng isang matabang lalaki.

"Oo nga, Master! Mukhang namang wala pa dito 'yong 11SG kaya sunggaban mo na!" dagdag ng isang payat na lalaki.

Nilapitan si Steffi ng lalaki na gwapo na iyon. Base sa sinasabi ng mga kasama nito, mukhang siya ang lider-lider-an nila, kumbaga kung sa 11SG 'yon, siya si ZAC. Habang lumalapit ito ay napapaatras siya.

"Don't be scared. May itatanong lang naman ako sa 'yo, hindi kita didikitan."

"Ano'ng kailangan niyo sa 'kin? Bakit ako nandito?"

"Importante ba 'yan? Tell me, what's your name, sweety?" tanong nito sa kanya.

Gwapo man ito, nakakaramdam pa rin siya ng takot dito. Para bang may nagsasabi sa kanya na hindi ito dapat na kausapin at dapat itong nilalayuan.

"A-ako?"

"Hm.." nagtingin tingin ang lalaki sa paligid. "Ikaw lang naman ang nakikita ko dito kaya malamang ikaw ang tinatanong ko."

"Bitawan niyo siya!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Z-ZAC.."

Lahat sila ay nagtinginan sa likod. Dumating na doon ang 11SG.

"Sugurin niyo na!" utos ng lalaki na tinatawag nilang master.

Madali siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila palayo doon habang nagkakagulo ang mga kasama nito pati na din ang 11SG. Hindi naman siya makapagpumiglas dahil masyadong malakas ang lalaki at mahina siya para manlaban pa. Lumabas sila sa gusaling iyon at dinala siya nito sa lugar kung saan maraming motor.

"Sakay!" sigaw nito.

"Ayoko nga! Bahala kayo sa buhay niyo! Kung may away kayo, 'wag niyo akong idamay!"

Nanlaki ang mata ni Steffi nang makita niyang inilabas ng lalaki ang baril nito at itinutok sa kanya. Napapikit na lang siya nang marinig niya ang isang putok ng baril.

"Sasakay ka o papasabugin ko 'yang ulo mo?!" pagbabanta nito.

"S-s-sasakay na."

"Steffi!" sigaw ni ZAC.

Nakasakay na siya ng motor nang marinig ang sigaw ni ZAC. Napalingon siya at natakot si Steffi dahil nagpaputok ulit ang lalaki ng baril patungo sa pwesto ni ZAC. Napaharap naman siya dahil biglang pinaandar ng lalaki ang motor. Ni hindi niya alam kung may natamaan ba sa ginawa ng lalaking iyon. Napakapit din naman siya ng mahigpit sa bewang ng lalaki. Wala siyang suot na helmet at takot siyang sumakay sa motor.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon