" POTEKKK !!! NAGAWA KO RIN !!! " sigaw niya habang nagtatatalon pa. masaya sya dahil sa wakas nagawa na din niya yung 50-50 grinds. alam ko yun dahil mahilig din sa skateboarding si kuya.

[a/n: se the video on the side. that's the 50-50 grind trick :PP]

" PJ !!!! KURT !! CLYDE !! POTEKK TALAGA !! GALA NG GALA HINDI NIYO TULOY NAKITA blah blah blah " sigaw niya dun sa mga kaibigan niya na lumapit na din sa kanya. kitang kita ko sa mga reaksyon niya na masaya siya. hindi ko alam pero, bigla ko na lang din naramdaman na nakikiisa ako sa pagsasaya niya. nawala yung lungkot ko ng makita kong sa wakas, pagkatapos ng mga hirap niya, nagawa na din niya.

bigla ko na ding naisip habang pinapanuod ko syang tumatawa dito sa malayo na, ganun ba talaga kahalaga ang skateboarding para sa kanila? ganun din ba yung nararamdamang saya ni kuya sa tuwing gagawin niya yun? na kahit puro sakit sa katawan ang nagpapala nila dahil dun. sige pa din siya.

napaisip talaga ako. sino ba talaga sa aming magkapatid ang makasarili? tama ba ang ginagawa kong pagharang sa pangarap ng kapatid ko?

pagkatapos ng malalim na pag iisip, umuwi ako sa bahay. inabutan ko si kuya na nakaupo sa sofa at hinihintay ako. lumapit agad sya sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit.

" *sniff sniff* i-im sorry, Kuya.. *sniff* nahihiya ako sayo. h-hindi dapat ako umasta ng ganun eh. *sniff* dapat inisip ko din muna yung gusto mo, bago ang sarili ko. *sniff* " naiiyak kong sabi kay Kuya habang magkayakap kami. hinahagod naman nya ako para tumahan.

" it's okay, Xionnen. tahan na. wag ka ng umiyak ha? okay na ang lahat. hindi naman ako galit eh." sabi naman niya sa akin. lalo pang humigpit ang yakap ko kay kuya. masakit man para sa akin, dapat lang na tulungan ko si kuya sa pagtupad ng pangarap niya :"(

" basta kuya. *sniff* mag iingat ka lagi ah? w-wag kang makakalimot. " paalala ko sa kanya. mamimiss ko talaga ang kuya ko. TT_TT

" oo naman. wag kang mag alala. lagi naman akong tatawag eh." tapos, humiwalay sya ng pagkakayakap at hinawakan lang ako sa balikat.

" Kuya, wala na ba talagang makakapigil sayo? pati ba sya iiwan mo din, ha? " tanong ko sa kanya. biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya. ramdam ko ding nahihirapan sya sa gagawin niya.

tumango siya sa tanong ko " babalikan ko naman sya pag natupad na ang pangarap ko. pangako, babalik ako. ginagawa ko naman ito para sa aming dalawa eh, para may maipagmalaki ako sa kanya. kaya naman Xionnen, habang wala ako, pwede, ikaw muna bahala sa kanya? " pakiusap niya sakin. tumango naman ako at nagbigay ng bahagyang ngiti.

" pero, paano kung makakita sya ng iba? " tanong ko naman sa kanya " hayaan mo lang sya. kapag nakita kong hindi naman sya masaya dun, e di, babawiin ko sya. " at pagkatapos, ngumiti sya na parang confident na confident sa sarili niya..

present

dahil kay Bench kaya nagagawa ko pa ding ngumiti kahit wala sa tabi ko ang tanging tao na nagpapahalaga sa akin. iniwan na kasi kami ng mga magulang namin kaya yung kuya ko na lang ang meron ako. pero, nung umalis sya. akala ko, hindi ko kakayanin. mabuti na lang at nandiyan si Bench. hindi man niya alam, napapasaya niya ako sa mga ginagawa at bawat ngiti niya. kahit patago ko lang iyon nakikita.

Skater Boy meets Ballerina Girl! (COMPLETE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!