Chapter 13

15 0 0

CHAPTER THIRTEEN 

“MACKY KOOOOO!!” At halos mabuga ko yung kinakain ko. Totoo ba andito na naman si Miles??

“Tss.” Bored na sabi ni Jared.

“MILES??” Anong ginagawa nito dito?? 

“The one and only.” Nakangiting sabi ni Miles. Nangaasar ata to eh. 

“Ginagawa mo dito??” Mariing sabi ko.

“Sinusundan ka. Hehehe" Sabi nya sabay akbay sakin,

“Stalker. Tss." Sabi ni Jared na mukhang naiinis na bored na ewan. Gulo lang.

“GWAPO naman ng stalker mo Macky!” Sabi ni Miles habang nakangiti at mukhang nangaasar pa.

“Aiishhh! Bakit ka ba nandito Miles ha?” Naiinis na sabi ko. Nakooo magaaway na naman tong dalawang to eh!

“Bakit sayo ba tong ice cream parlor? Bawal na ba kumain dito?” Nawala ang ngiti ni Miles at padabog na umupo sa tabi ko.

“Fine fine. Kumain ka na.” 

“Tss.” –Jared

10 Minutes later…

“Ahhhhh…” –Miles

“Oh.” Sinubuan ko si Miles ng ice cream. Palambing na naman sya. Hayyy. Well, normal naman samin to. Best friend ko si Miles since... god knows when together with Kristi. Never kaming napaghihiwalay na tatlo. Sabihin na natin na magkakadikit ang pangalang Macky, Miles at Mae. 3M kami eh. 

(Si Mae ay si Kristi.)

“Hindi ka ba marunong sumubo ng sarili mo? Ano ka bata?” Sabi ni Jared habang naglalaro pa rin sa itouch ko. Bakit kaya di magkasundo tong dalawang to. 

“Paki mo ba? Ganito kami ka-sweet ni Macky ko eh.” Sinamaan nya ng tingin si Jared at tumingin sakin with a smile. At ang smile na yan. Hayyyy... Alam kong nage-enjoy syang asarin si Jared. 

Nako naman tong Miles na to.

“Tss. Isip bata.” Pabulong na sabi ni Jared.

“ANO?!” Nanlisik naman yung mata ni Miles. Wala kasing pasensya si Miles eh kaya di magkakasundo tong dalawang to pareho silang walang pasensya!

“LECHE! ANG GULO NYO AH! KAYO MAGSUBUAN GUSTO NYO??” Naiiritang sabi ko sabay baba nung spoon na hawak ko. Tss.

“Sorry." Sabay na sabi ni Jared at Miles. Ahahaha Cute nila! 

Maya maya natapos din kami kumain. Rather, natapos na din si Miles kumain. Hayyyyy…

“Let’s go.” Sabay ulit na sabi ni Jared at Miles. Nag-titigan sila at parang may electric wave na pumapagitan sa kanilang dalawa. Haaaaayyyy

“Pati ba naman to guys??” Nagaagawan ata kung sino maghahatid sakin. Eh kung lakarin ko na lang kaya... Kaso ang layo eh. 

“Hatid na kita Macky.” Seryosong sabi ni Miles habang nakatingin pa rin sya kay Jared.

“…” Himala hindi kumibo si Jared? Tinignan ko sya pero umiwas sya ng tingin. Ano kayang problema nya.

“Macky? Lets go.” Kinuha ni Miles ung bag ko at hinawakan ako sa braso.

“Una na ko.” Nauna ng maglakad si Jared at umalis na.

“Jared.” Magpapaalam sana ako kaso di man lang lumingon nung tinawag ko. Kainis na un! 

“Tara naaaa.” Sabi ni Miles sakin at pinagbuksan ako ng pinto pero di ako pumasok at tinignan ko lang sya ng nakakaloko. Annoyed stare na nakakaloko FYI. “Whuuut??” Sabi nya.

Love at First Punch [ON HOLD :(]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!