Chapter III

895 35 2
                                    

Nagising ako sa ingay ng paligid. Parang ang gulo-gulo.

"Bakit kasi pinagbuhat niyo siya!" sigaw ni Cloud.

"Can you stop shouting Cloud? Baka magising siya," mariing sabi ni Rain. Minulat ko ang aking mata. Nakita ko ang mga Weirdos. Si Nikko na nakaupo sa sahig kasama si Nate na pinakatahimik sa grupo. Nakayuko lang silang dalawa habang nakapatong ang kanilang siko sa kanilang tuhod. Si Josh na nakaupo sa bench habang nakahawak ng phone. Si Anthony na nakahalumbaba sa mesa. Natawa ako nang dumapo ang tingin ko kay Cloud at Rain. Nakatayo sila pareho sa pintuan na parang ewan.

Tumikhim ako dahilan upang ibaling nilang lahat nila sa akin ang kanilang atensyon. Lumapit sina Cloud at Rain at lumapit. Habang tumayo naman ang iba.

"Okay ka na?"-Cloud
"Are you okay?"-Rain

Narinig ko ang halakhak ni Anthony nang sabay nagtanong ang dalawa. Nagkatinginan silang silang dalawa ng matalim.

"Guys okay na ako. Pasensya na sa abala."

"Tinawagan na namin ang magulang mo. Malapit na sila. Si Ms. Alcaraz nasa school. Siya muna ang nagsupervise sa events," mahinang saad ni Rain. I smiled at him.

Tumalikod si Cloud at deretsong lumabas sa pintuan. "Anong nangyari dun?" tanong ko.

"Nag-alala siya sayo. Halos hindi na niya alam ang gagawin kaninang nawalan ka ng malay. Kung nakita mo lang kung paano siya mag-alala," sabi ni Josh. Tumingin ako sa pintuan. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya.

****
Hindi na muling dumalaw si Cloud. Ang kapatid ko at si Rain ang laging nagbabantay sa akin dahil may trabaho sila Papa. Minsan dumadalaw rin ang mga Weirdos at si Dana maliban lang talaga kay Cloud. Nalungkot talaga ako.

Isang linggo ako sa hospital na hindi manlang ako dinalaw ni Cloud. Sobrang nalungkot ako and I don't know why.

"Mia! Waaaaaaahhhhhh!" Tumatakbo si Dana palapit sa akin at niyakap.

"Aray!" Ngumiwi ako dahil sa sobrang higpit ng yakap ni Dana sa akin.

"Ay! Sorry! Sorry!" hinging paumanhin niya sabay bitaw sa akin. Nakangiti siya na parang bata. "Namiss lang kita. Buti okay ka na. Kung hindi ka lang kasi tatanga-tanga, hindi sana nangyari sayo 'yun," deere-deretsong anas niya. Natawa na lang ako. Binatukan ko na.

"Gumaling ka lang naging sadista ka na!" pagmamaktol niya. She pouted. Ang daldal talaga niya pero namiss ko siya. "Tara na nga. Namiss ka na din ng Weirdos."

"Sira! Wala kasi silang mapagtripan kaya ganon."

"Seryoso namiss ka na ng mga 'yon. Ewan ko lang kay Cloud. Medyo hindi siya sumasama sa mga Weirdos e." Napatingin ako sa kanya.

"Bakit? May nangyari ba?"

"After niyang nagperform noong program, hindi na siya masyadong nagsasalita. Parang biglang nagbago ganun."

Natahimik ako. Ano kayang nangyari sa kanya habang wala ako?

"Pero alam mo...." she paused. Hinintay ko siyang ituloy ang sasabihin niya. "Ang galing niya. Nakakainlove ang boses niya. Saka ang gwapo niya last week. Hindi ko nga akalaing may ikakagwapo pa siya e."

"Bakit ano bang ginawa niya?" tanong ko. Malapit na kami sa classroom.

"Kumanta siya at nagsuot ng pangmodel na damit. Hindi siya marunong maggitara pero ang ganda ng boses niya. Si Nate ang naggitara para sa kanya," she said smiling.

Nalungkot naman ako. Hindi ko siya nakitang kumanta. Parang nakaramdam ako ng selos.

"At isa pa pala." Tumingin ako sa kanya. "Sila na yata ni Ven," saad niya. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Alam kong wala akong karapatan pero nakaramdam ako ng galit at selos. Kaya ba hindi siya pumunta man lang sa hospital? Kahit naman papano magkaibigan kami diba? Does he even cared for me?

"Huy! Okay ka lang?" tanong niya. Tumango ako at hindi na nagsalita.

Naglakad ako papunta sa upuan ko. Maraming lumapit sa akin para kumustahin ako. Ngumiti ako sa kanila kahit na iba ang nasa utak ko.

Nagpaphotocopy ako at nagbasa maghapon. Ayaw ko munang maistorbo. Sa library ako tumambay. Dahil sa nangyari sa akin, si Dana muna ang pumalit sa pwesto ko. Siya ang inatasan ni Ms. Alcaraz na ayusin ang calendar of activities kaya naiwan akong mag-isa.

Masakit na ang ulo ko sa kakasagot ng mga assignments na kailangan kong tapusin kaya naghanap ako ng novels. Nakita ko ang libro ni Colleen Hoover na Cinderella. Kinuha ko iyon at hiniram sa librarian. Lumabas ako saka tumambay sa may acacia.

Nasa kalaliman ako ng pagbabasa nang may tumabi sa akin. Kunwari hindi ko siya napansin. Nakaramdam na naman ako ng paru-paro sa aking tiyan. Naamoy ko na naman ang kanyang pamilyar na pabango. Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa libro pero nadi-distract talaga ako sa kanya.

"Mia." Napahawak ako ng mahigpit sa pahina ng aklat. Hindi ko siya pinansin. I remained silent. I don't know why I felt so sick and pain suddenly stinged in my chest.

"Mia galit ka ba?" tanong niya. Naiinis ako! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Oo galit ako kasi hindi mo manlang ako dinalaw. Oo galit ako kasi nagkakaroon na ako ng feelings sayo!Bwisit.

"No," I said coldly.

"Eh bakit ka ganyan?"

Tumingin ako sa kanya. His eyes are full of emotions. I just don't know what are those and for whom. "Anong bakit ako ganito?"

"Ang layo mo." Bagsak ang kanyang balikat. Tila hindi rin niya maintindihan ang sarili niya.

"Malayo ba ako? Nasa tabi mo nga lang ako e. Nagbibiro ka ba?" matabang kong sambit.

Tila may gusto pa siyang sabihin pero hindi nito alam kung paano sambitin. He was frustrated. His eyes are so intense na parang gusto akong lunurin.

I closed the book. I heard him sighed. Umiwas ako ng tingin at nilagay ang libro sa aking bag. I gave my full attention to him.

Ilang minuto pa kaming nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad sa gate. Uwian na kasi. Buti na lang at wala na masyadong naglalakad dito sa may acacia.

"May problema ka ba?" pagkunwa'y seryosong tanong ko sa kanya. Hinintay ko ang kanyang sagot.

"Malaki."

"Pwede mong sabihin sa akin," I offered. Ibinaba nito ang kanyang bagpack at nilagay sa tabi niya. He lowered his head. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa kanyang ulo.

"Paano ko sasabihin?" Natawa ako bigla sa tanong niya.

"Seriously Cloud? Pinagtitripan mo na naman ba ako?"

"Seryoso naman ako sayo ah." I blushed. Parang iba ang kahulugan nito sa akin. Gosh! This man. Buti na lang hindi siya nakatingin sa akin.

"Ano ngang problema mo? Nagtatanong kasi ako ng matino. Sagutin mo kasi ako ng matino nang masabi ko kung anong opinyon ko."

Umayos siya ng upo. "Nakakainis lang kasi. Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo. Problema ko kung paano sabihin sayo ang problema ko."

"Baliw!" sambit ko saka ko siya hinampas. Ngumiti lang siya. Tila nawala ang tension sa pagitan naming dalawa.

"Are you okay? 'Yung totoo Cloud."

Inakbayan niya ako. Naamoy ko na naman ang kanyang pabango. "Ikaw nga dapat tinatanong ko niyan e."

"I'm fine. Hindi mo manlang ako dinalaw. Nakakatampo ka." Nakasimangot pa ako. He pinched my nose. Inalis ko ang pagkakaakbay niya dahil nakita kong paparating si Ven.

"Meron naman na si Rain," sambit niya nang hindi pa nito nakikita si Ven. Nahihimigan ko ang tampo sa kanyang boses.

Tumayo ako. "Alis na ako. Ayan na 'yung girlfriend mo." Nakita ko ang pagtutol sa kanyang mga mata. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya.

Gosh! Naiiyak ako. Naiiyak ako kasi sa sandaling nakilala ko siya, ramdam kong iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Bakit ba natamaan pa ako ng lintik na pag-ibig na 'yan. Nakainis! Alam ko namang wala akong laban kay Ven eh. She's pretty and nice. She's talented and charming. Ano pang hahanapin niya dun?



Hindi ako pwedeng mahulog ng sobra. I have to stop this nonsense feelings! Ayokong masaktan lalo. Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. Hindi pwede!








by:hiddenheartless

Until Then (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon