Pagkadating na pagkadating ko palang sa bar sinalubong na kaagad ako ng sigawan ng mga schoolmates namin noong college kami..

“Woaa! Nandito na pala ang star of the night!” Sigaw ng isa sakanila na may halong sipol. Napakunot ang noo ko.

Dumiretso ako sa loob, pero hinarang ako ng isang lalaki at halos manlaki ang mata ko ng siilin ako nito ng isang marahas na halik! Malakas ko siyang itinulak at sinampal!

“Woah! Hanep,kung makaasta akala mo naman inosente! Si Leo ba ang hanap mo?..H’wag mo na siyang hanapin..ako nalang..mas magaling ako sakanya.” Tumatawang sabi nito, seriously?  Ano bang nangyayari?! Lahat sila nakatingin saakin at hindi ko nagugustuhan ang tawang ibinibigay nila saakin! At ano?! Nandito si Leo?!

Magsasalita na sana ako pero biglang may humila saakin palabas ng bar! Si Jas at Rica, mabilis kaming pumasok sa loob ng sasakyan ni Jas at hindi ko nagustuhan ang pagsigaw nila saakin!

“Hindi ka dapat nagpunta dito!” Hiyaw nila!

“What’s happening? Bakit ganun ang mga tao sa loob?!” Pagtataka ko.. Nasapo ni Jas ang noo niya!

“H’wag mo  ng alamin Marie..” Bulong nito na naging dahilan ng pagkainis ko, ayokong manghula lalo na kapag pakiramdam ko ako yung topic ng usapan!

“Ano ba?! Akala ko ba magkakaibigan tayo?! Bakit parang ako lang yung walang alam?!” Sigaw ko sakanilang dalawa!

“Yun na nga eh! Kaibigan ka namin! Ayaw naming malaman mo dahil masasaktan ka!” Sigaw ni Rica saakin, naningkit ang mata ko at tinitigan ko silang mabuti.

“Come on btch..alam niyo namang sanay na akong masaktan.” Bulong ko, sanay na nga ba?

Binigyan ako ni Jas ng isang makabuluhang tingin..

“Iba ‘to Marie..” Bulong nito..Magsasalita na sana ako pero biglang nagring ang phone ko,  si Drake tumatawag nanaman.. Kaagad kong inoff yon, dahil mas importante ngayon ang pinag uusapan namin nila Jas.

“Kung hindi niyo sasabihin saakin, ako mismo ang gagawa ng paraan para malaman ko—“

 

 

“Bullsht!!” Sigaw ni Jas saka ibinato niya saakin ang cellphone niya! Napatingin ako sa screen nito na nakahanda na para iplay ang isang video..  “Jas!!” Sigaw ni Rica sakanya!

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!