Kabanata 16

169K 2.5K 271

Kabanata 16

 

 

MARIE’S P.O.V

Hindi ko na inintindi pa si Tom Andres, palong palo  naman siya sa kayabangan niya. Nagmaneho na ako pauwi sa condo ko  at hindi ko nagustuhan ang ibinibigay na tingin saakin ng mga kapitbahay ko ng makasabay ko sila sa elevator. Para silang mga bubuyog na nagbubulungan, nagkibit balikat nalang ako at inilabas ang cellphone ko, napanganga ako dahil sobrang daming missed calls ni Drake, ang dami ring nagtext saakin, pinakamarami si Jasmin at Rica, bubuksan ko na sana ang isa sa text  ni Rica pero biglang tumunog ang elevator at nandito na ako sa floor ng unit ko. Kaagad akong pumasok at inilapag ang pinamili ko sa couch saka dumiretso sa kitchen para sana kumuha ng tubig pero biglang nagring ang phone ko. Si Rica, tumatawag.

“Rica?” Sagot ko, halatang nasa bar sila dahil sa ingay sa kabilang linya.

“My ghad! Marie! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?! Okay ka lang ba?! Pinuntahan ka namin sa bahay niyo pero sabi ng Mama mo may unit ka na daw!” Litanya niya, halatang halata sa boses niya ang pag aalala kaya naman napakunot ang noo ko.

“Hey..dahan dahan, ano ba kasing problema? Bakit ang dami niyong text saakin ni Jas?” Bigla siyang natahimik.. “Rica?” Tawag ko sakanya.

“Btch..mukhang hindi pa niya alam..” Narinig kong bulong ni Rica na halata namang hindi ako ang kausap kundi si Jas. “Rica? Anong hindi ko alam?” Sigaw ko, nameywang ako na para bang nakikita niya ako. Ayoko sa lahat yung pinagtataguan ako ng sikreto nitong dalawang kaibigan ko.

“Ha?W-wala..” Nauutal na sagot niya na halata namang nagsisinungaling.

“Hindi ka magaling magsinungaling btch..may hindi ba kayo sinasabi saakin ni Jas? Ano ba?! Magkakaibigan tayo diba?! Nasaan kayo? Sa dati pa rin ba?!” Kailangang malaman ko kung anong itinatago saakin nitong dalawa na ‘to.

“No! Hindi ka pupunta dito Marie!!” Hiyaw niya! Nanlaki ang mata ko dahil mas napatunayan kong may sikreto silang dalawa!

“Shut up Rica! Pupunta ako diyan!”

 

 

“Pe—“ Hindi ko na siya pinatapos pa! Pinatay ko na ang cellphone ko at nagmadaling lumabas ng unit ko! Kagaya ng mga kasabay  ko sa elevator kanina, kakaiba rin ang tingin saakin ng mga tao sa parking lot, pinag walang bahala ko nalang sila at mabilis na pinaharurot ang kotse ko sa bar kung saan madalas kaming magkakasama nila Jas.

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!