Chapter 4

------------

[Aerith's Heart]

Lalalalala~ may friend na ko!!! Ang saya!!! Di pa rin ako makapaniwala!!

It's been two weeks simula nung naging friend ko si Darren Zak Valenzuela! Or Renren!!! Ewan ko pero ang gaan ng loob ko sa kanya kahet na masungit siya! 99.9% sinusungitan niya ko! Baket kaya parang ang heartless niya? Parang may galit sa mundo! Pero despite na ganun siya, I still want to be his friend! Parang kaseng familiar siya eh!

----

While walking sa hallway, napadaan ako sa section B, and suddenly, I remembered Renren. Kaya sumilip ako sa door and andun nga siya!

Hmmm nagrereview ata? Malapit na kase exams namin. Pero ba't parang mukha siyang aburido? Baka di niya maintindihan?

Hmm...

*Lightbulb!*

I want to tutor him!

[Darren's Heart]

Ahhhh!!! Ba't di ko maintindihan 'tong Trigo???

Ano ba 'tong sine cosine secant na 'to??? P*kinsh*t ang hirap.

"Darren may naghahanap sa'yo! Chicks dre! Ganda! Pa'no ka nakasungkit ng ganung kagandang chicks?" sabi ng kabarkada kong si Jake habang nilalapitan ako.

Sinong chicks? Wala naman akong kilalang magandang chicks eh.

Eh di syempre lumingon ako sa pintuan namin.

I saw Aerith.

Siya yung magandang sinasabi ni Jake?

Makes sense, maganda naman talaga siya---- what the eff am I saying??

“Tss. Anong magandang pinagsasabi mo diyan?”

Pagtapos eh lumapit na ko doon sa pintuan namin.

“Hi Renren!!!” she said with a bright smile habang kumakaway

Uhhhh she’s annoying

“Anong kelangan mo?"

“Hmmm… Pwede ka bang pumuntang bahay ko mamaya?”

Yung reaction ko… from this (_ _’) to this O__________O

“A-ano??”

Pero huy I'm not green minded ah?

“Sabi ko kung pwede ka bang pumunta sa bahay ko later!!”

“Baket naman?”

“Study tayo!!!”

Hayy buti naman at mag-aara--

“ANO???” napalakas boses ko kaya nagtinginan yung mga classmates ko

“Shhh! Renren naman ang ingay eh! Secret lang naten ‘to! Aral tayo! Mukha ka kaseng nahihirapan eh! Itu-tutor kita!!!”

“H-ha? Anong nahihirapan pinagsasabi mo diyan? Hindi ako nahihirapan ah!!” f*ck bullseye niya ko

“Psh. Deny ka pa diyan! Di mo ba tatanggapin offer ko? Remember, top 1 ako lagi with the most perfect grades in history! Tatanggihan mo pa ba ko?"

“Tch. Exagge.”

“So ano? Deal or no deal? Pleaaaaaaase Ren-ren~~~~ Gusto ko talagang makatulong!! For me please!! Para naman maexperience ko ang magdala ng friend sa bahay bago ako….” Bigla siyang natahimik at napayuko.

“Mamatay?” tinuloy ko yung putol niyang sentence at nagnod na lang siya sa kin.

Nagbuntong hininga na lang ako…

“Fine.”

“Talaga???? Thank you Renren!!!”

At laking gulat ko na lang nang bigla niya kong yakapin

fact this sheet!!

Habang nakayakap siya eh nagtinginan na naman yung classmates ko at…

“YIEEEEEEE!!!” potek, in unison pa ang buong klase sa pang-aasar

Kaya kinalas ko na si Aerith sa pagkakayakap niya at humarap sa mga chismoso kong mga kaklase...

“Hoy tigil-tigilan niyo nga ko!!”

Tapos humarap na ko kay Aerith

“At ikaw! Wag mo nga kong yakapin ng basta-basta! Nakakahiya oh!!”

“Psh. KJ. May masama ba kung masaya ako?” tas bigla siyang nagpout. Akala niya cute siya? Tss.

“Bahala ka na diyan! Bumalik ka na nga sa classroom niyo!!” pagtataboy ko sa kanya a bumalik na ko sa upuan ko, pero bago pa man ako makaupo narinig ko sigaw niya.

“Hintayin kita sa may gate ah! See you later!”

Tsk. Ang kulet niya.

Pagkaupo ko, lumapit na naman sa kin si Jake.

“Dre, sino yun? Ikaw ah? May bago ka na! Dre, mas maganda pa nga yun sa ex mo eh!”

“Dre, anong pinagsasabi mong bago? Wala na kong balak mag-girlfriend! At kahet na mas maganda pa at matalino pa yun sa ex ko, ayoko na talaga!”

“Itutuloy mo ba talaga yang pagiging ‘heartless’?”

“Hindi ko itutuloy dahil nagawa ko na! Isa na kong walang pusong gwapong lalake.”

“Tss.. Ang drama mo dre! Ayaw mo ba talaga dun sa babaeng yun? Eh baket ka nakipagkaibigan?”

“Basta! Basta for various reasons…. At ang alam ko lang talaga ay, she’s damn annoying the hell out of me!!

---------

Author's Note: Hohohoho xD Wala lang :)) Nakakatuwa lang yung UD kong 'to^^ Trip trip lang xD Parang ang pointless:))

Vote & Comment po!!

My MiracleBasahin ang storyang ito ng LIBRE!