Papalag Ka Ba? (Oneshot)

16.9K 780 240
                                                  


Bakit ba may mga babaeng maaangas ? Kung umasta akala mo barako. Kung makapag angas akala mo kung sino.
Palibhasa alam nilang hindi namin sila kayang patulan.

"Hoy ! Tulala ka na naman.Naiintindihan mo ba ako? Sabi ko gawin mo tong part na to. Sa Monday na kailangan yan."

Sita sakin ng babaeng to habang nakataas ang isang kilay niya sabay abot ng research paper.

"Bakit ako?"

Walang gana kong tanong sa kanya habang tinitignan siya

"E-Eh sa magaling ka mag English e! Kaw na gumawa. Ano papalag ka ba?"

Tumungo siya ng unti at nag aangas na naman. Ibang klaseng babae to.
Sabay umalis kagad siya.
Lagi yang ganyan, ewan ko ba dyan at laging masungit.

Naalala ko tuloy yung inutusan niya din ako gumawa ng drawing para sa program namin.

"Hoy ! Pakidrawing nga to! Kailangan ngayon yan."

"Bakit ako?"

"Eh magaling ka magdrawing eh! Ano bang malay ko dyan sa drawing drawing na yan. Ano papalag ka ba?"

Napakabossy ng babaeng yun. Tomboy ata yun e. Nakakarindi siya laging nakasigaw. Pag titignan ko yun lagi niyang tinatanong kung papalag ba ako. Iba ata ang intindi niya sa mga tingin ko.

-----

Natapos na ang klase namin, pota kailangan ko na pala tumakas. Cleaner ako ngayon.

"Sibat na pre!"

Senyas sakin ng tropa ko na nakaabang sa harap ng classroom.
Makalayas na nga.

"Hoy ikaw!" Napatigil ako at tinignan na naman ang babaeng yun. Nilingon ko siya at tinignan ng walang emosyon.

"Saan ka pupunta ! Cleaner ka diba? Maglinis ka tatakas ka na naman."

Tinignan ko lang siya habang nakapamewang,ang angas talaga ng babaeng to. Sa totoo lang may itsura naman siya. Maganda din ang katawan. Boyish nga lang.

Sus! Ayaw niya lang magpalamang dahil parehas kaming cleaners ngayon.

"Ano ? Papalag ka ba?"

Ayan na na naman ang walang kamatayan niyang linya.

Papalag Ka Ba?  (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon