Oh well…

“Rina! Ang tagal mo kumuha ng order ah! Anyare ba jan!?” Sigaw ng isang babae na nasa counter at nakasimangot sa amin.

     “Ma! Sila po pala ang mga kasamahan ko sa Caless! Ito po si Ono Haruna, yung kinuwento ko po sa inyo nung isang araw. At ito naman po yung mga kasama ni Ono-san,” pagpapakilala sa amin ni Rina. Tumayo naman kami at nag-bow. “Hello po,” bati namin pati na rin si Sir Nomura. Lumapit sa amin ang mama ni Rina at sinuot ang kanyang salamin. “Wow. Ang ganda pala ni Ono-san, anak eh. Tignan mo o pang-model ang dating. Hindi talaga biro ang mga estudyante ng Caless noh?” Isa pa ‘tong mama ni Rina eh, wagas din kung makapag-compliment sa liit kong ‘to model? Binibiro niya ata ako. Hanggang balakang lang ng isang propesyonal na modelo siguro ang maabot ng height ko.

Tumawa sina Chika, Mika, Michiru at pati na rin si Sir Nomura, hindi ko na lang sila pinansin at pinilit ngumiti sa harap ng mama ni Rina.

“Ay hindi naman po. Maliit lang po ako,” sabi ko.

     “Ma, alam mo ba may movie na si Ono-san pati na rin yang tatlo niyang kasama. Breakdancers ba yun? Ano ba title nun?” Napa face palm ako sa sinabi ni Rina at tumawa ng malakas sina Sir Nomura. “Backdancers, Rina.” Pag-cocorrect ni Sir Nomura kay Rina. “Backdancers po pala, ma! Tanga-tanga mo talaga ng anak niyo kahit kelan… Pero, magiging artista na po sila ma!” Nakangiting sabi ni Rina.

“Wow naman, anak. Sige, hihintayin ko ang mga upcoming movies nila ah. Sana maging ganun ka din anak. Alam mo na… Maging propesyonal ka ding drummer at lumabas sa pelikula kagaya nila,” nagmo-moment naman masyado ang mama ni Rina ah.

“Ma’am we assure you. Magiging successful po ang anak niyo at malayo ang mararating niya. Ganun ka taas ang standards ng Caless. Teacher po kasi ako dun. Ako rin ang instructor ng apat na ‘to o!” Ayan na naman si Sir Nomura.

     “Ganun po ba? Sige aasahan ko po ang mga sinabi niyo sir ah. At dahil nga kilala kayo ng anak ko 50% off na ang total bills niyo sa maliit naming resto!” Nasiyahan naman kami sa sinabi ng mama ni Rina. Imagine, fifty percent off? Edi naka-libre din ng kalahati si Sir Nomura. “Nga pala, Ono-san. Ilang taon ka na ba?” Tanong ng mama ni Rina. “Eighteen na po,” sagot ko. “Edi ibig sabihin, mag-kokolehiyo ka na?” Pagtatanong niya. Napaisip ako, mukhang hindi ata. “Malabo po siguro yun, mahal ang college eh. Hehehe… Pangarap ko naman po talaga maging sikat na dancer eh,” sagot ko. Tumango siya, “Tama yan, iha. Dapat set your goals na… Pero paminsan-minsan kasi hindi tayo dinadala ng kapalaran sa pangarap talaga natin eh. Kasi may nakalaan pa pala siyang mas maganda sa’yo. Mas higit pa sa na-imagine at pinangarap mo,” aniya.

Natahimik naman ang lahat sa words of wisdom ng mama ni Rina. “Good luck sa’yo, Ono-san. Gambatte!” Kinindatan niya ako tas’ pumunta na siya ng kusina ng resto. Nag-paalam na din si Rina at pumunta na ng kitchen.

Napuno ulit ng ingay ang buong resto dahil sa pagkukuwentuhan nina Sir Nomura.

‘Paminsan-minsan kasi hindi tayo dinadala ng kapalaran sa pangarap talaga natin eh… Kasi may nakalaan pa pala siyang mas maganda sa’yo… Higit pa sa pinangarap mo…’

     Napaisip ako sa sinabi ng mama ni Rina. ‘Higit pa sa pinangarap mo…’ ano kaya ang ibig sabihin nun? Simple lang naman ang pangarap ko ah. Maging propesyonal na dancer, yun lang. Walang labis, walang kulang. Pakiramdam ko maabot ko naman yun ah. Magaling naman ako ah at mahal ko ang ginagawa ko.

“Natameme ka ata Haru? May problema ba?” Tanong ni Michiru.

Umiling na lang ako at nakisali na rin sa kuwentuhan nila.

“Kainis nga eh, namatay ang bida. Alam mo yung feeling na ilang buwan kang naghintay tas’ yun lang ang ending? Pfft…”

SCANDAL(DISCONTINUED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें