CHAPTER 166

3.4M 77K 183K
                                    

MAX'S POV

Sino ba'ng waiters ang sinasabi niya?

Nagsimula siya'ng magmaneho at nung lingunin ko siya ay bakas pa rin ang pagtataka sa mukha niya.

"Ano ba'ng sabi sa'yo?" tanong ko.

"English, eh."

"Tss.. kaya hindi mo naintindihan?!"

"Tch." nakangiwing singhal niya. "Nawiwirduhan lang ako, ikaw man sa posisyon ko ay ganon rin ang mararamdaman mo. Kumuha lang ako ng wine e kung anu-ano ng pinagsasabi."

"Tulad nga ng ano?"

"Basta, may pa-love love pa silang nalalaman. Tch! Kung sino man ang nag-utos sa mga 'yon, panigurado'ng patay na patay sa'kin 'yun."

Ako naman ang tumaas ang kilay pero iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya.

Tss, sanay naman ako'ng marami'ng may gusto sa kaniya at wala ako'ng pakialam dahil akin siya.

"Taguro?" maya-maya pa'y tawag niya at agad nama'ng nilingon ko siya.

"Mmm??"

"H-Hindi mo man lang ba ako na-miss?" bakas ang pagiging seryoso sa tono niya.

Umayos ako sa pagkakaupo at saka humarap sa kaniya. Isinandal ko ang likuran ko sa pinto ng kotse niya.

Palingon lingon lang siya sa'kin dahil sa daan nakatutok ang paningin niya.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin ko'ng hindi." sagot ko at nangiti naman agad siya. "Ang totoo, ginawa ko'ng abala ang sarili ko sa mga bagay bagay nung nasa Korea ako, para.. mawala lahat ng masasakit na katotohanan sa isip ko. Pero sa t'wing mahihinto ako sa ginagawa ko.. ikaw agad ang pumapasok sa isip ko." kwento ko at nanlaki ang mga mata niya at tumingin pa sa'kin.

"T-Talaga?" pigil ang ngiting tanong niya pa.

Tss, nagugulat pa?!

"Mmm.."

"B-Buti.. natiis mo ko??" bakas ang pag-aalinlangan na tanong niya at napabuntong-hininga naman ako at tumingin pa rin ng deretso sa kaniya. "Sabagay, sanay na ako. Hehehe!" mapaklang dagdag niya.

"Kasi.. kung pipilitin ko'ng makasama ka. Hindi ko rin maibibigay sa'yo ang buo'ng atensyon ko dahil.. malaki ang naging epekto non sa pagkatao ko.."

"Naiintindihan naman kita e." pormal na tugon niya.

"Alam ko. Kaya nga mas pinili ko'ng hanapin muna ang sarili ko, dahil alam ko'ng pagbalik ko, sisigawan mo lang ako tapos okay na."

"Tch. Kaya ganon na lang kadali sa'yo na iwan ako!?" nakanguso pa'ng tanong niya at napabuntong-hininga rin ako.

"Hindi rin naman naging madali para sa'kin ang gawin 'yon. Ang totoo, 'yun ang pinakamahirap na naging desisyon ko. Dahil sa huli, luge pa rin ako."

"Tch! B-Bakit?"

"Kasi araw-araw akong binabangungot at kinukonsensya sa kaiisip sa'yo. Tss, 'yung kaisa-isa'ng tao'ng nagbibigay ng lakas sa'kin sa t'wing manghihina ako.. iniwan ko." sagot ko at nilingon niya naman ako. Bakas ang lungkot sa mga mata niya kaya ngumiti ako. "Hindi rin naging madali para sa'kin ang ginawa ko. Pero.. hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya dahil kahit hindi mo sabihin ay alam ko'ng naiintindihan mo."

"Oo, kaya 'wag mong abusuhin ang kabaitan ko. Napakaswerte mo sa'kin, soooobrang swerte mo sa'kin! Napaka-understanding ko at gwapo. Ikaw lang ang babae'ng nakapagpaiyak sa'kin ng ganon. Alam na alam ng buo'ng BIS na halos mabaliw na ako kaiisip sa'yo. Kahihintay sa'yo. Tch! Ni hindi ko man lang nagawa'ng pangalagaan ang mukha ko, ang hirap i-maintain ng itsura ko habang nasasaktan ako. Sabagay.. mahirap burahin ang natural ng gwapo---"

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon