Chapter 1

1.6M 47.2K 39K
                                    

Transfer

Sa isang highschool, laging merong transfer student na mula sa ibang lugar. Iba-iba ang dahilan ng paglipat nila.

Ang pinaka-unang problema ng paglipat sa ibang paaralan ay ang salitang 'pakikisama'. Kailanga'ng makisama ng bagong lipat sa mga kaklase nya.

At ganun ang problema ni Jasper Jean o mas kilala'ng Jay-jay sa bago nyang school. Kinakabahan, nae-excite at natatakot yan ang halo-halong nararamdaman nya.

"Kaya ko to!" Sambit ni Jay-jay sa sarili nya habang naglalakad papunta sa magiging room nya.

Kayanin nga kaya nya kapag nalaman nya na sya lang ang nag-iisang mutya ng Section'g mapapasukan nya.

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

Haaaaaaaa!!!! Nakakaloka! Kinakabahan ako at the same time parang natatae rin. Hehe.

Simula kasi sa araw na to dito na ko mag-aaral sa Higher Value International School. Taray ng pangalan!

Malapit na ko sa room na itinuro sakin ng registrar office. According to my registration papers last section daw ang E ng 4th year highschool. Dito ko napunta kasi hindi naman daw ganun kaganda ang records ko.

Hindi ko sila masisisi, pasaway din kasi ako sa dati kong school. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa room.

Pagdating dun, nakita kong may nakatambay na mga lalaki sa tapat ng pinto. Lima silang lalaki at pare-parehong hindi maayos ang pagkakasuot ng uniform. Medyo nakakatakot sila pero sabi nga 'Don't judge the book by it's cover'.

Lumapit ako sa kanila. Pare-pareho silang tumigil sa pagsasalita at hinarap ako. They all glared at me. Okay, medyo nakakatakot!

"Uhmmm... M-mga Kuya, d-dito po ba y-yung section E?" Bakit ako nauutal? Anu ba yan nakakahiya!

Nagtinginan muna sila bago ibalik ang tingin sakin. Para nila akong ini-scan mula ulo hangang paa. May mali ba sa itsura ko?

"Hindi dito... Sa kabilang building yun." Sagot nung lalaking kulay brown ang buhok.

"Ha? S-sabi nung registrar, dito----"

"Nilipat na! Kaya umalis kana dito!" Sigaw nung lalaking may subong lollipop.

Medyo natakot ako sa sigaw nila kaya mabilis akong tumakbo. Grabe naman! Kaylangan talaga sigawan ako?! Kundi lang ako bago dito.... yari ka sakin.

Tumunog na yung bell, indication na start na ng class. Samantalang ako eto naglalakad parin papunta sa classroom ko. Kainis! Nilakihan ko na yung hakbang ko, medyo malayo pa yung kabilang building.

Nakakapag-taka lang yung building na pinang-galingan ko nasa dulong part na ng school. Sementado na pero kupas na kupas ang pintura, puro vandalism at nagkalat na lumang silya o mga nasirang gamit. Dalawang floor din yun at merong apat or 6 na room sa kalahataan. Hindi nga lang ako sure kung ginagamit lahat.

Hindi kagaya ng kaharap kong building ngayon. Bago'ng bago at maganda ang pintura. Nasa apat na floor at maraming kwarto. May aircon din sa ibang room. Yayamanin!!

Agad akong pumasok sa building para hanapin ang room pero parang wala akong makita. Hindi ako bulag hindi ko lang talaga mahanap yung room.

Hangang sa may nakita akong classroom na may pangalan sa tabing pinto. Section lang yung nakalagay pero may naiwang marka na obvious naman na letter E.

Baka ito na yon!!

Agad akong pumasok. Napahinto pa yung mga istudyante ng makita ako. Mga nasa 20 students din sila.

Ang Mutya Ng Section E (PART ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon