Kabanata 15

191K 2K 93







Kabanata 15




Iminulat ko ang mata ko ng makarinig ako ng sunod sunod na pagkatok sa pinto! Ang aga aga naman! Mabilis akong tumayo at binuksan yon!




"Rise and shine sweetheart!" Nakangiting bungad saakin ni Drake, naka-black na sando at shorts na pang jogging siya, at nike na rubber shoes, may hawak hawak siyang puting towel.




"Ano ba? Ang aga aga pa!" Hiyaw ko sakanya saka tinalikuran ko siya at akmang hihiga ulit sa kama pero hinila niya ang kamay ko.




"Mag-e-exercise tayo sweetheart!" Aniya, tsk. Exercise?! Itutulog ko nalang yung oras ng pag-e-exercise na yon!




"Mag isa ka!!" Hiyaw ko sakanya saka hinila ko pabalik ang kamay ko! Pero hindi niya ako tinigilan! Binuhat niya ako ng pa-bridal style at binitbit papuntang cr sabay binuksan niya yung shower!




"Drake!! Ano ba!! Nakakainis ka!!" Sigaw ko sakanya pero tinawanan niya lang ako!




"Hahaha! Gising na ba ang diwa mo?! Dali na bibigyan kita ng thirty minutes para mag ayos." Utos niya, humalukipkip ako kahit na basang basa na ako!




"At sino ka para utusan ako?!" Inis na tanong ko sakanya.




"Ako lang naman ang lalaking nagmamahal sayo ng wagas." Pormal na pahayag niya. Nag init nanaman ang mukha ko, tumawa siya.




"Maligo ka na." Aniya, tumalikod na siya pero humarap ulit siya at tinawanan ako saka nagsalita ulit.




"Hindi ba talaga uso ang bra sayo sweetheart? Kung sabagay, pabor saakin yan." Ngumingising sabi niya! Nanlaki ang mata ko! Kinuha ko yung shampoo sa bote saka ibinato ko sakanya! Pero mabilis siyang nakailag at lumabas na ng cr! Napakamanyak talaga niya!!




At dahil wala na akong choice heto kami ngayon sa Luneta! Oo Luneta! Kanina pa kami nag-ja-jogging dito, naiiwanan na nga niya ako eh.




"Sweetheart! Ang bagal mo naman!" Sigaw niya saka bumalik sa pwesto kung saan ako nakatungo at hinihingal, nakatuon ang kamay ko sa tuhod ko.




"Ayoko na. Pagod na ako!" Sigaw ko sakanya pero tinawanan nanaman niya ako.




"Hindi ka kasi sanay, tara na nga!" At napasigaw ako ng buhatin niya nanaman ako ng parang isang sako ng bigas at nagsimula siyang mag-jogging ulit! Ghad ang lakas niya! Nagagawa niyang buhatin ako habang nag-ja-jog?!




Kumapit ako sa likod ng damit niya.




"Ha! Okay ka lang sweetheart?!" Tanong niya, hindi ko siya sinagot! Hinampas ko ang likod niya!




Nakailang ikot pa siya bago kami umupo sa damuhan! Umiinom na siya ngayon ng kulay blue na gatorade at napanganga ako ng makita ko ang tumutulong pawis niya sa leeg niya kasabay ng pag galaw ng adams apple niya.. Napalunok ako ng lumipat ang tingin ko sa labi niya at sa labi ng bote ng gatorade, ang swerte naman ng bote! Paking teyp ka Marie! Iniwas ko na ang tingin ko sakanya!




"Napagod ka ba?" May halo ng pang aasar na tanong niya.. Paano naman kaya ako mapapagod kung buhat buhat niya ako? Inirapan ko lang siya.




"Hahaha. Ang sungit mo. Alam mo sweetheart kung nagmumukmok ka pa rin dahil ginising kita ng maaga, sorry na.. Pero syempre mabuti na rin yung kahit minsan lang eh may exercise ka.." Paliwanag niya, nginusuan ko lang siya saka sinamaan ng tingin.




"Kiss? Gusto mo ng kiss?" Pagyayabang niya! Nanlaki ang mata ko! Hinampas ko siya sa braso niya na puro pawis! In fairness! Mabango pa rin kahit ang pawis niya.




"H'wag ka kasing ngumuso." Aniya..




"Saan ka kumuha ng damit?" Pagtataka ko, kanina ko pa gusto itanong sakanya yan. Kasi diba kahapon wala naman siyang dala bukod sa damit niya sa kasal ng kapatid ko.



"Ah..umuwi ako kaninang alas kwatro sa bahay, kumuha na rin ako ng ilang damit." Sabi niya, tinaasan ko siya ng kilay.




"At talagang balak mo ng tumira sa condo ko?" Bulyaw ko sakanya.




"Hmm, pag wala akong pasok.." Oo nga pala pinagpatuloy niya ang pag aaral niya dito sa Pilipinas, at sa school ko pa rin siya nag enrol.




"Mag aral kang mabuti." Bulong ko.




"Naks. Para ba sa future natin sweetheart?" Tumatawang sabi niya! Ang lakas talaga ng apog nito.




"Pwe! Future ka diyan!" Sigaw ko saka tumayo na ako, at naglakad papunta sa sasakyan niya, sumunod naman siya saakin. Sumakay na kami sa kotse niya at inistart niya ang engine.




"Breakfast muna tayo." Anyaya niya.




"Umuwi muna tayo." Sabi ko, napalingon naman siya saakin.




"Oh? Anong tinatanga tanga mo diyan?" Pagsusungit ko sakanya.




"Umuwi muna tayo..tayo..tayo.." Ngiting ngiting sabi niya saka pinaharurot ang sasakyan niya! Napanganga naman ako, tuwang tuwa na siya nung lagay na yon? Eh hindi ba sabi niya dun na muna siya sa condo ko kapag wala siyang pasok. Saka isa pa napatunayan ko kagabing wala siyang gagawin na kahalayan kahit na yung bunganga niya eh puro kamanyakan ang lumalabas, pati pala ang pagkilos niya minsan.




Pagkadating namin sa unit ko naligo kaagad ako! At pagkalabas ko ng kwarto ko binato niya sa mukha ko yung towel niya na basang basa ng pawis niya!




"Drake ano ba?!! Maligo ka na nga!" Hiyaw ko sakanya! Ang hilig din niyang mambato ng damit sa mukha o katawan ko! Nakakainis, pero ayos lang ang bango naman eh.. Hehehe.




"Ang tagal mo. Dapat sabay nalang tayo para mabilis." Aniya! Binato ko pabalik sakanya yung towel niya!




Lumapit siya saakin at ginulo gulo niya ang buhok ko! Biglang nagring ang phone ko kaya naman kinuha ko yon at sinagot.




"Hello?" Bati ko, si Kyle ang tumawag. Hindi naman ako tinitigilan ni Drake sa panggugulo niya saakin! Pinapapunta ako ni Kyle sa tapat ng studio niya dahil daw nagseselos nanaman daw si Kei kay Hana at Jerx, nakakainis lang bakit kasi hindi pa niya sabihin na may project siya sa New York, oo alam ko yon! Dahil hinarang ko nung nakaraan yung dalawang babaeng ex ni Kyle at pinapalayo ko sila sa asawa ng kapatid ko, pero sabi nila may project daw na ipinapasa si Kyle sakanila para hindi ito matuloy sa New York.



"Drake! Ano ba! Maligo ka na nga!" Sigaw ko sakanya!




"Psh, osige na Kyle papunta na ako." Sabi ko saka pinatay ko na ang cellphone ko.



"Aalis ako." Sabi ko saka kinuha ko ang susi ng kotse ko, yep may kotse na ako, kakukuha ko lang nung isang araw.




Magsasalita pa sana siya pero nanakbo na ako palabas ng unit ko. Pagkadating ko sa tapat ng studio ni Kyle, simangot na simangot ang buntis. Kasal na nga silang dalawa pero wagas pa rin magselos itong kapatid ko, ang taba taba niya. Nakakatuwa, excited na ako sa pamangkin ko.




Nagpunta kami sa mall at dun ko siya kinulit ng kinulit. Tawag pa ng tawag si Drake saakin pero hindi ko pinapansin ang phone ko. Gabi ko na rin naihatid ang kapatid ko sa unit nila ng asawa niya, umalis na rin ako kaagad dahil ang dami kong napamiling damit, ito ang ayoko kapag nagpupunta ako ng mall kung ano anong binibili ko. Kailangan ko ng mag apply ulit ng trabaho, nauubos na ang savings ko saka isa pa nakakahiya na kay Mama, yung credit cards niya ang ginagamit ko.




Nagdadrive na ako ng muntik ko ng mabangga yung isang sasakyan! Umiwas siya saakin kaya naman yung kanya ang bumangga sa isa! Parang biglang kumirot yung dibdib ko dahil sa nerbiyos! Kaagad akong uminom ng tubig at bumaba para harapin yung nabangga, pero nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino siya.. Si..si Leo.




"Fck sht! Tignan mo yung ginawa mo! Ang laki ng damage!" Sigaw niya pero napatigil din siya ng makita niya ako! Naikuyom ko ang nanginginig kong kamao.




"Marie..tsk, ano ka ba naman. Bakit hindi ka nag iingat? Tignan mo yung ginawa mo sa kotse ko, tsk.. Bago lang 'tong kotse ko." Pagyayabang niya, ngayon iniisip ko kung ano ba talagang nagustuhan ko sa lalaking ito? Samantalang puro hangin ang laman ng utak niya. Tinaasan ko siya ng kilay at lumapit ako sa kotse niya saka sinipa ko ang harapan nito!




"Fck! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!!" Sigaw niya saka hinila niya ang braso ko para mailayo ako sa pinakamamahal niyang sasakyan!!




"Inaayos ko." Mariin na sabi ko saka tinalikuran ko na siya pero hinila niya ulit ako at nasasaktan ako sa sobrang higpit ng hawak niya saakin!




"Ginagago mo ba ako Marie? Bayaran mo ang nasira mo.. Kung hindi mo naman kaya, edi.." Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa at halos mabalot ng galit ang puso ko ng makita ko ang pagnanasa sa mga mata niya.




"Ikaw nalang ang bayad..tutal naman maraming beses nanating nagawa yon..namimiss na kita.." Bulong niya at akmang hahalikan ako! Pero mabilis kong tinuhod ang pagkalalaki niya at tumakbo ako!!




"Ahhh!!! Tangina ka Marie!!" Sigaw niya at kahit hirap na hirap siya! Lumapit siya saakin at hinila ang buhok ko! Halos maluha ako sa sobrang sakit!!




"Akala mo ba makakatakas ka saakin?!" Sigaw niya!




"Hayop ka!!" Pero bago ko pa siya masaktan ulit tumilapon ang katawan niya sa kalsada! Tumingin ako sa lalaking sumuntok sakanya at nakita ko si Tom!




Tumayo si Leo at akmang susuntukin si Tom pero kaagad din siyang sinipa nito!




"Pakialamero kang gago ka ah!" Sigaw ni Leo, susugod pa sana siya pero biglang may pumito na pulis kaya kaagad na tumakbo si Leo pabalik sa sasakyan niya. Pero natigilan ako ng sumigaw siya.




"Magbabayad ka Marie!" Nakangiting sabi niya at pinaharurot niya ang sasakyan niya paalis.




Muntik na akong matumba pero kaagad akong naalalayan ni Tom..




"Okay ka lang? Gago yun ah, mabuti nalang at dito ako dumaan pauwi.." Aniya..inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.




"Ayos lang ako." Bulong ko..hinilot hilot ko ang sintido ko..




"Namumutla ka." Puna niya, hindi ko alam pero nakaramdam kasi ako ng takot kay Leo..




"Okay lang sabi ako!!" Sigaw ko sakanya saka sumakay na ako sa kotse ko! Nakita ko pang kinausap si Tom ng pulis na pumito saamin!




Nakita ko rin na sinundan ako ni Tom Andres kaya naman binilisan ko ang pagmamaneho! Pero hindi tumigil ang gago! Mas binilisan niya at halos sumubsob ako ng pumreno ako, dahil hinarangan niya ng kotse niya ang kotse ko!




Bumaba siya at kinatok ang bintana ng sasakyan ko kaya naman ibinaba ko iyon.




"Ano bang kailangan mo?" Walang ganang tanong ko sakanya.



"Ganun ka ba mag-thank you? Iniligtas ko ang buhay mo." Aniya, huminga ako ng malalim, kung sabagay tama siya.. Pero ayoko pa rin sakanya, babaero.




"Thanks." Sabi ko at akmang magmamaneho na ulit pero hinila niya ang braso ko.




"Kakaiba ka talagang babae ka. Sige tatanggapin ko yang thank you mo, pero akala mo ba nakalimutan ko na yung pagsampal mo saakin?"




Lumingon ako sakanya at tinignan ko siya ng masama.




"Babaero." Madiin na sabi ko, kumunot ang noo niya.



"What?!"



"Babaero ka." Ngumisi siya at kinagat niya ang ibabang labi niya bago sumagot.



"Hindi ako babaero. Sa loob ng dalawang taon, kapatid mo lang ang niligawan ko." Sabi niya.




"So what? Babaero ka pa rin." Naiinis na sabi ko, hindi na niya kailangan sabihin saakin yon dahil alam ko na ang wagas na pagmamahal niya sa kapatid ko.. Busted na nga siya diba? May asawa na ang kapatid ko, pero hindi ko makakalimutan ang sinabi niyang panghihila ng babae para maging girlfriend niya.




Ipinasok niya ang ulo niya sa loob ng kotse ko at pinagtagpo niya ang mata naming dalawa.




"Papatunayan ko sayong hindi ako babaero." Bulong niya, amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya..



"Talaga? How?" Hinaplos niya ang pisngi ko na naging dahilan para mapaatras ako!



"You'll see." Aniya saka kinindatan niya ako. Ngiting ngiting bumalik siya sa sasakyan niya.



_____



DRAKE'S P.O.V




"Pare!" Sigaw ni Wesley saakin.



"Saakin na ba si Maesha?" Tanong ni Darvin..




"Lul ka dude, h'wag na si Maesha.. Akin nalang siya." Ngumingising sabi ni Tristan, silang tatlo yung kasama ko sa panghaharana kay Kei Marie. Mga naging kaibigan ko sila sa Japan, kaya nga nung nalaman nilang dito na ako mag aaral ulit sumabay na sila saakin parang mga sira ulo lang.




"Rum nga pare, two shots." Sabi ko sa bartender, naging paborito ko na 'tong alak na 'to.. Dahil sa natatandaan ko ito ang inorder ni Kei Marie para saakin nung gabing nagkakilala kami.




Madami na ring tao dito sa bar.




"Iba ang ngiti natin pre ah. Naka score ka na ba?" Pang aalaska ni Darvin.




"Ulol. Scorin mo yang mukha mo." Sabi ko saka tinungga yung dalawang shots ng rum, unang una hindi naman yon ang habol ko Kei Marie, ang habol ko lang eh yung mapasagot ko siya. Masarap lang talagang asarin si sweetheart lalo na kapag namumula na siya sa sobrang inis saakin. Maganda ang gising ko kaninang umaga, takte kikiligin na ba ako dahil may unan at kumot na ako na galing sakanya? Isa lang ang ibig sabihin non, may pag asa na talaga ako!




"Hahaha.. Mga pre, sa tingin niyo ba makaka-score yan si Drake dun, eh nak ng putcha ubod ng sungit nung babae!" Natatawang sabi ni Wesley na ngayon ay busyng busy sa pag-fe-facebook sa tablet niya, nasa Japan palang kami adik na yan sa facebook.




"Langya lakas ng tama ni Drake dun, hindi ko akalain na magagawa niyang mangharana sa panahon na 'to.. Tamis ng unang tikim!!" Pang aalaska ni Darvin.




"Uy! Mga pre may bagong pinagkakaguluhan ngayon sa facebook.." Umayos ng upo si Wesley, sumulyap naman si Tristan dun sa tab at saka binasa yung isang comment.




"Ang hot nung babae..sana ako din.." Basa ni Tristan, kaagad naman sumingit si Darvin sa dalawa.




"Play mo na!!" Sigaw ni Darvin na akala mo eh sabik na gago.




Sandali silang natahimik at tinignan ako na para bang natatakot. Ganyan yang mga yan hindi nila matanggap na ako ang pinaka gwapo saaming apat. Psh.




"Ah! Ang magandang gawin mo Wesley patayin mo na yang tab mo, sira yata eh.." Sabi ni Darvin..




"O..oo nga tama ka diyan pre! Sira.."




May dalawang babae na umupo sa bar counter kung saan kami ngayon nakaupo.




"Gosh, ganun kalala?" Bulong nung babae..



"Hey, isang martini nga.. Oo grabe, panoorin mo na kasi.." Sagot naman nung isa.




"Si Kei Marie talaga, may tinatago ring kalandian.." Parang nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ni Kei Marie.



"Ano ka ba, naging malandi lang naman siya simula ng mag break sila ni Leo, patay na patay kasi siya noon kay Leo, akala niya siguro seseryosohin siya.. Tignan mo naman ngayon, pinagpepyestahan ang sex video nilang dalawa.." Kwento nito, kumunot ang noo ko at ibinalik ko ang tingin dun sa tatlo kong barkada, hindi na sila makatingin ngayon saakin.




"Pahiram ng tablet." Mariin na sabi ko sakanila.




"Pre sira--"



"Putangina pahiram!" Sigaw ko saka hinablot ko yung tablet ni Wesley saka pumunta ako sa facebook kung saan hindi pa na-la-log out ni Wesley.



"Pare kasi ano.."



Hindi ko sila pinansin, dahil tangina mukha ni Kei Marie at ng gago niyang ex ang pinapanood ko ngayon sa isang scandal.


****

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!