Talaga. Wish na wish ko lang. Hate na hate ko talaga sya. Huhu. Ibang iba talaga sya kay Gerald. Walang wala sya sa ugali nun. Kung di lang sana sya nagmigrate sa US hindi kami magkakahiwalay eh.

Tss. Di ko man lang kasi mahanap sa facebook o anumang site yung lalaking yun. Kinalimutan na yata ako.

Sunod kong binasa yung text ng kambal nyang si France.

From France:

Uy! Open mo nga laptop mo search mo yung omegle panigurado matutuwa ka. Dali na itry mo, para naman makalimutan mo na yang Carlo na yan.

Dali dali kong inopen ang laptop ko gaya ng utos ng bruha at itinype ang omegle sa URL.

Pagtingin ko, shocks! Dating chorva site ba to? Ano ba akala sakin ni France desperado? Maya maya pa, may nagchat sa akin.

Anonymous: Hi there, want an amazing experience sexy?

Yuck as in yuck lang. Grabe naman 'tong foreigner na to!

Nagscroll pa ko d'un sa page at mayroon pa lang space na nilalagyan ng interest kung ano man yun. Ang inilagay ko ay ang bago kong school na Lottie Academy.

May kaagad naman na lumabas na chat sa akin.

Anonymous: Hi!

Me: Hello?

Anonymous: Age?

Me: 18

(A: For anonymous, M: For Me)

A: Lalaki ka ba?

M: Ay lalaki ba hanap mo? Sorry babae ako.

A: Haha. Hindi ah. Sinisigurado ko lang kung babae ka. Ganito kasi sa omegle, kapag pareho kayo ng gender preference nagdidisconnect mag-isa.

M: Ah ganun pala. Di ko kasi alam nirecommend lang sakin ng friend ko 'to.

A: Bakit nya naman sinuggest sayo to?

M: Makakalimutan ko na raw ex ko. NyahahahaXD

A: Ganun? Sure ka bang makakalimutan mo sya?

M: Ahm siguro? Di naman masamang subukan di ba?

Teka, parang relate tong si kuya huh? Hahahah.

A: Ah. Oo nga naman. Sabagay, yun din naman ang dahilan ko kung bakit ako andito. Nang dahil sa ex ko na kahit anong gawin ko hindi ko makalimutan.

M: Ay, mas malalim pa sa balon yang words mo kuya huh?

A: Kuya? Haha. Magka-age lang tayo noh. Just call me ahm, siomai.

M: Yay! Bakit siomai? Haha. Peyburit ko pa naman yun.

A: haha! Funny ba? Favorite kasi yun ng ex ko kaya ginamit kong username.

M: Ah. Nako hindi mo sya makakalimutan ng ganyan eh. Maaalala mo sya dyan sa username mo.

A: Hmmm. Susubukan ko lang kung kaya kong iendure at pigilan na hindi sya isipin tuwing kachat kita.

M: Tuwing kachat talaga? Paano ka naman nakakasigurado na makakachat mo na ako palagi mula ngayon?

A: Hmm. I just know:-)

Omegle To ForeverOù les histoires vivent. Découvrez maintenant