PROLOGUE

1.5M 27.3K 1.8K
                                                  

PROLOGUE

Cali,

     I'm sorry kung nasaktan man kita pero hindi ko na kayang pakisamahan ka. Hindi naman talaga totoong mahal kita, e. Sinabi ko lang 'yon kasi may pera ka at nasisiguro ko na ang maganda kong kinabukasan sayo. Pero nagkamali ako, hindi sapat ang pera, hindi talaga kita kayang mahalin. Ayoko na. Nasasakal ako kapag kasama kita. Ayoko sayo. Nandidiri ako sayo. Pinipilit ko lang ang sarili ko na ngitian ka araw-araw.

     Cali, sana maintindihan mo na iba ang mahal ko. Hindi ikaw 'yon kundi si Fredd, ang aking kababata na ngayon ay kasintahan ko na. Tinago ko sayo ang relasyon namin. Oo, niloko kita. Hindi kita kayang mahalin kahit anong pilit ko. Kaya naman umalis ako ng walang paalam maliban nalang sa sulat na 'to.

     Kung binabasa mo ngayon ang sulat ko, kasama ko na ngayon si Fredd sa probinsya at masaya kami. Huwag mo na akong hanapin, Cali, kasi kahit kailan ay hinding-hindi ako magiging masaya sa piling mo. Sana hayaan mo akong maging masaya sa piling ng lalaking mahal ko. Paalam.

-Annette

POSSESSIVE 12: Cali Sudalga (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon