Nawawalang Puntod

6K 265 26
                                    

Ang puntod ay libingan ng patay. Sa Bibliya, karaniwang ginagamit bilang puntod ang isang yungib na may malaking batong nagsisilbing pintuang naisasara at naibubukas.

Pero siyempre, hindi na ngayon. Sumabay na sa makabagong panahon at lumobong bilang ng populasyon.

Ang puntod ay tumutukoy din sa isang bantayog o monumento.

Puntod, nitso o tomb sa wikang inggles.

A large vault, typically an underground one for burying the dead, or a building or chamber above in which the dead body is kept.

Kapag sinabing PUNTOD, PATAY ang ibig tukuyin. The tomb is a poetic term for death.

Lagakan o konkretong sisidlan ng bangkay.

Pangkaraniwang matatagpuan sa loob ng Sementeryo.

Pinakamurang apartment. Kung saan puro pahiga ang posisyon ng nasa loob.

Bagama't alam nating lahat na tayo'y babalik sa alabok, ayaw pa natin sa 'lalong madaling panahon'.

Ngunit sa ayaw man natin at sa gusto, kapag dumating na ang takdang panahon, ang bawat isa sa atin ay magkakaroon ng PUNTOD.
.
.
.

-----

SEMENTERYO....

Gabi.

Dilat na dilat ang buwan.

Animo matang nakatunghay sa nilalang na naglalakbay.

Sumasabay sa lamig ng hangin ang panaghoy ng asong nababalisa.

Nakapangingilabot ang alulong na tila nagmumula sa ilalim ng lupa.
.
.

''Psst!''
.
.
''Psst!''
.
.
''Puwede bang magtanong?''
.
.

''Alam mo ba kung nasaan ang puntod ko?''
.
.

''Puwede mo ba akong SAMAHAN?''

PAUNAWA

ANG BUONG KWENTO NG ISTORYANG ITO AY INYO NANG MABABASA SA http://www.joynatividad.com/
May ginagawa po akong kuwento na may pinamagatang ALULONG. Kung sakali po e, diyan n'yo po siya mababasa. Maraming salamat po. :)

NAWAWALANG PUNTODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon