Chapter Five

108K 3.1K 545
                                    

May sunod-sunod na katok ang nanggaling mula sa pintuan. Sabay kaming napatingin ni Henry doon. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwa mula doon si Fatima.

"Yes, Fatima?" nakangiting tanong ko.

"Ma'am, nandito na po si Ms. Apple Basilio." sabi nito sa akin.

Agad akong napatingin kay Henry na na napatingin rin sa akin. Lumaki ang ngiti sa mukha ko at natatawang ibinalik ang tingin sa aking assistant.

"Let her in." utos ko kay Fatima. Tumango siya agad at may sinenyas sa labas ng office. Nilakihan ni Fatima ang pagkakabukas sa door way at pinapasok sa loob si Apple.

Tumayo ako mula sa swivel chair at inikot ang desk. Umupo ako sa ibabaw ng table. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng table para suportahan ang sarili. Nanatili namang nakaupo si Henrietta sa single-seater couch na nasa harapan ng desk ko.

"Goodmorning po, ma'am, sir." mabait na sabi ni Apple. Ngumiti naman ako bilang sumagot. Si Henry ay tahimik lang na nakatingin kay Apple. He's such a snob.

"Alam mo ba kung bakit kita ipinatawag ngayon, Apple?" itinagilid ko ang ulo ko sa kanya at may maliit na ngiti na nakaguhit sa aking mga labi.

Lumunok ito. Kitang-kita ko sa mukha niya kaba. "A-Ah. Hindi po, ma'am. B-Bakit po ba?"

Inayos ko ang ulo ko at malungkot na tumingin sa kanya. I tried to look as sympathetic as possible. "I'm sorry, Apple. But I'm afraid I have to fire you."

Nakita ko si Henry na sinapo ang kanyang mukha gamit ang kamay mula sa gilid ng mga mata ko. Binalot ng takot ang mukha ni Apple at biglang namutla habang nakatingin sa akin.

"P-Po? B-Bakit po, ma'am? May nagawa po ba akong mali?" nangingiyak na sabi nito.

"Savion..." Henrietta impatiently quipped.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa. "No. I'm just kidding, Apple. May itatanong lang ako sa'yo."

Nakahinga nang maluwag si Apple sa narinig sa akin. Bumalik na rin ang kulay sa mukha niya. Umiling ako at ngumiti nang malaki.

"Has Luke Fabella visited Avis' office yet?" tanong ko sa kanya. Apple is Avis' assistant. I couldn't ask Avis that, kaya minabuti ko na lang na sa assistant niya itanong.

Kumunot ang noo ni Apple. Mukha siyang nagtataka kung bakit ko itinatanong ngunit tumango rin siya. "Opo. Kahapon po, nakasalubong ko si Sir Luke sa elevator─"

Hindi ko siya pinatapos sa sinasabi niya. Tumalon ako mula sa lamesa at nakangiti nang malaki na itinaas ang parehong kamay sa ere.

"Yes!!!" nakatawang sigaw ko. Hinarap ko si Henry at mapang-asar na hinaplos ang pisngi niya. Nakangiwing hinawi niya naman iyon palayo ng kanyang mukha kaya mas lalo akong natawa.

Henry was pissed the whole morning because he lost our bet. Mas lalo pa siyang nainis dahil sa walang tigil na pang-aasar ko sa kanya.

I supervised the invites. Sa staff ko na ipinatuloy ang pag gawa 'non ngunit sinundan pa rin nila ang layout na nagawa ko.

Matapos ng lunch ay bumalik rin agad ako sa office para maghanda para sa pagpunta sa Serrano building. I'm not going to waste my employee's time and make the same mistake.

Sinabi ni Zion na hindi niya tatanggapin ang proposal kung hindi ako nag magbibigay, at alam kong tototohanin niya talaga iyon. Iyon na iyon ang ginawa niya kahapon.

Kahapon. Damn. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Pati ang mga sinabi niya ay hindi ko mapigilang maisip.

"Hindi ko tatanggapin ang kahit na sino, Savion. Sa'yo lang. Ikaw lang."

If This Lasts (If This #2) Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon