Chapter 3

27 0 0

CHAPTER THREE

Naglalakad ako ngayon and nafe-feel ko may sumusunod sakin! Lakad ng mabilis. Onting street na lang kanila Colin na.

Lord, watch over me please!

"Hi Miss!" Biglang may sumulpot na lalaki sa harap ko.

"'Scuse me." Lalagpasan ko na sana kaso hinawakan ako sa kamay.

"Sungit ah." Nakangiting sabi nito. Wow! Nginitian pa talaga ako ng panget na to ah!

"Let go of me!" Pilit kong tinatanggal ung kamay ko sa kanya pero ang higpit ng hawak nya. HELP!

"Miss pwede makipagkilala?" Dumating na din ung tatlong lalaki na sumusunod sakin.

"No. I don't talk to strangers." Aalis na ulit sana ako kaso hinarangan nila ako at gumawa sila ng bilog me sa center.

Huhubells! Patay!! 

"Grabe makikipagkilala lang eh. Masama ba un?" Guy 2.

"What part of I DON’T TALK TO STRANGERS don’t you understand??” Napapa-English tuloy ako. Infairness, taray ko! Hehehe Sabi kasi nila kailangan kunyari matapang ka para layuan ka ng masasamang tao kasi ayaw nila ng lumalaban? They love to bully the weak.

"Palaban tol!" Guy 3

"Pwede na!" Guy 4

P...PWEDE ANG ANOOOO???? Teka mali ba ung kasabihan na un??? 

"S... Sorry naghihintay ung b...BOYFRIEND ko. Baka hinahanap na ako. Excuse me nga!"

Boyfriend? Saan lumpalop naman ng planeta ko naisip un??? 

Hay bahala na sana epektib!!

"Boyfriend daw oh!" Guy1

"Sus! Kunyari lang yan." Guy3

Why oh why hindi sya effective!! Bakit di ba ako mukhang may boyfriend???

Maganda naman ako kahit papano. Well, sabi ng mother ko! Hmp!

"Miss kunin na lang namin name and number mo!" Lumapit sakin ung guy pero tinulak ko sya.

"Wala akong phone. Don't go near me!"

"Wala daw phone eh ano to??" Kinuha ung guy 4 ung phone sa bulsa ko.

Bakit naman kasi kalaki laki ng phone ko! Note 2 ba naman!

"A.. Akin na yan!" Inaabot ko pero tinataas nung guy sa ere.

"Number mo na kasi and name! if you want pati na rin kung kelan ka free. Para if ever you want libre naman ako anytime kahit everyday pa eh! *wink*”

EWWWWNESS AT ITS FINEST!!! Kadirdir si kuya! Excuse me! Ang panget nya no! Hindi ko to type! NEVER IN MY ENTIRE LIFE!!!

"HOY! ANONG GINAGAWA NYO??" Nagulat ung apat na lalaki at sabay sabay kami napalingon sa lalaking nagsalita.

Sya ung...

Ito ung mokong na gwapo na super hot na laging simangot na katabi ko nung championship game ah!!

Bakit may puri dun?? Well, totoo naman na gwapo at hot sya. Hehehe

"Sino ka ba ha??" Guy3

"Kilala mo ba yan miss?" Guy4

Kailangan ko mag... ah!!

Deym! Me so smart! 

"HUBBY!!" -Ako

“HUBBY??” Sabay na sabi nung apat na panget.

Tumakbo ako papunta kay kuyang pogi at niyakap sya.

Love at First Punch [ON HOLD :(]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!