Chapter 39: Revelations

Farrah's POV

"Raven? Ang pinakamataas na angkan sa Vampire Hunter Clan?" tanong ko kay Israel. Hindi pa rin ako makapaniwalang kakampi siya at  hindi man lang pumasok sa isip ko na nagsisinungaling siya dahil nararamdaman kong nagsasabi siya ng totoo. Sino ba kasing mag-aakala na kakampi siya?

"Teka...bago mo sagutin ang tanong ni Farrah. Sagutin mo muna ang tanong ko sayo kanina. Bakita kailangan mong patayin si Kiel? At kelan pa kayo magkakampi  ni Jack?" sunod-sunid na tanong ni Jick. Gusto ko ding malaman kung bakit niya pinatay si Kiel. Kung sana...nandito siya...teka, kung nandito si Kiel at sakaling buhay siya. Paano kaya kami ni Jick?

"Patawarin niyo ako. Hindi ko iyon sinasadyang gawin. Ang tanging hangad ko lamang noon ay ang subukin ang kapangyarihan ni Van at palabasing ako ay kalaban para hindi gaanong ma-threaten ang Vampire Hunter Clan. Kapag nalaman nilang magkasanib-pwersa kami ni Van ay baka mas madaliin nila ang hakbang nila. Sa pagkamatay ni Kiel, ang tirang iyon ay para kay Van sana pero humarang siya, hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-atake. Pati si Jiji ay nasaktan ko din ng hindi sinasadya. Alam kong malaki ang galit ninyo sa akin pero sana mapatawad niyo pa ako" ngumiti siya pero kita ko ang lungkot sa mata niya... "At tungkol sa kung kelan sumapi sakin si Jack, ilang Linggo pagkatapos ng pagkamatay ni Kiel ay sinadya ko siya para makausap. Sinabi ko sa kanya lahat. Pakiramdam ko kasi ay siya ang lubos kong mapapagkatiwalaan at siya ang naging daan para malaman ko ang bawat galaw ni Van. Kailangan ko ang mga impormasyon para malaman ko kung kelan ako kikilos o hinde..."

"Para saan itong organisasyong 'to?" dagdag na tanong ni Jick...

"Binuo ko ito para magsagawa din ng mga research, makakakuha ng mga impormasyon tungkol sa kalaban, para malaman ko ang bawat kilos nila. Mahirap lumakad ng mag-isa kaya naisipan kong buuin ang secret organization na ito at may isa pa pala kayong dapat malaman na alam kong ikagigimbal ninyo..."

Napaayos naman kami ng upo dahil sa sinabi ni Israel at buong atensyon namin siyang tiningnan...

"Ako ang pumatay kay Ellrah..."

Napatayo ako at ganoon din si Jick...

"A-Ano?! B-Bakit?"

"Nalaman ko kasing matatapos lamang ang propesiya kapag namatay ang Oracle. Matagal na 'yung alam ni Ellrah pero mas pinili niyang magdusa si Van sa pagdating ng Great Prophecy. Hindi niya inisip ang maaaring pagdaanan ni Van na sarili niyang kapatid. Mas pinili niyang mabuhay kesa iligtas si Van. Alam naman nating hindi lang basta propesiya ang dadating, nasisigurado kong mahihirapan doon si Van pero mas ginusto niyang mabuhay para sa sarili niya lang kaya pinatay ko na lamang siya"

Hindi kami nakapagsalita. Pero may punto naman si Israel. Kung ako sa katayuan ni Israel ay ganoon din ang gagawin ko. Sa mga nangyayari ngayon, kailangang may isang magsasakripisyo...

"At isa pa, kakampi ko din si Greg Calyx" nakangiting sabi niya...

"Yung totoo Israel? Aatakihin na kami sa puso dahil sa dami mong revelations! Jusko!" napaupo ulit ako at ininom ang juice na nakapatong sa table. Hindi ko na napansin na may juice na pala dito, grabe, nakakauhaw itong mga nalalaman ko!

"Kelan pa?" tanong ni Jick pagkatapos din niyang uminom...

"Mas una ko siyang kumampi sakin kesa kay Jack. Bago ako bumalik dito ay nagpunta muna akong Europa at sinadya ko pa siya. Kahit na parang napakomplikado at misteryosong tao ni Greg ay isa din siya sa pinagkakatiwalaan ko"

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!