Kabanata 13

194K 2.5K 95





Kabanata 13




"Napakabastos mo talaga kahit kailan Drake!!" Hiyaw ko sakanya, pero imbis na mainis siya tinawanan niya lang ako! Umiling iling siya at muling umupo sa couch saka kinuha ang banana chips sa center table at kumain ulit.




Titig na titig siya saakin habang kumakain, at halos mapanganga ako ng kumindat pa siya. Paking teyp! Isang Drake Cortezano ang kumakain ng banana chips habang nakatop less at titig na titig saakin! Paano ako hindi mapapanganga?




"Bastos!"Sigaw ko sakanya!




"Hahaha!"




"Mas matanda ako sayo kaya matuto kang gumalang! Dapat nga hindi na kita binigyan ng chance diyan eh!" Sigaw ko, napatigil siya sa pagkain pero kaagad siyang ngumiti.




"Age doesn't matter sweetheart. Edad lang ang pinagkaiba nating dalawa, pero sisiguraduhin ko namang pagdating sa pagmamahal eh magiging patas tayong dalawa." Aniya saka ipinagpatuloy ang pagkain ng banana chips.




Bwisit na bata talaga ito. Napakaraming alam sa buhay!






Alas kwatro na ng hapon at nakaayos na ako ngayon para sa kasal ng kakambal ko. Suot suot ko ngayon ang green dress, dahil ito raw ang paboritong kulay ng kapatid ko.. Inilugay ko nalang ang buhok ko, natakpan ko na rin ng make up ang eye bags ko.. Hindi na nga ako nakatulog simula ng dumating si Drake at ginulo ang tahimik kong mundo sa unit ko!




"Pambihira naman Kei Marie!!" Bungad niya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko! Natulala ako sa itsura niya, naka-three piece suit siya at yung buhok niya natural na ayos lang ang ginawa.. Pero natauhan ako dahil sa pagkakakunot ng noo niya.




"Anong pambihira ka diyan?!" Bulyaw ko sakanya.




"Pambihira talaga! Bakit ganyan ka kaganda?" Pambobola niya na nagpainit nanaman sa pisngi ko.. Ngumiti na siya at halos murahin nanaman ako ng dimple niya.




"Hindi na ba ako mukhang totoy sa paningin mo sweetheart kaya natutulala ka?" Nakangiting sabi niya na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ko. Itinulak ko siya at kinuha ko na ang pouch ko sa center table saka naglakad na palabas ng unit ko, narinig ko naman ang mahinang pagngisi niya.




Siya na ang naglock ng pintuan ng unit ko, maging ang isang susi ko kinuha na niya kanina sa ibabaw ng ref.





Nakasakay na kami sa kotse niya, amoy na amoy ko yung pabango niya..amoy gwapo talaga. Chos, may ganung pabango pala.




"Nga pala sweetheart, pagkatapos ng kasal sama ka saakin." Anyaya niya, napatingin ako sakanya na tutok na tutok ang mata sa kalsada.




"Saan naman?" Tanong ko sakanya, lumingon siya sandali saakin at hinawakan ang kamay ko.




"Mamaya sweetheart." Ngiting ngiting sabi niya, ang sarap tusukin nung dimple niya!




Pagkadating na pagkadating namin sa Loreland Resort kung saan ikakasal si ang kapatid ko, nandun na rin sila Mama.. Pinakilala ko naman si Drake sakanila na halata namang ikinatuwa ng loko..





Nagsasayaw na ngayon sa gitna yung mag asawa at halatang inlove na inlove sila sa isa't isa. Napapangiti nalang ako, ano bang pumasok sa isip ko at inagaw ko yan noon sa kapatid ko? Aminado naman akong naiinggit ako sakanya noon, pero mas masarap palang panoorin na masaya sila.




"Ngiting ngiti ka ah? Hindi ka ba naiinggit sakanila?" Napalingon ako ng may tumabi saakin, si Tom. Napatawa ako.




"Oo na, naiinggit na." Bulong ko saka ibinalik ang tingin sa dalawa.




"Masaya ako para kay Kei." Bulong niya, tinignan ko ulit siya at nakita ko ang pagkagusto niya kay Kei.




"Mahal mo pa rin siya noh?" Pang aasar ko..ngumisi naman siya at tinagpo ang mata ko, sobrang amo ng mga mata niya.




"Ganun ba ako kahalata?" Natatawang tanong niya, tumango tango ako.




"Siguro nga mahal ko pa rin siya, pero handa naman akong magmove on para maging masaya na rin.. Saka isa pa nandiyan ka naman." Natatawang sabi niya! Hinampas ko siya sa braso niya!




"Grabe, ang kapal ng mukha mo ha? At ginawa mo pa akong panakip butas!!" Sigaw ko sakanya.




"Hahaha! Hindi naman Marie, but I'm planning to date you..as a friend? Pero malay mo tayo pala talaga." Natatawang aniya.




"Yuck Tom Andres."




"Haha, pero seryoso Marie, let's be friends..sa itsura mo kasi parang wala kang kaibigan." Pang aasar niya! Grabe! Ano bang itsura ko at mukhang wala akong kaibigan? Ghad! Fyi alam kong hindi ako pangit, sigurado ako dun noh!




"Seriously?!" Sigaw ko!




"Hahaha. Don't get me wrong, masungit ka kasi kaya mukhang wala kang kaibigan.. But I'm willing to be your first friend." Aniya, naningkit ang mata ko saka pinagtaasan ko siya ng kilay!




"Hoy Tom Andres! Meron akong kaibigan pero pili lang! Baka hindi ka pumasa sa listahan ko bilang kaibigan ko?" Pagsusungit ko sakanya! Oo iilan lang ang kaibigan ko pero sinisigurado ko namang totoo sila. Saka isa pa minsan kapag sobrang dami mong kaibigan nagkakainggitan lang yung iba na nauuwi sa plastikan, yun pa naman ang ayoko sa lahat! PLASTIK!




Humalakhak siya bago nagsalita pang ulit. "Osige, ibigay mo saakin yang listahan na yan, para pumasa ako bilang kaibigan mo." Nakangising sabi niya.




"Hindi na akong mag aabalang ibigay sayo dahil alam ko namang hindi ka papasa." Sabi ko saka inirapan ko na siya.




"Sungit mo. Palibasa kasi wala kang boyfriend." Natatawang pang aasar niya.




"Wow ha! Nagsalita ang may girlfriend!" Sigaw ko sakanya ng hindi siya hinaharap!




"Kung gugustuhin ko naman pwedeng pwede akong humila ng babae diyan para maging girlfriend." Pagyayabang niya na naging dahilan ng pagpantig ng tenga ko. Lingid naman siguro sa kaalaman ng marami na galit ako sa mga lalaking manloloko, kung maaari nga sana pinatay ko na ang mga manloloko at ititira ko ang mga matitinong lalaki.




Humarap ako sakanya at laking gulat niya ng sampalin ko siya. Hinawakan niya ang kanang pisngi niya at mariin akong tinitigan sa mata.




"Para saan yon?!" Nakakunot noong tanong niya! Nginisian ko siya.




"Hulaan mo." Sabi ko saka tumayo na at naglakad palayo sakanya, nasaan na ba yung Drake na yon! Nagpaalam lang na kukuha ng drinks nawala na!




"Marie!!" Sigaw ni Tom Andres! Hindi ko siya pinansin pero nagulat ako ng hilahin niya ako sa braso ko at hinarap sakanya.




"Pwede ba bitawan mo ako." Naiinis na sabi ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa braso ko to the point na nasasaktan na ako! Tinitigan niya akong mabuti.




"Para saan yon?" Galit na tanong niya.




"Ano ba nasasaktan ako!!" Sigaw ko at pilit kong hinihila ang braso ko!




"Marie!" Pagbabanta niya! Magsasalita na sana ako pero laking gulat ko ng bigla siyang tumumba sa damuhan!




"Pambihira talaga yang ganda mo Kei Marie, sandali lang akong tumalikod may gagong asungot na kaagad na nakabuntot sayo." Matigas na sabi ni Drake saka hinila ang kamay ko at naglakad kami papuntang parking lot.



_____



DRAKE'S P.O.V




"Juice? Gusto mo ba ng juice? Baka nauuhaw ka na?" Tanong ko kay Kei Marie na kanina pa ngiting ngiti na pinapanood yung pinsang kuno ko at kapatid niya. Maski naman ako napapangiti eh, iniisip ko kami ni Kei Marie yung kinasal tapos magkakaroon kami ng sampung anak, ah hindi mga dose ayos na saakin yon. Hahaha, pero syempre biro lang yung doseng anak, baka mamaya bugbugin pa ako ng sampal at hampas nitong sweetheart ko, okay na saakin ang tatlong anak, pero bago yon kailangan ko munang tapusin ang pag aaral ko dahil baka kay Mama ako makakuha ng suntok at sampal. Psh, hindi ko nga alam kung bakit ang tibo magkikilos at magsalita ng Mama ko eh, pero ayos lang astig nga eh.




"Sige," Matipid na sagot niya, sandali ko siyang inakbayan at hinaplos ang kabilang balikat niya bago ako tumayo. Napaka-attractive talaga niya sa paningin ko tsk. Tinamaan na nga ako ng lintek simula nung gabing tinuruan niya akong humalik.




Nung una akala ko kagaguhan lang na parang biglang may nagkarera sa puso ko, pero nung umalis na ako papuntang Japan para akong sira ulo na isip ng isip sakanya. Akala ko din noon makukuha sa halik ng ibang babae, pero habang tumatagal hinahanap hanap ko talaga yung labi niya. Kaya naman nung nakita ko siya sa Boracay matinding saya yung naramdaman ko, at nung mahalikan ko ulit siya pakiramdam ko nakumpleto nanaman ako. Takte ang korny talaga ng pag ibig pero masarap sa pakiramdam.




Nakangiti akong kumuha ng champagne at juice sa waiter pero natigilan ako ng matapunan ako ng juice ng isang babae kaya naman maging yung kinuha kong inumin eh nabitawan ko na!




"Ohh..I'm sorry! Hindi ko sinasadya! Sorry talaga!" Natatarantang sabi niya saka akmang pupunasan ang suit ko, hanggang balikat ko lang siya at kaharap ko siya ngayon. Tumalikod siya sandali para ipatong yung baso sa isang mesa at saka pinunasan ulit ang damit ko.



"Tsk." Badtrip.



"Sorry talaga! Nakatalikod kasi ako kanina! Pa-pag harap ko hindi kita napansin, ang..ang tangkad mo kasi masyado.." Natatawang sabi niya, medyo nagiging pamilyar na sa pandinig ko yung boses niya, pero lakompake, dahil mas lalong kumakalat yung pinunasan niya sa damit ko paano nalang kapag nakita ni Kei Marie 'to baka mamaya mandiri pa yon. Langya talagang kamalasan 'to.




"Psh, tama na Miss..hayaan mo na yan, lalo lang kumakalat eh." Sabi ko saka inilayo ko yung kamay niya saakin, tumingala siya at napakunot ang noo ko ng makilala ko siya.




"Sorry talaga Kuya, hindi ko sinasadya." Paumanhin niya, ngumisi ako.




"Ayos lang. Sanay naman ako eh, hindi sinasadya." Sabi ko, hindi sinasadya, yan ang sinabi niya saakin noon, hindi niya sinasadyang masaktan ako pero yung tipong hindi niya sinasadya ang naging dahilan ng pagkamuhi ko sakanya.




"A-ano?" Nauutal na tanong niya, magsasalita na sana ako pero biglang sumigaw si Cassandra, kapatid niya.




"Ate Misha! Nagkita na pala kayo ni Kuya Drake! Grabe noh? Ang laki ng ipinagbago niya, hindi ko pa nga siya makikilala kung hindi sila pumunta nila Tita Aira sa bahay natin.." Litanya ni Cassandra, ah oo nagpunta kami sakanila nung nakaraan pero wala 'tong isa na 'to, sabagay wala naman akong pakialam kahit pa nandun o wala siya.




"Drake.." Bulong niya, ngumiti ako.



"Kumusta? Long time no see ah?" Walang ganang sabi ko, hindi naman siya nakapag salita. Psh, kung dati ako 'tong parang tangang tulalang tulala sakanya ngayon siya naman yung natulala.




"Psh, maiwan ko muna kayo ladies, may naghihintay pa saakin." Paalam ko.




"Uyy, si Kuya Drake may jowabells na!" Humahalakhak na sabi ni Cassandra, napailing nalang ako.




"Balita ko Kuya matinik ka sa chicks ah! Ang dami dami mo daw babae sa Japan!" Napangisi nalang ako saka ginulo gulo ko ang buhok niya.




"Noon yon Cassandra, iba na ngayon. Nakita ko na kasi yung babaeng para saakin, kaya kailangang magtino.. Sige na, diyan na kayo..Misha." Sabi ko saka tinanguan ko silang dalawa at tumalikod na.




Humugot ako ng isang malalim na hininga at napailing iling ako, nandun pa rin yung galit ko sakanya, pero yung pagmamahal nawala na talaga.. Kasi kung mahal ko pa siya edi sana nagwala kaagad yung puso ko ng makita ko siya, wala..umapaw lang yung galit. Psh.




Naglalakad na ako ng matanaw kong nakikipaghilahan si Kei Marie dun sa gagong Santos! Kaagad akong tumakbo at sinuntok siya!




"Pambihira talaga yang ganda mo Kei Marie, sandali lang akong tumalikod may gagong asungot na kaagad na nakabuntot sayo." Mariin na sabi ko saka hinila ko na siya palayo don sa gunggong!



____



MARIE'S P.O.V




Nagpaalam na muna ako sa kakambal ko, mabuti nalang at tapos na rin yung buong kasal.




Bumalik na rin kaagad ako sa parking lot kung saan naghihintay si Drake, kaagad niya akong pinagbuksan ng pintuan at inalalayang makasakay. Kanina pa siya tahimik pero kapag nagtatanong ako masayang sinasagot naman niya iyon.




Pinaandar na niya ang engine ng sasakyan niya at maingat na nagmaneho.




"Saan ba tayo pupunta?" Pag uusisa ko, ngumiti siya.



"Ang una nating pupuntahan ay....simbahan kung saan tayo ikakasal balang araw. Saka para mapatunayan ko na rin na seryoso ako sayo."

****

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!