Chapter 35: Sorry

1.3K 16 3

Kailley's Pov

Iminulat ko ang mata ko sa pag-asang may Nathan na bubungad sa harapan ko pero wala. Di pa rin maalis sa isipan ko ang ginawa niya kahapon na pagsigaw sa akin sa bookstore.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang galit sakin ni Nathan. Nasasaktan ako! Nasasaktan ako sa inaakto niya sakin. Ilang araw na niya akong pinakikitunguhan na parang iba akong tao. Ang sakit sobra.

Naramdaman ko na may tumutulong luha na pala sa mukha ko. Pagdating talaga kay Nathan ang dali kong umiyak. Siguro ganon talaga kapag mahal mo ang isang tao, madali kang madala sa emosyon.

Naalala ko na maaga pala ang pasok ko kaya bumangon na ako para gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para kumain ngunit si Nathan ang nadatnan ko imbis na si Manang Linda. Siguro umuwi na siya. Hayst nag alala pa tuloy si Manang Linda sakin.

May nakahain ng mga pagkain sa dining table at seryoso ang mukha ni Nathan na nakaupo sa harap ng pagkainan. Naramdaman niyang papalapit ako kaya napatingin siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya kaya ako na ang unang umiwas.

"Sit there and eat" sabi niya at itunuro ang upuang nasa harap niya habang nakatingin sa akin. Tinignan ko siya at nakita ko ang seryoso pa rin niyang mukha. Naiilang akong umupo sa harap niya. Nagsimula na siyang sumandok ng kanin pero nagulat ako sa ginawa niya. Nilagay niya ang sinandok niyang kanin sa plato ko at sunod naman ang ulam.

"A-ako na Nathan. Kaya ko naman" nauutal na sabi ko at kinuha ko ang sandok mula sa kamay niya. Nagkalapat ang aming kamay at naramdaman ko ang boltaheng kuryenteng dumadaloy sa pagitan ng mga kamay namin kaya nabitawan ko ang sandok at naglikha ito ng malakas na ingay.

"You okay?" may bahid na pag-aalala ang boses niya.

"Y-yes I'm o-okay" nauutal kong sabi. Hindi ko alam nung bakit nanginginig ang kamay ko ngayon.

"Shit" narinig ko ang murang iyon mula kay Nathan.

"Why are you trembling Kailley? Shit" naramdaman ko na lang na hindi ako nakatayo at nakakulong ako sa mga bisig niya. Ang higpit ng yakap niya sa akin.

"Okay lang ako Nathan, wag kang mag-alala" di pa rin niya inaalis ang pagkayakap niya sa akin. But I love this feeling. Feeling safe and secured with his embrace.

"Mag-alala? Its natural 'coz you're my wife Kailley"

'coz you're my wife Kailley

'coz you're my wife Kailley

'coz you're my wife Kailley

Ang sarap pakinggan ang sinabi niyang iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, waring kabayong nakikipagkarerahan.

"W-wife?" tanong ko sa mahinang boses. Itinaas niya ang baba ko upang matignan niyang mabuti ang mga mata ko. Iba na ngayon ang nakikita ko mula sa mga mata niya, mga matang puno ng pag-aalala at pagmamahal hindi tulad ng tingin niya sa akin nitong mga nakaraang araw.

Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa mukha ko. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Shhh, don't cry Kailley. I'm so sorry for these past few days. I'm just... I'm just...scared" takot? Takot saan?

"S-scared?" kunot noo kong tanong sa kanya. Bakit naman siya matatakot?

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.

My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!