CH - 1

24.1K 261 85
                                    

Jason's POV


''Jason! Baby!''


''Darling!!''


''Mahal!''



Hindi ko mapigilan ang mapakamot ang ulo habang pinipili kung kanino ang kukunin kong chocolates sa mga babaeng na nag aabot saaking ng mga ginawa at binilang chocolates kahit na ayoko 'man kunin ay nakokonsenya ako kaya naman kinuha ko naman.





''Ops! Ops! Ladies and Gays! Tama na ang pag papapansin n'yo sa irog ko!'' kahit paano ay naka hinga ako ng maluwag biglang sumulpot si Rosercl sa kung saan at mabilis naman akong nilayo sa mga babae at mga nagkukunwaring babae.





''Hoy! Bata! Sino ka sa tingin mo para kunin saamin ang aming prinsepe?!'' tanong ng isang bakla kay Rosercl pipigilan ko sana si Rosercl na makipag laban pero matapang pala ang babaeng ito kaya naman hinayaan ko na lang s'ya.





''SINO AKO?! Ako lang naman ang babaeng may matres! At nakakabuntis! Hindi mo katulad! At hindi na ako bata! Dapat magpasalamat pa nga kayo saakin dahil ako ang nagbubuhos ng katangakaran sa inyo noong gabing gising kayo nakalimutan ko lang magtira sa sarili ko dahil ganoon ako kabait!'' pa-irap na sagot ni Rosercl at agad na hinila ako pa pasok sa loob ng Thunder Magazine Building.





''Irog ko namiss kita as in pakiss nga---'' bago pa maidikit ni Rosercl ang nguso n'ya saakin ay s'ya namang pag dating ni Ana at tinulak pa si Rosercl.






''Hi Honey ko!'' bati saakin ni Ana agad naman akong ngumiti. ''Hello.'' Narinig ko naman ang pag imipit na tili ni Ana pero agad 'din naglaho ang impit ng pag tili n'ya dahil tinulak s'ya ni Rosercl.






''Pwede aking lang si Irog ko chupi!'' pagtataboy ni Rosercl kay Ana at kumapit sa kabilang kamay ko.






''Akin si Jason!'' matapang naman na sabi ni Ana nag palitan sila ng matalim ng tingin at hindi ko naman alam ang gagawin ko ng mag simula na silang pag agawan ako habang hinihila nila ang magkabilang kamay ko.

TBS : 7 ( Jason Montage )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon