TAL. 17 -- Go With The Flow

UNEDITED!

I'm fcking bored! Pinindot ko ng mariin at nang sunod-sunod ang remote control ng TV. May kalahating oras na akong nakatunganga sa harapan nito pero hanggang ngayon wala pa rin akong makita na makakakuha ng atensyon ko.

Letseng buhay naman talaga! Ibinato ko na lang ang remote at padabog na tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Linggong-linggo pero nakatengga ako rito sa bahay. Loner Cassandra is back!

Kahit sina Chanel o Gino o kahit si Yuan hindi ako tinatawagan para kamustahin kung buhay pa ba ako o nagpatiwakal na ako dala ng pangungulila sa asawa. Wala na naman bang nagmamahal sa akin?

Imbis na mas atakihin ng depression ay naisipan ko na lang lumabas at maglakad-lakad sa compound nitong condo building. Mas mabuti na ito kaysa magmukmok. Wala naman ako sa mood na gumawa ng trabaho sa opisina dahil ngayon na nga lamang ako makakahinga mula sa nakakapagod at stressful na buong linggo.

Bitbit ang isang libro ay bumaba na sya ng building. May maliit na parke sa bandang likuran ng twin tower building na ito, at doon maari na siguro akong makapag-relax. Ganoon pa rin naman ang tanawin na bumungad sa kaniya. Karaniwan ng ganito ang makikita kapag araw ng linggo. Maraming batang naglalaro, mga teenagers na kasama ang kani-kanilang barkada, at may ilan din na katulad ko na nag-iisa at ang tanging asam lamang ay ang makapag-relax kahit papaano.

Pinili kong maupo sa isang upuan na tanaw mula rito ang playground, at ang isang swimming pool sa hindi kalayuan. Akmang bubuklatin na nya sana ang dalang libro ng maagaw ang atensyon nya. Sa bandang kanan ko, nakaupo rin ang isang babae na marahil ay kaedad ko lang din. Hindi ko maisip kung taga rito din ba sya sa building kung saan kami nakatira, o baka sa katabing building. Sabagay, hindi ko naman talaga kadalasan pinagturuunan ng pansin ang mga ganitong bagay. I was always busy and in a hurry. Ngayon nga lang ako napadpad sa lugar na ito. Every Sunday naman kasi noon, may kasama ako. Kung hindi si Chanel ay si Daryl naman ang kasama ko.

Sa kakatingin ko sa babae, marahil naramdaman nyang may nakatingin sa kanya kaya nagpalinga-linga ito. Bago ko pa maiiwas ang tingin ko sa kanya ay napatingin na din sya sa akin. Isang ngiti ang ibinigay nya sa akin. May kung ilang sandali pa akong nagdalawang isip kung ngingitian ko rin sya hanggang sa binigyan ko na lang din sya ng isang tipid na ngiti. Aaminin ko na maganda sya. Simpleng ganda, 'yung tipong housewife talaga. Walang bahid ng kolorete ang mukha nya, nakalugay ang itim na itim na buhok nya, at naka bestida sya ng medyo may kaluwagan.

Kung pagtatabihin kami, makikitang malaking-malaki ang pagkakaiba namin. Ako nga na sa park lang ang punta, naka short shorts, white racerback, blush on, mascara, at messy bun ang buhok. Well, kanya-kanyang trip lang din siguro 'yan.

Binuklat ko na ang librong hawak ko at nagsimula ng magbasa. Pilit kong itinutuon ang atensyon ko sa binabasa ko at winawaglit ang mga matitinis na mga tawanan, sigawan ng mga naglalarong mga bata sa playground.

"Hi," mabilis na napataas ang tingin ko ng may marinig akong isang malamyos na boses. At nakatayo na pala sa harapan ko ang babaeng nakangitian ko kanina lamang. "I'm Kelly, bagong lipat lang kami ng asawa ko rito." muli na naman nya akong nginitian kaya parang feeling ko ang awkward naman.

"H-hello," ganting bati ko na lang din. Napatingin ako sa nakalahad nyang palad at inabot ito. "Cassandra. Upo ka." bahagya akong umusog ng pagkakaupo upang mabigyan sya ng espasyo.

"Matagal na ba rito?" tanong nya ng makaupo. Ngayong malapit na sya sa akin, mas natitigan ko sya ng husto. Lalo na ang bandang tyan nya na may kaumbukan pala. Akala ko kanina kaya medyo luwag ang suot nya ay dahil nakaupo lang sya, 'yun pala ay maluwag talaga dahil buntis sya although hindi pa naman ganoon kalaki ang tyan nya. Kung may ilang buwan na ang nasa sinapupunan nya? Hindi ko alam. Malay ko ba naman sa pagbubuntis na 'yan 'no.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!