Kabanata 12

195K 2.7K 251






--- Antawa ko nanaman sa inyo! Bakit may Team ToMa daw! Hahaha! Tom + Marie = ToMa! Hahaha! Kayo na talaga, kanino ka? DraMa? o ToMa? Hahaha! Basa na nga kayo, salamat po! ;)



Kabanata 12




Nanatili akong nakanganga sakanilang dalawa.




"Mukhang wrong timing ka pare, napag usapan nanamin ni Kei Marie na magdidinner kami ngayon.." Kalmadong sabi ni Drake.




Umiling iling si Tom.




"Mahigit dalawang oras na akong naghihintay dito sa unit niya pre.. Kaya kami ang magdidinner ngayon." Pagmamatigas naman ni Tom.




Nagpabalik balik ang tingin ko sakanilang dalawa!




"Tapos na kayo?!!" Hiyaw ko sakanilang dalawa, napatingin naman saakin si Drake.




"Sweetheart..hindi ba usapan nanatin 'to? Bakit ka nagseset ng dinner sa serial killer na katulad niya?" Paghihimutok niya, napapatawa nanaman ako pero pinipigilan ko.





"Ganito nalang..sabay sabay nalang tayo magdidinner." Suhestiyon ko, sandali silang natigilan na dalawa.




"Alright. Kotse ko ang gagamitin." Sabay na sabi nila, yung totoo? Iisa ang utak nila?!





"Wala! Walang gagamitin na kotse! Magtataxi tayo!" Hiyaw ko saka lumabas na ako ng unit ko, narinig kong sumunod naman silang dalawa saakin.





Kaagad akong pumara ng taxi! Itinulak ni Tom si Drake sa loob ng taxi at sumunod siyang sumakay.





"Sakay ka na Marie." Nakangiting sabi ni Tom, nanlaki ang mata ko!




"Para yatang gaguhan yan pre!" Narinig kong sigaw ni Drake sa loob! Nagbangayan pa silang dalawa sa loob! Sa sobrang inis ko tinalpak ko yung pinto at sa front seat ako sumakay!





"Kei Marie! Bakit diyan ka sumakay?! Delikado diyan! Hindi ako yung driver!" Sigaw ni Drake.





"H'wag kang mag alala hijo, maingat akong magmaneho." Natatawang sabi ni Manong driver, tinapik tapik naman ni Drake ang balikat ni Manong.




"Ingat Manong, ayokong masaktan kahit dulo ng daliri niyang sweetheart ko. Mahirap na baka pumalya pa ako." Seryosong sabi ni Drake.





Tahimik na kami buong biyahe, sumusulyap sulyap ako sa rear mirror at napapatawa ako sa tuwing nag-gigitgitan sila ng balikat. Lord, hindi ko naman hiniling na palibutan ako ng dalawang gwapo, pero thank you na rin. Hehe.





"Manong diyan nalang po kami sa tabi.." Sabi ko, akmang mag uunahan nanaman yung dalawa sa pagbabayad kay Manong driver kaya naman inunahan ko na sila! Napapailing naman yung driver sakanila at natatawa.





"Haba ng buhok niyo Ma'am.. Itali niyo naman po." Natatawang sabi ng driver saakin! Pakiramdam ko na namula ang mukha ko!




"Keep the change Manong!" Sabi ko, bumaba na yung dalawang makulit sa likod.





"Payo lang ma'am piliin niyo yung taong mahal na mahal ka.. Para sigurado kayong hindi ka masasaktan. Ang ganda niyo pa naman Ma'am, yang mga ganyang itsura hindi dapat sinasaktan." Nakangiting sabi ni Manong, napanganga naman ako.. Pero kaagad ako ngumiti at nagpaalam na sa driver saka bumaba na!





Pumasok na kami sa loob ng restaurant, pinagtabi ko silang dalawa sa upuan at sa harapan naman nila ako. Umorder na kami ng pagkain namin, ganun pa rin silang dalawa parang mga batang nag-aagawan pati sa pagkain!





"Tss.. Nauna ko." Sabi ni Tom habang nakatusok ang tinidor dun sa malaking liempo.




Nagulat ako ng ngumisi si Drake ng nakakaloko, hinampas niya yung kamay ni Tom gamit ang kutsara niya at mabilis na kinuha yung liempo.




Tahimik na kaming kumain.




"Nga pala pupunta ka ba sa kasal ni Kei?" Tanong ni Tom saakin, oo nga pala sa isang araw na ang kasal nila Kyle at secret wedding ang plano ng loko para kambal ko.




"Naman. Hindi ako pwedeng mawala sa pinakamasayang araw ng kapatid ko.." Sabi ko.




"May date ka na ba?" Tanong ni Tom, napatingin ako kay Drake na tahimik lang na nakikinig saamin, pero pansin ko ang pagtiim ng panga niya. Siya na kasi ang kasama ko sa kasal.




"Oo." Matipid na sagot ko, napatingin naman si Tom kay Drake, maya maya lang nagring ang phone ni Tom kaagad niyang sinagot iyon.




"Hello? Tammie? Ano? Pinainom mo ba ng gamot si Mama?" Tanong nito.. Napakunot ang noo niya..




"O sige na pauwi na ako.. Bye."





"Uhm, I have to go, hina-high blood daw ang Mama ko. By the way, see you sa kasal." Aniya saka tumayo na at umalis na..




Tinignan ko si Drake na kumakain pa rin. Iniiwasan niya ang mata ko kaya naman binato ko siya ng tissue! Tumingin siya saakin, sobrang lalim talaga ng mga titig niya palagi. Huminga siya ng malalim.




"Akala ko kanina ang isasagot mo wala kang date.. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot Kei Marie." Aniya, sobrang seryoso ng boses niya kaya naman hindi ko maiwasan ang mapalunok.





"Na-narinig mo naman diba? Sinabi kong meron.."




"Thank you." Bulong niya saka uminom ng tubig, pero halata pa rin sa mukha niya na hindi siya mapakali.




"May problema pa ba Drake?" Tanong ko, nasanay na ako na palaging tinatanong sakanya kung may problema kami sa tuwing iniiwasan niya ang mata ko, ganun kasi siya eh, kapag may hindi siya masabi saakin iwas siya ng iwas.




"Kanina..sabi niya..dalawang oras ka niyang hinihintay sa unit mo, paano siya nakapasok? May susi ba siya?" Desperadong tanong niya, tinignan ko siyang mabuti.. Ano ba kami? Hindi ba manliligaw ko palang siya? Pero bakit ang dami niyang kinukwestiyon saakin? Nanliligaw palang siya pero bakit ganyan na siya kung umasta?




"Ano ba tayo Drake?" Hindi ko na napigilan magtanong.. Napaawang ang bibig niya sa tanong ko, pero kaagad din siyang nakabawi.





"I'm sorry.. Natatakot lang akong maagaw ka ng iba." Aniya na naging dahilan para ako naman ang matulala sa sinabi niya.




"Pero sa tingin mo ba papayag ako na mangyari yon?" Seryosong tanong niya, hindi na talaga siya ang totoy na Drake na nakilala ko noon.. Lalong lalo na ng ituloy niya ang sinasabi niya.





"Hindi Kei Marie, dahil kahit marami man akong kaagaw sayo, pinapangako ko naman na mamahalin kita hanggang sa sumuko na sila."




_____




Hindi ako pinatulog ng mga linya ni Drake, hindi naman ako ganito noon kay Leo, pero bakit ang lakas ng tama saakin ng mga binibitawan niyang salita?




Hindi ako inlove sakanya..hindi talaga, hindi lang talaga ako makatulog. Yun lang yon!




"Ghad..ang laki laki ng eye bags ko." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Mamaya na ang kasal ng kapatid ko, magmumukha akong kwago mamaya!





Tumingin ako sa wall clock. Alas diyes palang naman ng umaga, makatulog nalang muna.. Pero wala akong ginawa sa kama kundi ang umikot ng umikot, mukha na akong suman dahil sa pagkakaikot ko sa blanket ko. Ipinikit ko ang mata ko.




•••"Hindi Kei Marie, dahil kahit marami man akong kaagaw sayo, pinapangako ko naman na mamahalin kita hanggang sa sumuko na sila." •••




Bigla kong iminulat ang mata ko ng mag echo ang boses niya sa utak ko! Sinampal sampal ko ang sarili ko! Tumayo nalang ako at dumiretso sa kusina ko, naghanap nalang ako ng makakain.




"Banana Chips.." Bulong ko, parang ang sarap ng banana chips! Naalala ko dinalan ako ni Papa nung nakaraan, hindi ko pa nauubos. Kinuha ko yon sa ref at tumungo ako sa sala para manood nalang ng tv, palabas sa cinema one yung one more chance, my all time favorite. Wagas lang umiyak si John Lloyd diyan nakakaloka. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng banana chips ko ng may nagdoor bell!




Bigla akong kinabahan! Sinilip ko muna sa butas kung sino yon, at napalunok ako ng makita ko si Drake. Nagdoor bell ulit siya, marahan kong binuksan ang pinto, naka-black shirt siya saka pants, dala dala din niya yung susuotin niya mamaya sa kasal.




"May sakit ka ba?" Biglang tanong niya saka diretsong pumasok sa unit ko, maayos niyang inilatag sa sandalan ng couch yung damit niya saka lumapit saakin at hinawakan ang noo ko.




"Wala ka namang sakit..Bakit hindi mo ako sinigawan pagka bukas mo ng pinto?" Aniya saka hinila yung hawak kong banana chips saka kumain siya!




"Hoy!! Saakin yan!" Sigaw ko sakanya! Itinalpak ko yung pintuan saka tumabi ako sakanya sa couch sabay inagaw ko yung banana chips!




"Damot, penge.. Paborito ko yan." Sabi niya saka kumuha ulit! Tinignan ko lang siya, hindi nanaman siya makatingin saakin.




"Bakit hindi mo ako matignan?" Tanong ko sakanya.




"May problema tayo Kei Marie.." Nanaman?!!




"A-ano nanaman ba?!" Sigaw ko sakanya!




"Wala kang bra." Seryosong sabi niya habang tutok na tutok ang mata sa tv! Nag init ang mukha ko at nanlaki ang mata ko! Napatingin ako sa suot ko! Nighties na hanggang kalahati lang ng hita ko! At napansin kong bakat na bakat nga ang dibdib ko! Hinampas ko ang mukha niya at hinila ko yung unan sa kabilang couch saka tinakpan ang dibdib ko!




"Makahampas lang sweetheart? Sa susunod nga, bago ka magbukas ng pintuan i-check mo yang suot mo." Aniya saka tuluyan ng inagaw saakin yung banana chips.




"Hindi ko alam kung saan ka pinaglihi ng mama mo. Pero sobrang attractive mo sa mata ko. Magpalit ka na ng damit sweetheart, baka mamaya hindi mo namamalayan wala ka ng suot.." Ngumingising sabi niya! Napakabastos talaga!




"Ang bastos mo Drake!!" Sigaw ko sakanya.




"Palit na sweetheart..baka gusto mong ako pa ang magpalit sayo?" Napanganga ako!




"Isa sweetheart.." Bulong niya, napansin kong humugot siya ng malalim na hininga, na para bang nahihirapan siya.




"Dalawa!" Sigaw niya! Mabilis akong tumayo!




"Tatlo!!" At laking gulat ko ng hilahin niya ang hawak kong unan na nakatakip sa dibdib ko! Napapikit ako ng tumayo siya at naramdaman ko nalang na may sinuot siya saakin! Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at napanganga ako ng tumambad saakin ang hubad na katawan niya! Ang laki...ng abs niya. Bakit ganito?!! Sht! Sht! Kainis! Bakit ba ang hot niya?!




"Kumusta katawan ko sweetheart? Hindi na ba baby fats?" Nakangising aniya! Natauhan ako! Pero wala pa ring lumalabas na salita sa bibig ko! Umuurong ang dila ko dahil sa mala-adonis na Drake Cortezano!




At halos mamula ang mukha ko ng magsalita nanaman siya!




"Ikaw kasi sweetheart, ayaw mo pang magpalit ng damit. Ako nalang ang maghuhubad kesa ikaw. Baka mamaya hindi na banana chips ang maging paborito ko."


*****

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!