Chapter 21

//

ALISHA'S POV 

Hindi ko alam ang irereact ko ng makita kong hawakan siya sa braso ni Allyssa. May pasundo sundo pang nalalaman yung babaeng 'yun. Nakakainis. Pumunta na lang tuloy ako kay Chris. Parang maiiyak lang ako kung magsstay ako sa tabi nila. Akala ko ba kami? Ang sakit lang talaga.

" Chris. " sabi ko. 

" Bakit? " tanong naman niya sakin.

" Pwede bang ihatid mo ako sa bahay? " tanong ko habang pinipigil na tumulo ang ang mga luha. Mamaya kana tumulo. Wag lang ngayon. Ayokong makita ni Allyssa na nagseselos ako.  

" Adyan naman boyfriend diba? Sa kaniya ka magpahatid. "  

" Sige nga. Paano ako magpapahatid kay Daniel kung may sumusundo na sa kanyang iba? " sabi ko naman. 

" Hay nako. Oo na nga" pagbubuntong hininga niya, " Buti pa ko ihahatid ka, kaysa naman sa boyfriend mong walang kwenta. " naiinis na sabi ni Chris.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Inihatid naman niya ako.

Nag makarating kami sa bahay, " Chris, walang tao sa bahay. Pwede bang samahan mo muna ko? " tanong ko.

" Sige. " bakit ba parang ang tipid niya sumagot? 

" Chris. Bakit ba ganun si Daniel? " sabi ko ng makaupo na kami sa may sofa.

" Aba, malay ko. Kung ako na lang kasi pinipili mo. " sagot naman niya. Hinampas ko tuloy siya ng unan. Talagang gusto niya na siya talaga ang piliin ko nuh? Kaso hindi pwede, si Daniel ang mahal ko.

" Aray! " sabi naman niya habang hawak hawak ang braso niya.

" Masakit ? " agad ko namang tanong. Ang hina lang kaya nung hampas ko sa kaniya. OA lang talaga siya.

" Ay! Hindi masakit. Gusto mo i-try ko sayo? " sagot niya. 

" Chris naman. " sabi ko. 

Biglang narinig namin ang pagbukas ng gate at sinundan naman ito ng pagkatok sa pinto.

Sino naman kaya ang kumakatok?

" Ako na magbubukas. " sabi ni Chris. Tumayo agad siya at lumapit sa pinto.

Nang mabuksan niya ang pinto, " Chris? Bakit ka nandito? " gulat na gulat na sabi ni Daniel.

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!