His Personal Slave - 15.

Magsimula sa umpisa

Hayy. Ano ba yan... bigla ba naman kasing humiga sa braso ko... parang naka-lean lang naman. Yung mukha niya nasa may leeg ko. Ramdam ko yung hininga niya. Aish... naalala ko tuloy yung kahapon...

WAAAAAAAAA ERASE ERASE! >___<

"DJ... isa! Umayos ka ng upo mo sa couch. Dali na... di ka tatayo? FINE!" Inangat ko yung ulo niya at tinulak sa may armchair ng couch na kinauupuan namin.

Aba... no response? Okay lang sa kanya na matulak? 

"Kath..." sabi niya ng nakapikit. Bakit ganun yung boses niya... ang... ang husky ng dating. 

Husky? No way! Pero... teka... bakit ba parang ang lamya niya? Alam ko may ubo siya... pero di kaya?

Naglean ako ng onti at nilagay ang palad ko sa noo niya.

Oh no... may lagnat siya!

"DJ... may lagnat ka." dumilat siya saka tinaasan ako ng kilay.

"Eh ano naman?!" tss sungit.

"Wala... nagkakalagnat pala ang isang katulad mo." sabay tawa ko.

"Ewan ko sayo." saka siya pumikit uli. Pikon?

"DJ... DJ gumising ka muna! Wag kang matutulog..." 

"Hmm?"

Argh di makausap ng matino. Magtimpi ka Kath... may sakit yung tao!

"DJ upo ka na muna. Uhm, wag ka muna matutulog please. May lagnat ka kasi."

"Di *cough* ako... makatayo."

"Ganun ba? Sige sandali lang." tumayo ako at lumapit sa kanya. Gamit ang lakas ko, inayos ko ang pwesto niya ng nakaupo sa couch. Malaki naman ang couch niya kaya kasya siya.

"Wag kang tumakas slave!" ang ingay naman neto. Nahanap ko yung thermometer at ginamit yun para masukat yung body temperature niya. Shet... 39 °C! My god.

His Personal Slave - Book 1. [Published Book]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!