Kabanata 11

184K 2.5K 114







Kabanata 11




Kauuwi ko lang galing sa pag-sho-shopping kasama ang kapatid ko. Yep, maayos na kami ng kapatid ko dahil maayos na rin sila ng jowa niya. Kung nagtataka kayo kung bakit kami naging magkaaway, katulad ng sinabi ko noon, nagpanggap ako bilang siya. Ang swerte nga niya sa jowa niya, kasi naman mahal na mahal siya, tapos parang baliw na baliw pa sakanya, nakakainggit nga eh, pero wala na yun ngayon saakin. Ang importante, masaya ang kapatid ko at best friend na din daw kami!





Mabuti na rin yon para hindi lang si babaerong Drake ang best friend ko. Napag usapan na rin namin na bibigyan ko siya ng chance. Pero huli na talaga. At kapag nagkamali pa siya, wala na talaga.





Ibinalik na rin saakin ni Mama yung mga credit cards at ipon ko. Yun nga lang hindi ko pa alam kung may babalikan pa akong trabaho, dahil unang una one month lang ang hiningi kong bakasyon, pero naging apat na buwan. May sariling condo unit na rin ako, regalo saakin ni Papa, hindi ko muna ipinaalam sa kapatid ko para minsan makatulog pa ako sa unit niya hihi, gusto ko kasing madalas makakwentuhan si Kei, yup! Kei din ang pangalan niya, kaso walang Marie.. Simpleng Kei lang.. Kung iisipin kong mabuti sobrang maayos na talaga ang pamilya namin, siguro nga hindi na magkakabalikan si Mama at Papa pero at least naging magkaibigan ulit silang dalawa.




Pagkabukas na pagkabukas ko ng kwarto ko sa unit ko! Nanlaki ang mata ko!




"Ahhhh!! Magnanakaw!!" Hiyaw ko!! Kaagad siyang napaupo sa pagkakahiga sa kama ko at binato ako ng unan!




"Magnanakaw? Mukha ba akong magnanakaw sa mata mo?" Dismayadong aniya..




"Hindi ka lang mukhang magnanakaw! Mukha kang serial killer!" Naiinis na hiyaw ko! Tumawa naman siya ng nakakaloko.




"Paano ka nakapasok dito sa unit ko?!!" Hiyaw ko sakanya! Ngumiti siya saakin at itinaas ang isang susi.




"Naiwan mo 'to sa kwarto sa Batangas.. Sinundan kita nung umuwi ka para sana isauli itong susi mo, dalawa pala 'to kaya hindi ka naghahanap.." Sabi niya saka ibinato yung susi na kaagad ko namang nasalo! May room number kasi ang susi ko, pero walang pangalan ng tower ng condo.




"Ayos pala 'tong unit mo. Mas malaki sa unit ng kakambal mo.." Aniya, tinignan ko siya ng masama.. Siguro nagtataka kayo kung sinong kausap ko ngayon. Alright, ipapakilala ko na sa inyo ang lalaking matangkad.. Moreno, matangos ang ilong, yung pilik mata niyang sobrang haba, yung labi niyang medyo makapal ng kaunti, gwapo, may kamukhang artista, may palong palong biceps, at nakakalokang abs.. Ghad Marie, hobby mo na ba talagang magdescribe ng isang lalaki?!





"Umalis ka na nga Tom Andres Santos!" Sigaw ko sakanya, sumama ang tingin niya saakin! Ngumiti ako, nainis ko nanaman siya.. Nalaman ko kasi ang totoong pangalan niya sa kakambal ko.





Nagkakilala kami nitong Tom Andres na ito nung ikinulong niya ako sa kwarto para magka-ayos na si Kyle at Kei. Pagkatapos non napapadalas na makita ko ang pagmumukha niya dahil kaibigan siya ng kambal ko, niligawan niya rin ang kapatid ko yun nga lang basted siya.




"Isang tawag mo pa saakin sa buong pangalan ko makakatikim ka saakin." Pagbabanta niya, napa-O ang bibig ko.. Makakatikim ng ano? Grabe Marie, napakahalay mo talaga.




"Uyy..h'wag mong sabihing naaakit ka sa ganda ko? Kaya naman ipinapalusot mong naaasar ka sa pagtawag tawag ko sa buong pangalan mo." Pang aasar ko sakanya.




"Hah! Maganda ka na niyan?"




"Wow.. Just wow, kaya pala na-inlove ka sa kapatid ko.." Nakataas ang isang kilay ko ng sinabi ko sakanya yon, tumayo siya at lumapit saakin.. Tumungo siya at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.. Nakakaduling.





"Kambal nga kayong dalawa. Magkamukha. Pero di hamak naman na mas malakas ang dating ni Kei." Nakangising sabi niya, aba't! Sinampal ko siya ng mahina! Saka hinila ko siya palabas ng kwarto ko!




"Uyy, tsansing na yan." Aniya habang nakatitig sa kamay kong nakahawak sa kamay niya! Nanlaki ang mata ko at mabilis ko siyang binitawan! Itinuro ko ang pintuan palabas!





"Alis!! Idedemanda kita ng trespassing kapag hindi ka pa umalis sa loob ng tatlong segundo!!" Hiyaw ko! Pero pinagtawanan niya lang ako!




"Isa!!" Sigaw ko!




Humalukipkip pa siya at tinitigan pa akong mabuti..




"Yan, sa ganyang anggulo ng pagkainis pareho kayo ng kapatid mo.. Pero mas mataray ang mukha mo.. Katakot!" Tumatawang sabi niya! Ugh!! Nakakainis!




"Dalawa!!"




"Sige lang Marie, magbilang ka pa." Aish!




"Tatlo!!" At halos mapanganga ako ng bumukas ang pintuan ng unit ko at iniluwa non si Drake na mukhang gulat na gulat sa nakita niya.. Napapunta ko na siya noon dito nung inihatid niya ako galing sa dinner namin.




"Drake.." Tawag ko sa pangalan niya.



Mariin niya akong tinitigan sa mga mata ko at ibinaling niya rin ang tingin niya kay Tom na ngayon ay hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi. Ibinalik ni Drake ang tingin saakin.




"Bakit hindi ka nag-la-lock ng pintuan? Paano nalang may pumasok ditong serial killer?" Seryosong sabi ni Drake na naging dahilan para matawa ako ng malakas!




"Hahahahaha!! Serial killer!! Sht!! Hahaha!" Grabe talaga, serial killer din ang tingin ni Drake kay Tom!




"May nakakatawa ba?" Iritadong tanong ni Tom, tumigil ako pagtawa at tinaasan ko siya ng kilay.




"Ikaw. Nakakatawa ka. Serial killer." Naiinis na sabi ko.




"Psh, paiba-iba mood. Baliw ka ba?" Natatawang sabi ni Tom.




"May baliw bang ganyang kaganda?" Napatingin ako ng magsalita ulit si Drake, in all fairness napangiti ako sa pambobola niya.. Lumapit siya saakin at sa unang pagkakataon nakangiti kong tinanggap ang halik niya sa pisngi ko. Pero napapitlag pa rin ako ng ipulupot niya ang braso niya sa bewang ko at hinarap si Tom.




"May hindi ka ba sinasabi saakin sweetheart?" Biglang tanong ni Drake.. Parang may nabuong tensyon sa loob ng unit ko..




"Ha?.. Ahhh..si Tom Andres Santos." Pakilala ko, narinig king ngumisi ng mahina si Drake, magbest friend talaga kami, ang babaw ng kaligayahan namin eh. Simpleng pangalan pinagtatawanan. Inilahad niya ang kamay niya.




"Nice name pare.. Drake Cortezano nga pala." Nakatawang pakilala niya kay Tom. Kaagad namang tinanggap ni Tom yon at halos mapanganga ako ng makita ng dalawang mata ko kung paano lumabas ang ugat sa braso nila ng magkamayan silang dalawa!




"Hep!!" Awat ko at hinila ko ang kamay ni Drake!




"Aalis ka na ba kayong dalawa?!" Tanong ko sakanila! Geez, hindi ko kering makasama silang dalawa dahil sa mga titigan nilang parang nagpapatayan!




Pero nalaglag ang panga ko ng sabay silang magsalita!




"Mag didinner tayo Kei Marie/Marie."


****

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!