Kabanata 10

202K 2.6K 72






Kabanata 10



Kinabukasan maaga akong binulabog nila Jasmin sa bahay dahil sinabi kong matagal akong mawawala! Nandito kami ngayon sa mall, nagsho-shopping at dahil last bonding na muna namin ngayon si Rica ang manlilibre! Dapat lang noh! Siya 'tong pinakamayaman saamin!




"Wait lang btch ha? Ano itong naririnig ko sa mga tauhan ni Dad na may nangharana daw sayo sa tapat ng coffee shop ko?" Usisa ni Rica, oww, I forgot, kay Rica nga pala nakapangalan yung coffee shop na yon, dun lang siya kumukuha ng mga ipinang-gagastos niya pero Daddy pa rin niya ang nag aasikaso non, spoiled kasi 'tong babae na 'to, solong anak kasi kaya ibinibigay lahat ng gusto.




"Wala yon. Isang lalaking disgrasya sa buhay ko." Walang ganang sagot ko, pero kung iisipin kong mabuti yung mga nangyari kahapon I must say na natutuwa ako. Oo na kinilig na ako kahit kaunti lang.





"Talaga btch? Pero sabi kasi nila yummy daw.." Bulong ni Rica saakin, kapag sinabi ko sakanilang si Drake yon panigurado akong magtatawanan 'tong dalawa na 'to!





"Uyy.. Yummy! Sino ba kasi yan?" Biglang singit ni Jasmin ng makarinig ng yummy!




"Wala nga."




"Marie! Nagsisekreto ka na ha!!!" Galit na sigaw ni Rica, aish, k.fine ayoko talagang nagagalit silang dalawa saakin kahit gaganyan ganyan yang mga yan mahal ko parin sila bilang btch friend.




"Si Drake lang yon ano ba kayo." Yeah, ang taas ng energy ko today.. Damang dama niyo naman diba nung banggitin ko ang pangalan niya?




"What?!! Drake Cortezano?!! As in Drake Cortezano?!!" Paulit ulit na sigaw ni Rica!




"Paulit ulit teh?" Naiinis na sabi ko.




"Hindi ba siya yung totoy na bitbit mo sa party ko?" Aniya, grabe. Bitbit talaga? Regalo lang ang peg?




"Sa naaalala ko, nakita ko kayong dalawa sa dance floor na naghahalikan.." Sabi ni Jasmin habang namimili ng damit.




Sht. Dahil sa halik na yan kinukulit ako ngayon nung lalaki na yon! Napakagat ako sa labi ko ng maalala ko kung paano niya ako halikan, masarap naman.. Ano?!! Masarap?! Bwisit ka Marie!!




"Hahaha! Yeah! And after nilang maghalikan umalis sila sa party ko ng hindi nagpapaalam! Nah, nagpaalam pala sa text nga lang!" Natatawang sabi ni Rica.




"Don't tell me nag ano kayo nung gabing yon?! My ghad Marie! Child abuse! Freddie Aguilar lang ang peg?!!" Hiyaw ni Jasmin! Nanlaki ang mata ko! Hinablot ko yung isang dress at binato ko siya!




"Hoy!! Anong Freddie Aguilar ka diyan! FYI forty four years ang gap nila Freddie Aguilar at ng jowa niya ngayon! Pero kami ni Drake four years lang! Ghad!" Depensa ko!




Bigla silang napangiting dalawa, yung ngiting ang lakas makaloko!




"Anong ngini-ngiti ngiti niyong dalawa?!"




"Ikaw! Wow, at nakuha mo pang mag-compute sa oras na 'to ha? So jowa mo na?" Pang aasar ni Rica.




"Gaga! Hindi ko siya jowa!"




"Wushu. Manliligaw?" Tanong ni Jasmin, napaisip ako.




"Aysus, sinasabi ko na nga ba, may tama ka na rin sa totoy na yon, palagi mo ba namang kasama noon." Dagdag ni Rica, inirapan ko naman silang dalawa, duh wala akong tama sa Drake na yon noh!




"Aish, bakit ba natin siya pinag uusapan?! Nandito tayo ngayon para mag shopping diba?! Ikaw Rica nililibang mo kami para hindi makapamili noh?!" Pang aasar ko!




"Hahaha! Nahalata mo din. Joke lang, gora lang btch pili lang hangga't sale ngayon."





Nagsukat na kaming tatlo ng mga damit na magugustuhan namin, pero sa huli tig-dalawa lang ang nabili namin, wala masyadong magandang damit ngayon. Pagkatapos bayaran ni Rica yung mga damit nagyaya siyang kumain sa paborito niyang restaurant.




"Grabe btch miss na miss ko na talaga ang pagkain dito.." Sabi ni Rica habang namimili ng oorderin sa menu. Isa sa pinakahilig naming gawin ay ang magfood trip.




Nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin ng matanaw ng mata ko si Maesha na papasok dito sa loob ng restaurant, sandali akong tumigil sa pagkain para makita kung kasama siya nung babae na yan.. At nadismaya ako ng kasunod na siya nito. Padabog kong binitawan ang hawak kong kutsara, bakit ba mayroong parte ng sarili ko na pakiramdam ko niloko nanaman ako.. Magiliw na nakangiti sakanya si Maesha habang tinuturo yung isang pwesto na bakante.




"Btch? Problema?" Tanong ni Jasmin.. Lumingon siya sa pwesto kung saan nakatutok ang mga mata ko.




"OMG! Ang gwapo!!" Sigaw ni Jasmin..




"Gwapo nga manloloko naman.." Inis na sabi ko saka tumayo ako.




"Uy btch saan ka pupunta?!" Pagtataka nilang dalawa! Pero hindi ko na sila pinansin, naglakad ako palapit sakanila! Nakatalikod na siya ngayon saakin kaya naman marahas kong hinila ang braso niya para maiharap siya saakin! At halos mapanganga siya ng makita ako.




"Sweetheart.." Tawag niya, sweetheart?!! Mukha niya! Binigyan ko siya ng magkapatid na sampal! Oo! Kaliwa't kanan na sampal!




"Hey..what do you think you're doing?" Maarteng tanong ni Maesha saakin, napakunot ang noo niya na para bang kinikilala niya ako.





"Oww, we meet again honey.." Mapang asar na sabi ko kay Maesha, ayoko talagang nakikipag plastikan sa kahit sino, naiirita ako. Hinila ni Drake ang kamay ko pero marahas ko siyang itinulak.




"Manloloko." Matigas na sabi ko saka tinalikuran ko na siya, wala ng pag asa na magbago yang gago na yan.





"Kei Marie sandali lang!!" Sigaw niya saakin pero hinayaan ko lang siyang magsisigaw! Kahit mamaos pa siya wala na akong pakialam sakanya, napakamanloloko, ang daming alam na matamis na salita ni hindi manlang mapanindigan. Oo umasa ako, umasa ako na baka nga seryoso siya, pero laro lang din pala ang gusto niya! Hinila niya ang kamay ko at hinarap ako sakanya!





"Kei Marie makinig ka muna.." Pinagtaasan ko siya ng kilay!




"Bakit ako makikinig sayong manloloko ka?! Napaka-plag boy mong hayop ka!"





"Shut up Kei Marie, kasama ko siya ngayon dahil gusto ko ng putulin ang kung ano mang mayroon saaming dalawa.." Paliwanag niya na naging dahilan para mas lalo akong mainis sakanya! Sinampal ko ulit siya!




"Putulin ang kung ano mang mayroon sa inyo? Dammit Drake!! Sinabi mo saakin noon na hindi mo girlfriend ang babaeng yon! Pagkatapos ngayon may puputulin ka sakanya?! Baka gusto mong yang nasa ibaba mo ang putulin ko ng magtino kang gago ka!!" Sigaw ko sakanya! Napaawang ang bibig niya sa isinigaw ko!




"So-sorry..maging ako kasi hindi ko alam kung anong mayroon saamin.." Aniya, itinulak ko siya!




"Ang kapal ng mukha mo.." Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong huminga ngayong nakakaramdam ako ng pagkamuhi sakanya, siguro dahil best friend ko siya kaya ganito nalang umasta ang puso ko pagdating sakanya.




"I'm sorry..wala naman talaga kaming relasyon ni Maesha. Pero mahirap kasi yung sitwasyon Kei Marie.. Isang taon ko siyang kasama..at--"





"Tigilan mo na ako Drake. Gago ka! Wala kang kwentang hayop ka.." Naiinis na sabi ko saka nagmadali na akong umalis ng mall, sinundan niya pa rin ako pero itinataboy ko siya sa tuwing mahahawakan niya ang kahit dulo lang ng daliri ko, mabilis akong sumakay ng taxi na nakapila sa tapat ng mall! Kinakalampag niya pa yung bintana nito kaya naman sinigawan ko na yung driver na bilisan na niya!





Apat na buwan na rin ang lumipas.. Tinitignan ko ngayon ang itsura ko sa salamin. Magkamukha talaga kaming dalawa ng kakambal ko. May nakilala akong isang lalaki na sobrang loyal para sa isang babae.. Ayoko naman talagang magpanggap bilang siya, pero sa kagustuhan kong maramdaman na mahalin ng sobra ng isang lalaking kagaya niya, nagawa ko kahit na alam kong mali.




Naghahanap na ako ngayon ng space sa parking lot ng isang coffee shop, dala dala ko yung kotse ng kakambal ko. Ghad hindi ko makuha kuha yung pinag ipunan kong sasakyan dahil kinuha ni Mama lahat ng pera ko para daw h'wag kong iwanan yung kapatid kong may ginintuang puso, at ng makahanap na ako mabilis kong ipinarada iyon at naglakad papunta sa loob ng coffee shop.




Anong ginagawa ko dito? Nagpunta ako dito para klaruhin sa Drake na yan na tapos na ang panliligaw niya at basted na siya, hindi ko na nga sinasagot ang mga tawag niya pero ang kulit kulit pa rin niya.





Nandun na kaagad siya at nakaorder na rin siya ng cake at coffee.. Umupo ako sa harapan niyang upuan at tinaasan ko siya ng kilay.




"Sandali lang ako dito..may gagawin pa ako.." Panimula ko.




"Alam ko.." Seryosong bulong niya, tinignan ko ang pagkakaupo niya, nakasandal siya habang titig na titig saakin.




"Ayusin mo na yang gulong pinasok mo Kei Marie.." Napanganga ako ng bigla siyang magsalita. Tinitigan ko siyang mabuti at dun ko lang napansin na parang dismayado siya



"A-anong ibig mong sabihin?"




"Sinusundan kita Kei Marie, at gusto ko lang malaman mo na pinsan kuno ko yang si Kyle.. Ikaw ang nagsimula niyan hindi ba? Ikaw ang tumapos.." Napaawang ang bibig ko ng makit ko ulit sakanya ang dating siya, yung dating Drake na nagpapayo saakin nung mga panahong nasasaktan ako..





"Hindi kita pakikialamanan, at kahit gusto kong magalit sayo hindi ko magawa..bakit? Dahil alam kong ako itong may kasalanan sayo na hanggang ngayon hindi pa rin natin napag uusapan.." Aniya saka uminom siya ng kape. Mariin niyang ipinikit ang mata niya bago ulit ako titigan..at hindi ko kinaya ang seryosong boses niya na parang tumusok sa buong pagkatao ko.




"Mahal kita. Sana kahit yun lang paniwalaan mo.." Seryosong bulong niya, hindi ko alam kung bakit umuurong ang dila ko ngayon.. Hindi ba Marie nandito ka para bastedin yang play boy na yan?!





"At sorry dahil nagsisimula palang akong ipakita sayo kung gaano kita kamahal may kalokohan na kaagad akong nagawa.. Si Maesha.. Inaamin ko naman, isang taon kaming nagkasama.. Siguro dahil na rin pareho naming naiibigay ang gusto namin na walang kapalit na kahit ano.." Hindi ko alam kung bakit may tumutusok nanaman sa loob ng dibdib ko, mabilis kong ininom ang tubig sa harap ko..





"Pangangailangan ba sa kama yan Drake?" Untag ko sakanya.. Naningkit pa lalo ang singkit niyang mata. Inihilamos niya ang dalawang palad niya sa mukha niya, at muli akong tinitigan pulang pula na ang mata niya. Hindi ko alam kung naiiyak ba siya?




"Yes Kei Marie." Tapat na sagot niya, hindi na ako nagulat sa sagot niya. Lalaki rin yan si Drake, kahit na sabihin mong napakanerd niya noon alam kong may itinatago rin yang libog sa katawan niya, sorry for the word pero walang dahilan para magpaligoy ligoy pa ako.




"Pero wala na kami. Nagkalinawan na kami na tapos na kaming dalawa."




"Dahil lang may gusto kang makuha iiwanan mo na yung isa, ganun ba yon Drake?" Pagtataray ko, halatang nagulat siya sa sinabi ko.




"Kei Marie hindi ganun, gusto ko lang iwanan yung mga bagay na nakasanayan ko nung wala ka dahil ayokong maging dahilan yon para masaktan kita.." Napalunok ako ng sunod sunod, lahat nalang may dahilan siya..




Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil..




"Please Kei Marie..bigyan mo pa ako ng chance. Last na talaga 'to promise, at kung pumalya pa ako sa listahan mo titigilan na kita.."


*****

Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!