My Binondo Girl After Two Years Chapter 4

9.1K 43 15
  • Dedicated kay WeLoveXianLim

Chapter 4

Pagbaba ni Jade ay inabutan niyang pinapakain ni Annika si Sapphire sa may covered porch sa likod ng mansyon malapit sa olympic- size swimming pool.

"Ma'am Jade, tingnan mo si Sapphire ang lakas kumain," natutuwang bida nito sa amo. "Ayan naubos na." Pinunasan nito ang bibig ng bata kung saan naiwan ang ibang pagkain.

Na-distract si Jade sa sasabihin kay Annika nang makita niyang naliligo sa pool si Andy sa di kalayuan.

"Oy, Ma'am Jade para kayong namatanda. Hanggang ngayon super in love pa rin kayo kay Sir Andy," tudyo nito sa magandang amo.

"Ano ka ba, Annika," namumulang sabi nito.

"Ma'am, siguro kahit ako pag ganyan kapogi at katikas ang asawa ko ay naku ako na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo," madramang wika nito habang nakatingin din sa among lalaki na kasalukuyang paahon sa pool.

Biglang natigil ang usapan nila nang biglang tinapon ni Sapphire ang bote ng gatas sa sahig para magpapansin. She was trying to get out of the high chair. Nang hindi makaalis sa seat belt ay bigla itong umiyak ng malakas. Nataranta si Annika kaya kinuha niya ang bata sa mataas na silya pero noong karga na niya ay gusto na mang magpababa nito sa sahig. Nang maibaba na niya si Sapphire ay bigla itong lumakad na parang mabubuwal. Dali-daling sinundan ito nila Jade at Annika.

"Andyyyy, tingnan mo si Sapphire naglalakad na," excited na sigaw ni Jade sa paparating na asawa na nagpupunas ng basang ulo at katawan.

"Wow, first baby step! Annika, dali pakikuha ng video ko sa den," masayang utos nito sa katulong na natataranta.

"Babe, naglalakad na ang princesa natin," galak na galak si Jade.

"Siguradong matutuwa silang lahat mamaya pagnapanood nila ang video."

Patuloy sa paglakad si Sapphire habang nakaalalay ang mag-asawa. Dumating si Annika na bitbit ang video cam saka inabot kay Andy.

"Sir Andy, isama na ninyo ako sa video para sikat," nakangiting pakiusap nito sa amo.

"Sige ba, pagkatapos ko kayong kunan, ikaw naman ang mag-take ng video Annika para kasama ko ang mag-ina ko sa video.

After they finished video recording the baby steps of Sapphire, unang tinawagan ni Andy ang mama niya para ibalita ang nangyari.

"That's good news, anak. Pupunta ako ako diyan mamaya para mapanood ko ang video."

"Ma, I'm so happy. Ganito pala ang may baby masarap ang pakiramdam pag may nakikita kang milestone sa buhay nito," maramdaming sabi nito sa ina.

"Yes, Andy. Alam na ba nila Zheny at La Amor? Tiyak kong matutuwa rin ang mga iyon. And please don't forget your Papa Edison baka sabihin na-left out naman siya."

"Tumawag na rin si Jade para ibalita. Nasa opisina si Nanay Zheny nagyon. Sige, Ma we will wait for you later, dito na kayo mag-dinner okay? I invite Papa for dinner also."

"That's a good idea! Bakit nga pala na sa bahay ka ngayon? It's only Friday, did you take a day off?" sunod-sunod na tanong ng ina.

"Yes, Ma. Babawi sa mag-ina ko. I've been really busy lately sa office medyo nagtatampo na si Jade sa akin so I decided to take a day off from work. It so happened that Sapphire took her first step so timing lahat talaga,"

"Well, that's good. Don't take Jade for granted."

"NEVER Ma," pagtatapos ni Andy. "Okay, we will see you later."

It was a successful dinner, everybody enjoyed the dishes prepared by Twin Dragons chef na pinatawag ni Andy para magluto sa mansyon nila Jade that night. Dumating din sila Trevor at Amethyst na inimbitahan ni Jade.

Napagpasiyahan ng grupo na ituloy ang kuwentuhan sa maluwag na sala pagkatapos ng hapunan. Nagdala ng kape ang katulong nilang si Bebang na doon nila ininum sa sala. Around 10 PM ay nagpaalam na rin si Edison, Menchu, Trevor at Amethyst para umuwi na.

Hinila ni Trevor si Andy nang nasa may pintuan na sila at pabulong na sinabing, "Bro, tinawagan ako ni Naomi kanina hinahanap ka. Dumating siya galing ng States kahapon raw. Hindi ka raw niya ma-contact sa cell mo, " pasikretong bulong nito sa nakakatandang kapatid para hindi marinig ng iba.

"Ano? Bumalik na siya? " nag-aalalang sabi ni Andy sabay lingon sa gawi ni Jade. Dati niyang girlfriend si Naomi pero nakipa-break siya dito matagal na bago pa niya nakilala si Jade dahil alam niyang hindi niya maibibigay ang inaasam nitong kasal sa kanya. Alam ni Jade na may dating siyang naging girlfriend na Naomi ang pangalan.

""Oo Andy, mukhang decided na magkita kayo uli. Dude, mukhang hindi pa nakaka-get over sa iyo ha?," pang-aasar ni Trevor sa kapatid.

"Trev, matagal na kaming wala. Ayaw kong magkaroon pa kami ng communication."

"Sorry, Andy. Naibigay ko ang cell number mo, makulit kasi eh," nagi-guilty na amin ni Trevor.

"Ano? Bakit mo ibinigay? Pahamak ka talaga, Trev. Thanks!" sarkastikong sabi ni Andy habang isinuklay ang mga daliri sa buhok.

"Ano ang mga bulungan ninyo diyan," tanong ni Amethyst sa dalawa. "Trevor, let's go home na."

"Wala, Sweetheart. May nakalimutan lang akong itanong kay Andy about business," nangingiting ani nito habang nakatingin sa naiinis na kapatid.

"Bro, aalis na kami," paalam nito habang hinawakan sa braso si Amethyst para alalayan sa sasakyan.

"Salamat sa lahat, Trev. Maaasahan ka talaga sa lahat ng bagay," nakasimangot ng bahagya si Andy.

Lumapit si Jade sa kanya,"Babe, bakit ka naiinis diyan? Anong sabi ni Trevor?" nagtatakang tanong ni Jade.

"Wala iyon, hindi importante. Tara na sa loob para makatulog na rin tayo," nakangiting anyaya ni Andy sa asawa.

Hindi na kumibo si Jade pero nakita niya ang expression ni Andy sa sinabi ni Trevor sa may gate.

Kukulitin pa sana ni Jade si Andy pero nakita niya na sarado ang mukha nito parang wala ito sa mood para magkuwento kaya pinabayaan na lang muna niya ito. Bukas na lang niya ito tatanungin pag nasa mood na uli ito. Kahit na mabait at super malambing si Andy ay very stubborn din ito.

Nagising si Andy sa ring ng cell phone niya kinabukasan. Si Jade ay mahimbing ang tulog sa tabi niya.

"Hello, Andy my lover boy!" masayang bungad nito kay Andy sa phone pagsagot niya. Napatingin bigla si Andy kay Jade. Natakot na baka magising ito at magtanong. Hindi pa niya alam kung paano magpapaliwanag dito tungkol sa dating girlfriend. Dali-dali at tahimik siyang tumungo sa banyo para doon sumagot.

"Hi Naomi, natawag ka? Kumusta ka na?" tahimik na sabi nito sa dating kasintahan.

"Missing you, Darling. Kung hindi pa ibinigay ni Trevor ang number mo hindi pa kita mahahagilap ngayon," nagtatampong sabi ni Naomi.

"Naomi, you are talking to a married man already. I found the love of my life and soul mate, si Jade. You should meet her one day," kaswal na kuwento nito.

"I know, Trevor already told me that you got married two years ago and that you have a small baby. But that's okay with me, Andy. Pwede namang dalawa kami di ba," sa boses na nang-aakit.

"I love my wife so much that I will never do anything to hurt her," matigas na sabi nito.

""She doesn't need to know, Darling," sabay tawa ng mapakla.

"I am going to hang up right now. Please do me a favor, don't call again." pagtatapos ni Andy sabay pindot sa end button ng cell phone.

Sa kabilang linya ay nangigigil si Naomi sa galit. Nakakunot ang noo nito nag-iisip. "Andy, I will never let you go," pangako nito sa sarili habang nilalaro ang cell phone.

******Pleas follow me on Twitter @gidgetwitty to get an update on the coming chapters.

"