Kabanata 9

214K 2.9K 126







Kabanata 9



Madaling sabihin ang mga matatamis na salita na yan. Yan ang lagi kong inilalagay sa kukote ko, dahil ayoko ng masaktan ulit.




"Ang dami mong alam." Sabi ko saka naglakad na ulit, narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko na siya hinarap pang ulit. Mahal? Kung mahal niya ako dapat noon palang sinabi na niya hindi ba? Kahit na sabihin nating ang totoy niya noon para sa mga mahal mahal na yan eh pwede ko pa sanang i-consider yon ngayon. Pero hindi na, nagbago na ang isip ko. Oo na ang gwapo gwapo niya at ang hot hot niya, pero hindi siya pasado sa listahan ko. Gusto ko yung lalaking mamahalin ko, ako lang ang kinababaliwan at wala ng iba. Gusto ko iiyak siya kapag nawala ako, o mamimiss niya kaagad ako kapag nagkahiwalay kami kahit sandali lang.




Ang lakas ng loob niyang sabihing mahal niya ako, pero wala naman siyang mapatunayan. Unang una ipinakita na niya saakin ang pagkahaliparot niya sa mga kababaihan, pangalawa pinatunayan niya lang na sex lang ang habol niya sa mga babaeng nilalandi niya. Tapos sasabihin din niya natalo ng first kiss ang love at first sight?! Kalokohan! Kung talagang natalo yon dapat noon palang nag-gaganyan na siya!





Pagkadating ko sa bahay nadatnan kong nagtitingin ng mga pictures ko si Mama sa sala.




"Ma." Tawag ko sakanya saka lumapit ako para mahalikan siya sa pisngi.




"Anak, kumusta ang trabaho sa boracay?"




"Okay naman po.." Sagot ko saka umupo ako sa katapat niyang couch, kinuha ko yung isang picture nung bata pa ako na naka-uniform.




"Kinder ka pa niyan, kaya lang inilipat na rin kita kaagad ng school dahil ang mahal ng tuition sa school na yan.." Nakangiting sabi ni Mama, ang cute ko lang nung bata pa ako, kaloka.




Tumango tango nalang ako kay Mama, napansin kong may hawak siyang isang picture ng dalawang baby.. Nakayakap yung isang baby dun sa isa habang tulog, nakakatuwa lang pagmasdan dahil magkamukhang magkamukha talaga.




"Sino yan Ma?" Tanong ko, kaagad ibinalik ni Mama ang tingin sa picture na hawak niya.




Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.




"Kayo ng kapatid mo.." Seryosong sabi ni Mama, napatingin ako sakanya ng buong pagtataka! Kapatid?




"Alam ko dapat noon ko pa sinabi sayo hija, may kakambal ka at Kei ang pangalan niya.. Siya rin ang dahilan kung bakit ayokong banggitin ang Kei sa pangalan mo.." Kwento ni Mama, kakambal? Mayroon akong kakambal, wow.. Just wow, all this time akala ko solong anak lang ako at patay na ang Papa ko.




"Kung ganon Ma, nasaan siya?" Tanong ko, tinignan niya ako at halatang punong puno ng pangamba ang mga mata niya.




"Nasa Papa mo.." Nanlaki ang mata ko at halos magwala ang puso ko, buhay ang Papa ko??




Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko, kaagad lumapit saakin si Mama at niyakap ako.




"Anak..alam ko dapat matagal ko ng sinabi sayo ang lahat, pero ikaw nalang ang natitira saakin.. Ikaw ang pinili ko dahil alam kong mas kailangan mo ako nung panahong may sakit ka.." Umiiyak na sabi ni Mama.




Ikinuwento niya saakin ang lahat kung bakit naghiwalay sila ni Papa. Bigla akong nakaramdam ng saya dahil sa wakas makikita ko na ang Papa ko.





Hiniling ni Mama saakin na magleave muna ako sa trabaho ko para mapuntahan nanamin ang kapatid ko. Ibabalik na muna niya ang credit cards ko na sakanya nakapangalan. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Mama, alam kong hindi magiging madali ang lahat ng ito kung hindi ko siya sasamahan.





Kinabukasan maaga akong pumasok sa office para makapagpaalam sa boss ko. Isang buwan ang hiningi kong leave. Mabuti nalang kamo at mabait si Mr.Go.




Nagliligpit na ako ng gamit ko sa office ko ng dumating si Mateo, inirapan ko naman siya. Office pala naming dalawa 'to! Pero dahil naiinis ako sakanya office ko lang!




"Girl..sorry na.." Bulong niya, sorry? Pagkatapos niya akong iwanan sa ere. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pag aayos sa opisina ko para pagbalik ko maayos na.




Tumayo siya at lumapit saakin saka yumakap sa likod ko! Siniko ko naman siya pero niyakap niya pa rin ako!




"Sige nanaman girl patawarin mo na ako, para sayo din naman yung ginawa ko eh.." Sabi niya, hinarap ko siya at tinitigan ko ang mukha nitong bakla na 'to!




"Hoy! Anong para saakin?! Sinasabi ko sayo Mateo ayoko ng magboyfriend! Huli na si Jeric!" Sigaw ko sakanya.




"Teh naman one month na kayong break ni Jeric, saka di hamak naman na mas yummy si Mr.Pandy." Reklamo niya, ayan nanaman siya sa Mr.Pandy niya! Naalala ko nanaman yung katawan nung lalaking yon! Grabe Marie katawan talaga?!




"Wala akong pakialam sa pandesal niya!!" Hiyaw ko dahilan para matawa siya!




"Talaga lang teh? Kahit na mag strip tease siya sa harapan mo?!" Nanlaki ang mata ko!




"Kahit na! Saka hindi ba sinabi ko naman sayo naghahanap na ako ng loyal! Yung Jeric na yon akala ko loyal, manloloko rin pala ang walangya!" Sabi ko! Humagikhik naman siya!




"Anong tinatawa tawa mo diyan?" Naiinis na tanong ko!




"Ikaw teh, bati na tayo noh?" Paninigurado niya, nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, naisahan nanaman ako nitong bakla na 'to, magkaaway dapat kami eh! Pero kinuwento kwento niya ako ayan tuloy nawala yung galit ko sakanya!




"Yiie.. Bati na kami.." Aniya sabay kiniliti pa ako! Hinampas ko siya sa braso niya!




"Oo na!! Pero ikaw ang tumapos ng mga report kay Mr.Go!" Sigaw ko sakanya!




"Sure teh.." Masayang sabi niya saka hinila na ako palabas ng office naming dalawa.




"Huy hindi pa ako tapos mag ayos!" Sigaw ko sakanya!




"Okay lang yan girl! Magcoffee muna tayo! Treat ko!" Hiyaw niya, yan naman ang gusto ko sakanya eh kada magtatampo ako nanlilibre siya!




Pero bago pa mandin kami makapasok sa loob ng coffee shop malapit sa company, halos mapalundag ako ng may sumigaw ng pangalan ko sa microphone! Yes! As in microphone! Napalingon ako sa kalsada kung saan may isang truck doon at nakatayo si Drake sa taas ng truck, may kasama din siyang tatlo na lalaki! Lahat sila gwapo pero nangingibabaw ang kagwapuhan ng loko, may hawak na gitara ang dalawang lalaki, ang isa naman ay nasa dulo ng truck at nakaupo sa drum set, habang siya nakatayo doon at may hawak na mic! Titig na titig siya saakin!




"Surprise!!" Sigaw ni Mateo saakin, tinignan ko siya ng masama kaya naman napaatras siya! Tatalikod na sana ako pero sumigaw nanaman si Drake!!




"Sweetheart!!!"




Tumigil ang lahat ng taong naglalakad at tinignan sila dun sa taas ng truck.




"I love you sweetheart! Kung gusto mong mag igib ako sa bahay niyo araw araw gagawin ko!!" Sigaw niya sa mic!




"Woooaahh!!" Nag sigawan ang mga tao, halos mag init ang mukha ko. Pero kaagad akong nakabawi!




"Sira ba tuktok mo?!! Wala kaming poso!!" Hiyaw ko sakanya saka tumalikod na ulit!




"Magsisibak ako ng kahoy!!" Sigaw pa niyang ulit, nilingon ko siya at tinaasan ng kilay habang nakahalukipkip ako!




"May kalan at gasul kami!"




"Ang dami mo namang palusot! H'wag ka ng pakipot! Hindi na uso yon sweetheart!!" Sigaw niya! Aba't sinusubukan talaga ako nitong gago na 'to!!




"Hoy!! Ang kapal ng mukha mong babaero ka! Kahit ano pang gawin mo wala kang pag asa!" Te-teka nga! Parang pumayag na rin akong magpaligaw sakanya!




"Aish.. Listen sweetheart, I'm gonna rock your world!" Sigaw niya sa mic sabay kinindatan ako! Nagsigawan ang mga tao!




"Baka naman you're gonna rock her bed!!" Hiyaw ni Mateo! Hinampas ko siya pero tinawanan lang niya ako! Ngumisi naman si Drake sa mic!




"Pwede rin.." Pilyong sabi niya saka nagsimula ng tumugtog ang mga kasama niya at halos manlaki ang mata ko ng sinimulan ng kantahin ni Drake ang unang linya ng kanta.




••Tamis ng unang tikim!
Hinahanap hanap! Di na
makikita!••




Halos mapalunok ako ng sunod sunod dahil sa lyrics at way ng pagkanta niya dahil titig na titig siya saakin sabay biglang kikindat at itinuturo pa niya ako! Nagsimula akong maglakad paalis ng coffee shop pero nagsimula ring umandar ang truck at sinusundan ako!! Nagsisigawan ang mga tao!




"Sweetheart! Tingin naman diyan!!" Hiyaw niya!! Umiling iling ako at tumakbo ako pero sumusunod pa rin sila saakin!





••Sa dinami dami ng nakilala
Walang kapares kung sayo'y
Ihahambing sila!
Kung saan saan naghanap, kung saan saan napadpad,
Sayo lang natagpuan!!••




Napatigil ako sa pagtakbo ng may tumama sa katawan ko na isang bagay! No! Isang bouquet ng roses iyon! Tinignan ko siya ng masama! Pero nakangisi siya saakin at may hawak pang isang bouquet pa ulit saka ibinato iyon! Hinawi ko iyon kaya naman nagtanggalan ang mga iyon sa pagkakatali! Napakabastos na talaga nitong lalaki na 'to! Magbibigay nalang ng bulaklak ibabato pa! Masama ba ang loob niya?!! Tinignan ko ulit siya ng masama at nagtama ang mga mata namin pero napatigil ako ng kagatin niya ang ibabang labi niya at binasa pa niya iyon gamit ang dila niya! Napalunok ako ng sunod sunod! Dammit! Why so sexy Drake Cortezano?!! Bullsht!! Ipinagpatuloy niya ang pagkanta at tuluyan na rin akong natulala sakanya.




••Tamis ng unang tikim!
Hinahanap hanap! Di na makikita! Ika'y walang kahambing ang bangis at walang kasing tamis na unang tikim!••




Mas lalo siyang ginanahan sa pagkanta, nagsisigawan pa rin ang mga tao, at napapangiti nalang ang tatlong kasama niya sa taas ng truck. Nagtitigan kaming dalawa na para bang kami lang ang tao sa lugar na ito, maganda ang boses niya, lalaking lalaki. Tinignan ko ang tindig niya at dun ko lang napansin na nakauniform pa siya ng school ko kung college ako. Biglang bumukas ang likuran ng truck at may naglagay ng hagdan doon, napangisi siya at maingat na bumaba mula sa taas ng truck!




Hindi ko na namalayang nasa harapan ko na siya at hawak hawak ang kamay ko! Ibinubulong na niya ngayon sa microphone ang lyrics ng kanta.




"Hindi malilimutan...ang tamis ng nakaraan..Hindi malilimutan sa iyo naranasan.. Tamis ng unang tikim." At napapikit ako ng bigla niyang lamunin ng halik ang bibig ko! Isang nakakabinging sigawan ang narinig ko sa paligid! Isang napakalalim na halik na para bang sabik na sabik siya! Mabilis ko siyang itinulak! Pero ngumisi lang siya!




"Ang tamis talaga!" Cool na sabi niya habang nakatitig sa labi ko, itataas ko sana ang kamay ko para hampasin ang bibig niya pero mabilis niyang ibinato yung mic at hinablot ang kamay ko sabay isinandal ako sa pader! Ang tangkad na talaga niya, at hindi ko kaya ang umuusok na katawan niya! Sht! Bat ba ang hot niya?! Yung mata niyang singkit nanghihila ng panty! Yung bibig niyang pinkish mamasa masa! Yung ilong niyang napakatangos! Yung adams apple niyang wagas gumalaw sa tuwing lumulunok siya! My ghad Marie! Bakit ba sa tuwing makikita mo siya idinedescribe mo ang nakamamatay na Drake Cortezano?!!




"Sweetheart.." Bulong niya, ang bilis bilis ng paghinga ko dahil sa sobrang kaba! Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya pati ang after shave niya. Isama mo pa yung amoy gwapo! Anong pabango ba yon?! Bat ang gwapo?!




"Sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita." Nakangising patuloy niya! Magsasalita sana ako pero marahas niyang hinalikan ulit ang labi ko at kinagat ang ibabang labi ko!




"Hindi ako tumatanggap ng rejection pagdating sayo! I love you!" Sabi niya at bago pa siyang tumalikod ninakawan nanaman niya ako ng isang halik! Nanlaki ang mata ko!




Naglakad na siya pabalik sa truck pero humarap ulit siya!




"Goodbye sweetheart, asahan mo ang pagsulpot nitong labi ko sa matamis na labi mo!" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, nakaalis siya't lahat tulala pa rin ako.




"Ang swerte mo! Ang hot niya!!" Sigawan ng mga tao. Sinampal sampal ko ang sarili ko! Pero napatigil ako ng batukan ako ni Mateo!




"Hindi ka nananaginip teh! Truelalu itey! Haba ng hair! Naligo ka na ba girl?!" Natatawang pang aasar niya! Tinignan ko siya ng masama at pinaghahampas sa braso!




"Aray!! Ouch! Aruuy! Arouch!!" Sigaw niya at panay ang iwas niya!!




"Malandi kang bakla ka!! Akala ko ba ililibre mo ako ng kape?!! Bakit hindi mo sinabing ililibre mo ako ng sine?!!" Sigaw ko sakanya!




"Huwat?! Anong sine?!!"




"Sa sine ko lang napapanood ang mga ganung eksena!! At hindi ko pinangarap maging artista!! Haliparot kang bakla ka!!" Sigaw ko sakanya! Tumawa naman siya ng tumawa! Ano ba?! Mahilog akong manood ng mga love story! Pero kung saakin mangyayari baka hindi ko kayanin!!




"Oy!! Teh!! Tumigil ka! Sasabunutan na talaga kita! Umamin ka! Kinilig ka!! Kinikilig ka!! Sus laglag na panty mo! Ke aga aga niyong maglampungan!!" Natatawang aniya at tumungo siya para kuhanin yung isang bouquet saka ipinahawak saakin yon! Halos lumuwa ang mata ko sa sunod na sinabi niya!



"Itago mo yan teh! Remembrance mula sa tamis ng unang tikim!!"


****


Just Fall In Love Again (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!