Prologue

198K 3.1K 189
                                    

Prologue

            Soulmates.

            Sometimes, it's hard to think that someone in this world is born to be your perfect match. Kanino bang idea yun? Na kahit bilyon-bilyon ang tao sa mundo at kahit pinanganak sila sa isang napakalayong lugar, there is this one person na sabi nga nila eh destined to be with you. This person is meant to find you.

            Paano kung hindi pa nangyayari yung inaabangan mo na happiness? Yung ibang tao naniniwala na kapag hindi mo pa daw nahahanap ang true love, yun ay dahil hindi pa nagku-krus ang landas niyo. Na hindi pa raw tama ang panahon. Baka naligaw lang daw, o kaya naman eh na-late. Pero meron at merong taong para sa iyo.

            But have you ever thought, what if, yung taong hinihintay mo eh wala sa mundong ito? Na kahit anong gawin mong paghihintay eh hindi dadating yung tao na iyon dahil walang soulmate na nakatadhana sa iyo? Nag-iisa ka lang, dahil yung inaabangan mo... hindi dapat para sa iyo. Yun ba ang dahilan kung bakit may mga taong nag-iisa? Choice o hindi talaga dumating yung para sa kanila?

            Pero ano naman kayang gagawin mo kung nahanap mo na yung soulmate mo tapos mabilis nawala? Magse-settle ka ba sa iba, o tatanda ka ng mag-isa?

The Sacred Rule of Love - (PUBLISHED 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon